DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.
“Damn it! Bakit—”
Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam ng pagsusuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Nagsuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.
“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nagsusuka.
Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.
Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”
Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang kanyang mommy na may nag-aalalang mukha.
“Mommy, bakit—”
Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang makita niya ang galit na galit na kanyang ama.
“Dad—”
Muli, hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi nang sandaling makalapit ang kanyang ama sa kanya.
“Bakit—”
“Wala ka na bang tamang gagawin, Maeve?” mariing tanong ni Hudson na galit na galit.
Walang ideya ang dalaga sa sinasabi ng kanyang ama.
“Anong sinasabi niyo po, daddy? Hindi ko po kayo maintindihan,” mahina at naguguluhang tanong ni Maeve.
“Hindi mo naiintindihan? Paano mo maipapaliwanag ang lahat ng ito, ha?” Sabay itinapon ni Hudson ang mga litratong hawak nito na may maseselang kuha ng kanyang anak at isang lalaki na hindi niya kilala.
Nanlaki ang mga mata ni Maeve nang sandaling makita niya mga litratong nagkalat sa sahig.
“Paanong nagawang—”
Hindi nagawang matuloy ni Maeve ang kanyang sasabihin sa labis na pagkabigla at hindi makapaniwala sa nangyayari. Ngunit ang mas lalong ikinaguho ng kanyang mundo ay nang ihagis ng kanyang ama ang tablet sa kanyang harapan at doon niya nakita ang footage ng kanilang p********k ng isang estranghero.
“Wala ka na bang gagawing tama, Maeve? Puro na lang ba kahihiyan ang ibibigay mo sa akin?” galit na galit na tanong ni Hudson. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas at hindi susunod sa mga sinasabi ko?”
Nanatiling walang imik si Maeve. Akala niya kapag iniwan niya ang kanyang alaala sa bar na ‘yon at kalimutan ang pagkakamaling ginawa niya nang gabing iyon ay mababaon na lamang iyon sa limot ngunit nagkamali siya.
“Paanong nangyari ang lahat ng ito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili na hindi pa rin nagagawang alisin ang kanyang tingin sa video.
Gusto ni Maeve magpaliwanag ngunit nang sandaling napatingin siya ng kanyang tingin sa kanyang ama ay muli siyang nakaramdam ng pagsusuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo.
Narinig nang mag-asawa ang pagsusuka ni Maeve dahilan para mas lalong sumabog sa galit si Hudson.
“Huwag mong sabihin na buntis ka?”
Napatingin si Maeve nang may pag-aalinlangan at takot sa kanyang ama.
Napasapo ng kanyang noo si Hudson sa labis na pagkadismaya.
“Daddy, let me—”
“Tama na, Maeve! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!” mariing pagpuputol na sigaw ni Hudson na labis ang galit na nararamdaman. “Buo na ang aking pasya, aalis ka ng Pilipinas. Doon ka muna sa Amerika hanggang sa mamatay ang eskandalong ito.”
Hindi nakaimik si Maeve sa kanyang narinig.
“At sa pagkakataong ito, wala kang karapatan para umangal o hindi sundin ang pasya ko!”
***
NANG sandaling bumaba si Maeve ng kotse ay nakita niya ang sandamakmak na reporters na nag-aabang sa labas at loob ng airport.
“Do you see what you have done?” paninising punto ni Hudson kay Maeve dahilan para mapayuko. “Binigyan mo ng kahihiyaan ang pamilya natin.”
Hinawakan ni Lucinda ang kamay ni Hudson. “Honey, don’t be harsh to our daughter. Alam niyang nagkamali siya hindi mo na kailangan na ipamukha pa sa kanya,” pag-aawat na saad nito.
Ngunit matigas ang loob ni Hudson. “Lucinda, a mistake is still a mistake. It can never be undone. She brought shame to our family, and it will be remembered by all!”
“But—”
Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Maeve ang kanyang kamay at saka binigyan ng pag-iling.
“That's all there is to it, Mommy. Daddy is correct; I messed up and am now a disgrace in our family.”
“No, no. Mabi, you—”
“Mommy…”
Muling pagpuputol ni Maeve sa sasabihin ng kanyang ina dahilan para magkatinginan sila mga mata. Ilang saglit lamang na katahimikan iyon ngunit naintindihan ng ina ng dalaga ang nais iparating ng kanyang anak sa kanya. Bagamat hindi gusto ni Lucinda na tinatrato ng kanyang asawa ang kanilang anak, gusto niya ito ipagtanggol ngunit wala rin siyang magawa sa tuwing nagsasalita ang kanyang asawa.
Pilit na ngumiti si Maeve para aluhin ang kanyang ina wala na lang nagawa kung ‘di ang tumugon na lamang ng ngiti rin.
“Mag-iingat ka doon, Mabi, ha?” paalalang saad ni Lucinda na hinaplos ang pisngi ng kanyang anak.
“Huwag po kayong mag-alala, mommy. Kaya ko po sarili ko,” tugon ni Maeve.
“Go, before the plane leaves you,” wika ni Hudson na hindi binigyan ng tingin si Maeve.
Masama at mabigat man ang loob ni Maeve ay alam niyang wala ng bawian ng desisyon ang mangyayari nang sandaling iyon kung kaya tinanggap niya na lamang.
“Then, I shall go now, Mommy—” at ibinaling ni Maeve ang kanyang tingin sa kanyang ama— “Daddy.” Ngunit nanatili pa rin ito nakatingin sa ibang direksyon.
Hinintay ni Maeve na lumingon ang kanyang ama sa huling pagkakataon ngunit matigas ang loob nito at hindi siya nito ginawang nilingon. Masakit man ay walang nagawa ang dalaga kung ‘di ang umalis na may baon na sama ng loob, ngunit hindi niya magagawang sisihin ang kanyang ama lalo na sa malaki niyang kasalanan na nagawa. Muli, tinignan ni Maeve ang kanyang ina at binigyan maliit na ngiti.
“Bye, Mommy.” Paalam nito at saka hinalikan ang ina sa pisngi.
Aalis na sana si Maeve nang biglang hawakan nang mahigpit ng kanyang ina ang kanyang kamay na tila ba ayaw siya nitong paalisin nang sandaling iyon. Bagamat gusto man ng dalaga magpapigil, alam niyang ikagagalit iyon ng kanyang ama kung kaya hinawakan niya ang kamay ng kanyang ina. “I need to go, Mommy.” At pinilit inalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang mga kamay. “Promise, I will be back soon.” Dagdag nito nang hindi isinaboses na naunawaan naman ng kanyang ina dahilan para mapatango habang umiiyak.
Masakit man na makita na umiiyak ang kanyang ina ay mabilis na inalis ni Maeve ang kanyang mga tingin at nagsimulang maglakad papasok ng airport. Hindi niya man nakikita ngunit ramdam niya nang sandaling iyon ang labis na lungkot ng kanyang ina sa kanyang pag-alis.
“Maeve, don't try to look back. Otherwise, you will lack the courage to leave,” saad niya sa kanyang sarili na pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na lumingon. Ngunit nang sandaling makarating na siya sa boarding area kung saan isa-isa na tinitignan ng mga staff ang boarding pass ng mga pasahero ay hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili at napalingon, pero isang pagkakamali ang lumingon siya dahil nakita niya ang pag-alis ng kotse ng kanyang mga magulang dahilan para lalong madurog ang kanyang puso.
“Wala ka man lang bang pakialam sa akin, Daddy?”
Iyon ang tanong sa kanyang isipan nang sandaling iyon. Pakiramdam niya nang dahil sa isa niyang pagkakamali ay hindi na siyang nagawang ituring ng kanyang ama bilang isang anak, para bang isa siyang malaking kakahiyan dito na kailangan mawala at itago.
“Ma’am, may I see your boarding pass?” wika ng staff dahilan para maagaw ang atensyon ni Maeve.
Yumuko si Maeve at ipinakita ang boarding pass sa staff. Napansin naman ng staff na tila hindi maayos ang kanyang kalagayan kaya tinanong siya nito.
“Are you okay, Ma’am? Do you—”
“I’m fine,” pagpuputol na saad ni Maeve.
“Are you—”
“Yeah. Can I get through now?”
Hindi na nagawang magtanong muli ng staff at hinayaan na lamang na padaanin ang dalaga.
“You can go inside, Ma’am,” saad ng staff.
Agad naman pumasok si Maeve at naglakad papunta sa sasakyan niyang eroplano. Nang makarating na ang dalaga sa kanyang upuan ay napatingin ito sa labas ng bintana.
“Am I really leaving this country?” tanong niya sa kanyang sarili na hanggang sa sandaling iyon ay hindi niya pa rin magawang matanggap ang nangyayari.
“Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 3X2 with service from the Philippines to Romania. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes’ time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight.”
Nang marinig ni Maeve ang pre-flight announcement ay hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili sa pag-iyak.
“Miss, ayos ka lang ba?” tanong ng babaeng katabi nito nang mapansin ang kanyang pag-iyak.
Mabilis na pinunasan ni Maeve ang kanyang mga luha ngunit hindi pa rin nagpaawat ang kanyang mga mata at patuloy pa rin sa pagbuhos ang kanyang mga luha.
“Yes, I’m fine,” saad nito na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Ramdam ng babaeng katabi niya na hindi mabuti ang lagay ni Maeve at nauunawan nito ito kung kaya inabutan na lamang siya nito ng panyo.
“Mahirap talaga malayo sa pamilya pero may mga bagay na kailangan natin gawin at isakripisyo,” saad nito.
Hindi maunawaan ni Maeve kung dahil ba sa pag-alis kaya siya mas lalong napaiyak o dahil sa pagdadalang-tao? Alin man sa dalawa ang rason ay hindi noon maaalis ang katotohanan na masakit at mabigat sa kanyang kalooban ang pag-alis niyang iyon. Ngunit napatingin ang dalaga sa kanyang tiyan at naisip niya na mahirap man at masakit man sa loob ay kailangan niyang gawin iyon dahil sa batang unti-unting nabubuhay sa kanyang sinapupunan.
NANG sandaling bumaba si Maeve ng kotse ay nakita niya ang sandamakmak na reporters na nag-aabang sa labas at loob ng airport. “Do you see what you have done?” paninising punto ni Hudson kay Maeve dahilan para mapayuko. “Binigyan mo ng kahihiyaan ang pamilya natin.” Hinawakan ni Lucinda ang kamay ni Hudson. “Honey, don’t be harsh to our daughter. Alam niyang nagkamali siya hindi mo na kailangan na ipamukha pa sa kanya,” pag-aawat na saad nito. Ngunit matigas ang loob ni Hudson. “Lucinda, a mistake is still a mistake. It can never be undone. She brought shame to our family, and it will be remembered by all!” “But—” Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Maeve ang kanyang kamay at saka binigyan ng pag-iling. “That's all there is to it, Mommy. Daddy is correct; I messed up and am now a disgrace in our family.” “No, no. Mabi, you—” “Mommy…” Muling pagpuputol ni Maeve sa sasabihin ng kanyang ina dahilan para magkatinginan sila mga mata. Ilang sagli
MARCH 23, 1231H, Tanghali na nang makarating si Maeve sa Chicago Midway Airport. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid kung saan nagsisimula ng sumibol ang mga dahon mula sa puno na tanda na nagsimula na ang panahon ng tagsibol. Unti-unti nang nagiging kulay luntian ang mga punong dating nabalot ng nyebe at hindi iyon maipagkakaila ni Maeve na napakaganda iyong pagmasdan. Ngunit lahat ng nakikita niya sa kanyang paligid niya nang sandaling iyon ay bago sa kanyang paningin at katawan. Napapikit ng kanyang mga mata si Maeve at humugot nang malalim na paghinga. “Will I get to used to this?” tanong niya sa kanyang sarili na napabuga nang sandaling iyon. Napatingin siya sa kanyang tiyan at biglang napaisip. If things didn’t go like this, will I end being here? Alone? Iyon ang katanungang biglang sumiksik sa kanyang isipan. Habang nakatayo sa kanyang kinatatayuan ay muling nanariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari sa nakaraang halos isang buwan. Sino nga ba ang nagkulang s
BAGO pa man umabot sa puntong maubos ang perang dala ni Maeve ay naghanap siya maari niyang pagtrabahuhan ngunit hirap siya makapaghanap.“While you’re there, stay out of trouble that will bring our family name into public attention once more.”“I anticipate that you will behave appropriately.”Napahugot nang malalim na paghinga si Maeve nang maalala ang mga paalala ng kanyang ama habang nakaupo sa circle.“In short, I cannot work in places that will draw attention to our family and cause problems,” mahina niyang wika. “Where can I get a good job in this town?” Dagdag nito na muling napahugot nang malalim na paghinga.Habang iniisip ni Maeve kung paano siya mabubuhay sa lugar na ‘yon ng hindi nakakaagaw ng atensyon ay naibaling niya ang kanyang tingin sa isang babae na may pinapaskil sa labas ng isang bakery shop. Lumapit ang dalaga sa shop para tignan poster.We’re HIRING!Part-time Front Counter StaffPart-time Bakery Assistant“A job that will not gather much attention…Front counte
“YOU’RE HIRED.”Umuwi si Maeve na may ngiti sa kanyang labi matapos na tanggapin siya sa bakery shop na nagkataon lang na nakita niya sa kalagitnaan ng paghahanap niya ng trabaho.Napatingin siya sa kanyang tiyan na may ngiti saka hinimas iyon. “It appears that God is being gracious to us, baby,” wika ng dalaga na may ngiti sa kanyang labi.Nang sandaling iyon ay bigla siyang napahinto nang marinig niya ang kanyang sarili na sambitin ang salitang ‘baby’. Hindi niya inaasahan na matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay ay magagawa niyang mabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong una ay hindi niya magawang tanggapin na magiging ina siya pero ngayon na nag-iisa na lang siya at tanging ang bata sa kanyang sinapupunan ang kanyang kasama ay napagtanto na walang ibang dadamay sa kanila kung ‘di ang isa’t isa.Gumuhit ang banayad na ngiti sa labi ni Maeve. “Baby…” mahina niyang sambit habang hinihimas ang maliit niyang tiyan. “I will cherish you above all else.”Nasa
“GOOD MORNING, Mary!” masiglang bati ni Maeve kay Mary, isang regular na customer ng shop na ‘yon. “You’re early today.”“Maeve, I have to. The deadline is close to hitting, and I'm only halfway through,” wika ni Mary na bakas ang pagod sa mukha nito.“Being a writer is not really that easy, isn’t it?”“Definitely not,” tugon ni Mary habang napapailing. “And these sweet treats are my only lifeline. The only thing that gives me energy to keep working on my stories is this.” Dagdag nito.Natawa nang mahina si Maeve at inabot ang laging binibili ni Mary sa shop na ‘yon—éclair at lemon whipped cream pie na paborito nito.“Here they are. Hope that they will make you feel more motivated and energized,” nakangiting saad ni Maeve.“Thank you, Maeve.”“And here’s your s’mores latte, too.” Dagdag ni Maeve.“Thank you, thank you. You’re really my savior, Maeve,” saad ni Mary na labis na nagpapasalamat.“No biggie, Mary. I’m glad I could help,” tugon ni Maeve na may ngiti.“Thank you again, Mave!
“THERE is no doubt that I injured Ms. De Llana and Mr. Ricafort, but I am not considering it to be assault, but rather self-defense.”“Self-defense?” pag-uulit ni Mr. Marco na napataas ng kanyang kilay sa ginawang pagdadahilan ni Olivia.“Yes, Mr. Marco. It was just a matter of defending my sister because she could not defend herself, so I had to do it for her.,” paliwanag ni Olivia.Napapalatak si Mrs. Collins, isa sa mga panel board. “Would you say that you hurt Ms. De Llana just in order to defend your sister? Why would you do that? Is there a reason why your sister does not defend herself in the very first place?” b’welta nito.“It’s because—”Hindi nagawang ituloy ni Olivia ang kanyang sasabihin nang sumabal si Mrs. Collins.“The reason why Ms. Talessdo won't hurt them is because she doesn't wish to hurt them, whereas you are the only one who holds a grudge against them.”Nag-init ang tainga ni Olivia sa kanyang narinig. “In no way am I holding grudges against them, Mrs. Collins,
“WHY? What is the reason for you, Olivia, to do this as well?” nasisiphayong tanong ni Hudson sa kanyang anak na napasapo sa kanyang noo.Hindi umimik si Olivia at nanatiling nakayuko.Ibinaling ni Hudson ang tingin sa kanyang anak. “What in the world is entering into your mind? You and your sister seem to be causing me a lot of trouble lately. I don't understand why.” tanong nito na halos hindi mawari kung bakit ginagawa ito ng kanyang mga anak. “I do not understand why you must bring shame to our family as well? After what your sister did, don't you feel sorry for us? Why, Olivia? Why?”Mananatili sanang tahimik si Olivia ngunit hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kanyang daddy sa kanya ate. Kaya niyang tanggapin ang mga sasabihin nito sa kanya, tatanggapin niya ang galit nito sa pagkakamaling ginawa niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lang nito pinagbubuntungan ng galit ang kanyang ate.“You can be certain that I did not do such a thing in the hopes of putti
MATAPOS ng pag-uusap na iyon ay muling nabalot ng katahimikan ang dalawa ngunit makalipas ang ilang saglit ay napatingin si Rui kay Maeve.“Mabi…” sambit nito sa pangalan ng dalaga dahilan para gulat na napalingon ito sa kanya.“Oh, why?”“Hmm… As much as I do not want to offend you, I am simply curious to know what you think about this. Why you are here alone in Chicago? Where's your child's father?”Nang marinig ni Maeve ang tanong ni Rui ay hindi niya alam kung anong ang kanyang isasagot. Alam niyang may posibilidad na tanungin siya ng mga taong nasa paligid niya kung sino ang ama ng batang kanyang dinadala, ngunit sa tuwing mag-iisip siya ng rason ay wala siyang maisip na tamang irarason sa kanila. Ayaw niyang sabihin na bunga ng isang katangahan niya ang kanyang anak dahil ayaw niya na kapag lumaki ang kanyang anak ay iyon ang lagi nitong maririnig.What should I say?Nang sandaling iyon pilit na pinagana ni Maeve ang kanyang utak.“Mabi?”“There's a lot going on in his life righ