DALI-DALING nagbihis si Maeve at umalis sa Temptation Island. Hindi niya na gustong magising pa ang binata at makita siya nito matapos ang nakakahiya at malaking pagkakamali niya na ginawa kagabi.
“Damn it! Maeve, anong ginagawa mo sa buhay mo! Kaka-break mo lang kay Luca tapos ngayon nakipag-sex ka sa lalaking hindi mo kilala! Ano bang pumasok diyan sa utak mo?” Sunod-sunod niyang saad sa kanyang sarili. “Alam kong nasaktan ang puso mo pero ayos pa naman ang utak mo, bakit hindi mo ginamit?” Dagdag niyang pangaral sa kanyang sarili habang nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse.
Napaubob si Maeve sa manibela at bahagyang inuuntog ang kanyang ulo roon.
“Fuck! Anong ginawa ko kagabi? Bakit umabot sa ganoon ang nangyari?” Muling tanong ni Maeve sa kanyang sarili habang pilit na inaalala kung anong nangyari kagabi. Ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin siyang maalala ng gabing iyon.
“Anong kagagahan bai tong ginagawa mo Maeve sa sarili mo?” nasisiphayo niyang saad sa kanyang sarili.
Akmang iuuntog niyang muli ang kanyang ulo sa manibela nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone dahilan para maagaw ang kanyang atensyon.
“Sino kaya ‘tong tumatawag?”
Nang tignan ni Maeve ang kanyang cellphone ay nakita niya pangalan ng kanyang mommy dahilan para matauhan siya sa kanyang sarili.
Natatakot man ay sinagot niya ang tawag ng kanyang mommy. “Mom—”
Hindi pa man natatapos ni Maeve ang kanyang sasabihin ay agad iyong naputol nang magsalita ang kanyang mommy.
“Nasaan ka bang bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala sa ‘yo! Sobrang nag-aalala ang daddy mo sa ‘yo!” bungad ng kanyang Mommy Lucinda.
Napapikit ng kanyang mga mata si Maeve at napasapo ng kanyang ulo. “Sorry, Mommy. Something came up and—”
“Huwag ka na magpaliwanag. Basta umuwi ka na ngayon at sobra kaming nag-aalala sa ‘yo!”
Tahimik na napabuntong-hininga si Maeve. “Okay, Mommy. I’ll be home in few minutes.”
“Okay. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo.”
Matapos sabihin iyon ng kanyang mommy ay naputol na ang tawag. Muli, napahugot nang malalim na paghinga si Maeve at napatingin sa bar.
“Wala naman sigurong makakaalam ng nangyari kagabi,” mahina niyang saad sa kanyang sarili habang nakatingin pa rin sa bar.
Umiling si Maeve para ikumpas ang kanyang sarili. “Everything will be fine,” pangungumbinsi niyang saad sa kanyang sarili.
Inalis niya ang kanyang tingin sa bar at nagsimulang buhayin ang makina ng kotse saka agad na pinaandar para makaalis na sa lugar na iyon. At para na rin iwan at kalimutan ang nangyari ng gabing iyon.
***
BENTE minuto ang lumipas nang makarating si Maeve sa kanilang bahay at nang sandaling marinig ng kanyang mommy at daddy ang paghinto ng makina ng kanyang sasakyan ay dali-dali ang mga ito lumabas ng bahay.
“Mabi,” sambit ng kanyang Mommy Lucinda nang may naaawang tinig at akmang sasalubungin ng yakap ngunit napahinto ito nang sandaling maamoy nito ang alak na bumalot sa katawan ng dalaga. “Uminom ka ba, Mabi?”
Napakagat ng kanyang mga labi si Maeve at hindi alam kung sasabihin niya ba ang totoo o hindi.
“Ah, mommy…ah, uminom po ako ng konti,” pagsisinungaling nito.
Naningkit ang mga mata ng mommy ni Maeve. “Konti? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?” tanong nito na halatang nagdududa sa sinasabi ng anak.
“Ah, ano, mommy…kasi—”
“Don’t try to fool your mommy, Maeve.”
Nang marinig ni Maeve ang boses ng kanyang daddy Hudson ay bigla siyang napatayo nang maayos at napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig nito,
“Daddy…” mahinang sambit ni Maeve nang magkasalubong ang kanilang mga titig ng kanyang ama.
“Maeve, is that how you deal with your problems? Become inebriated? Do you hope that will greatly help you in handling your problem?” Sunod-sunod na tanong ng daddy ni Maeve.
Napakuyom ng kanyang mga kamay si Maeve para pigilan ang luhang nagtatangkang lumabas sa kanyang mga mata. Alam niyang masakit magsalita ang kanyang daddy ngunit hindi niya pa rin magawang masanay lalo na sa tuwing magsasalita ito ay tatagos talaga sa kanyang buong pagkatao.
“I’m sorry, daddy.” Iyon na lamang ang naging tugon ni Maeve. Alam niyang kahit magpaliwanag siya ay hindi iyon tatanggapin ng kanyang ama.
“I never utterly fail to remind you that he is not the man for you, but you keep disregarding my advice. Look at what he did to you,” mariing saad ni Hudson.
Nanatiling walang imik si Maeve at tahimik na lang napahugot nang paghinga habang humihigpit ang pagkakakuyom sa kanyang mga kamay.
“Honey, ‘wag ka naman ganyan sa anak natin,” awat ni Lucinda sa kanyang asawa. “Alam naman na ng anak natin na nagkamali siya, hindi mo naman kailangan pagsalitaan siya nang masakit at sisihin.” Dagdag nito.
“No, Lucinda. If she would only listen to me, she would not be so pitifully low. She will not undermine her ambitious boyfriend or her two-faced best friend,” mariing pagpupunto ni Hudson na walang pakialam kung nasasaktan niya na ba si Maeve sa kanyang mga binibitawang salita as long as alam niyang tama ang kanyang sinasabi.
“Pero—”
Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang putulin ni Hudson ang kanyang sasabihin.
“Stop treating our daughters like babies, Lucinda. If you continue to treat them in this manner, how will they be able to stand on their own?”
Akmang magrarason pa sana si Lucinda nang hawakan ito ni Maeve sa kamay dahilan para mapatingin ito sa anak.
Binigyan ni Maeve nang maliit na ngiti ang ina. “It’s fine, mommy. Daddy is right.”
“Pero—”
Umiling si Maeve at binigyan nang makahulugang tingin ang ina. Naintindihan ito ni Lucinda dahilan para lalo siyang maawa sa kanyang anak.
“Everything between you and that jerk has now come to an end. Leave your bastard ex boyfriend’s company as soon as possible. You have no place in a place like that.” Matapos sabihin iyon ni Hudson ay tumalikod na ito at bumalik sa loob ng kanilang bahay.
Nagpakawala naman nang mabigat na paghinga si Maeve nang sandaling mawala ang kanyang ama sa kanilang harapan ng kanyang ina. Nang makita ni Lucinda ang bigat na nararamdaman ng kanyang ay hinimas nito ang likod para pakalmahin.
“Sorry, anak. Hindi man lang kita nadepensahan sa daddy mo,” wika ni Lucinda na labis na naaawa sa kanyang anak.
Inangat ni Maeve ang kanyang ulo at tinignan ang kanyang ina saka binigyan nang maliit na ngiti. “Okay lang, mommy. Sanay na ako kay daddy.”
“Pero—”
Hinawakan ni Maeve ang kamay ng kanyang ina. “Okay lang, mommy. Hindi niyo po kailangan pagaanin ang loob ko. Kilala ko na po si daddy at naiintindihan ko po kung bakit siya ganoon sa akin,” wika nito.
Hindi nakaimik si Lucinda at tinignan na lamang sa mga mata ang kanyang anak at hinawi ang buhok nito na nagkalat sa mukha nito.
“Mabi…”
Muli, ngumiti si Maeve. “Sige po, mommy. Pasok na po ako sa loob nang makaligo na po ako at maasikaso ko na po ang dapat kong asikasuhin sa araw na ito.”
Hindi man lubos na panatag ang loob ni Lucinda ay wala siyang nagawa kung ‘di unawain na lamang ang kanyang anak.
“Okay.”
Matapos noon ay naglakad na si Maeve papasok ng kanilang bahay at dumiretso sa kanyang k’warto para makaligo.
NASA LABAS pa lamang ng kompanya si Maeve ng kanyang ex ay halos ng mga mata ay nasa kanya at pinagtitinginan at pinagbubulungan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Base sa mga kinikilos ng mga ito ay mukhang kumalat na ang tsismis tungkol sa kanila ni Luca, ngunit hindi na lamang iyon pinansin ni Maeve at dire-diretso na pumunta sa kanyang opisina para iimpake ang kanyang mga gamit.“Totoo ba na nahuli ni Ma’am Maeve si Sir Luca na may ibang babae?”“Oo! Iyon ang narinig ko mula sa kabilang department.”“Talaga? Sino ba ‘yong babae? Wala naman akong nakikitang palaging nakaaligid kay Sir maliban kay Ma’am Ellie.”“Ano ba kayo? ‘Yong malanding best friend ni Ma’am Maeve ang kabit ni Sir Luca!”“Ano si Ma’am Ellie?”“Huwag mo ngang ma-ma’am ma’am ang malanding babae iyon! Hindi niya deserve!”“Pero, totoo?”“Oo nga! Siya ang kabit ni Sir Luca!”“Ano ba kayo? Huwag nga kayong magpapaniwala riyan kay Marites at mali-mali naman ang sinasabi!”“Anong mali sa sinasabi ko, Mila! Iyon kaya
DALAWANG linggo ang lumipas, mabigat at masama pa rin ang pakiramdam ni Maeve. Wala siyang ibang ginawa sa mga nakalipas na mga araw kung ‘di ang magkulong sa kanyang k’warto, wala siyang kinausap ni isa. Nagising siya ng nanghihilo at hindi maganda ang pakiramdam.“Damn it! Bakit—”Hindi nagawang matapos ni Maeve ang kanyang sasabihin nang biglang siyang makaramdam ng pagsusuka dahilan para dali-dali siyang mapatakbo sa banyo. Nagsuka siya ngunit wala namang laman kung ‘di puro lang laway.“What the hell is happening to me?” tanong niya sa kanyang sarili na hindi malaman kung bakit siya nagsusuka.Nakakawala si Maeve sa malalim niyang pag-iisip ng biglang niyang maalala ang nangyari ng gabing iyon.Nanlaki ang kanyang mga mata. “Hindi kaya—”Naputol ang agam-agam ng dalaga nang bigla niyang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa kanyang pinto. Inayos naman nito ang sarili bago nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok at nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niya ang kanyang mo
NANG sandaling bumaba si Maeve ng kotse ay nakita niya ang sandamakmak na reporters na nag-aabang sa labas at loob ng airport. “Do you see what you have done?” paninising punto ni Hudson kay Maeve dahilan para mapayuko. “Binigyan mo ng kahihiyaan ang pamilya natin.” Hinawakan ni Lucinda ang kamay ni Hudson. “Honey, don’t be harsh to our daughter. Alam niyang nagkamali siya hindi mo na kailangan na ipamukha pa sa kanya,” pag-aawat na saad nito. Ngunit matigas ang loob ni Hudson. “Lucinda, a mistake is still a mistake. It can never be undone. She brought shame to our family, and it will be remembered by all!” “But—” Hindi nagawang maituloy ni Lucinda ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Maeve ang kanyang kamay at saka binigyan ng pag-iling. “That's all there is to it, Mommy. Daddy is correct; I messed up and am now a disgrace in our family.” “No, no. Mabi, you—” “Mommy…” Muling pagpuputol ni Maeve sa sasabihin ng kanyang ina dahilan para magkatinginan sila mga mata. Ilang sagli
MARCH 23, 1231H, Tanghali na nang makarating si Maeve sa Chicago Midway Airport. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid kung saan nagsisimula ng sumibol ang mga dahon mula sa puno na tanda na nagsimula na ang panahon ng tagsibol. Unti-unti nang nagiging kulay luntian ang mga punong dating nabalot ng nyebe at hindi iyon maipagkakaila ni Maeve na napakaganda iyong pagmasdan. Ngunit lahat ng nakikita niya sa kanyang paligid niya nang sandaling iyon ay bago sa kanyang paningin at katawan. Napapikit ng kanyang mga mata si Maeve at humugot nang malalim na paghinga. “Will I get to used to this?” tanong niya sa kanyang sarili na napabuga nang sandaling iyon. Napatingin siya sa kanyang tiyan at biglang napaisip. If things didn’t go like this, will I end being here? Alone? Iyon ang katanungang biglang sumiksik sa kanyang isipan. Habang nakatayo sa kanyang kinatatayuan ay muling nanariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari sa nakaraang halos isang buwan. Sino nga ba ang nagkulang s
BAGO pa man umabot sa puntong maubos ang perang dala ni Maeve ay naghanap siya maari niyang pagtrabahuhan ngunit hirap siya makapaghanap.“While you’re there, stay out of trouble that will bring our family name into public attention once more.”“I anticipate that you will behave appropriately.”Napahugot nang malalim na paghinga si Maeve nang maalala ang mga paalala ng kanyang ama habang nakaupo sa circle.“In short, I cannot work in places that will draw attention to our family and cause problems,” mahina niyang wika. “Where can I get a good job in this town?” Dagdag nito na muling napahugot nang malalim na paghinga.Habang iniisip ni Maeve kung paano siya mabubuhay sa lugar na ‘yon ng hindi nakakaagaw ng atensyon ay naibaling niya ang kanyang tingin sa isang babae na may pinapaskil sa labas ng isang bakery shop. Lumapit ang dalaga sa shop para tignan poster.We’re HIRING!Part-time Front Counter StaffPart-time Bakery Assistant“A job that will not gather much attention…Front counte
“YOU’RE HIRED.”Umuwi si Maeve na may ngiti sa kanyang labi matapos na tanggapin siya sa bakery shop na nagkataon lang na nakita niya sa kalagitnaan ng paghahanap niya ng trabaho.Napatingin siya sa kanyang tiyan na may ngiti saka hinimas iyon. “It appears that God is being gracious to us, baby,” wika ng dalaga na may ngiti sa kanyang labi.Nang sandaling iyon ay bigla siyang napahinto nang marinig niya ang kanyang sarili na sambitin ang salitang ‘baby’. Hindi niya inaasahan na matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa kanyang buhay ay magagawa niyang mabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Noong una ay hindi niya magawang tanggapin na magiging ina siya pero ngayon na nag-iisa na lang siya at tanging ang bata sa kanyang sinapupunan ang kanyang kasama ay napagtanto na walang ibang dadamay sa kanila kung ‘di ang isa’t isa.Gumuhit ang banayad na ngiti sa labi ni Maeve. “Baby…” mahina niyang sambit habang hinihimas ang maliit niyang tiyan. “I will cherish you above all else.”Nasa
“GOOD MORNING, Mary!” masiglang bati ni Maeve kay Mary, isang regular na customer ng shop na ‘yon. “You’re early today.”“Maeve, I have to. The deadline is close to hitting, and I'm only halfway through,” wika ni Mary na bakas ang pagod sa mukha nito.“Being a writer is not really that easy, isn’t it?”“Definitely not,” tugon ni Mary habang napapailing. “And these sweet treats are my only lifeline. The only thing that gives me energy to keep working on my stories is this.” Dagdag nito.Natawa nang mahina si Maeve at inabot ang laging binibili ni Mary sa shop na ‘yon—éclair at lemon whipped cream pie na paborito nito.“Here they are. Hope that they will make you feel more motivated and energized,” nakangiting saad ni Maeve.“Thank you, Maeve.”“And here’s your s’mores latte, too.” Dagdag ni Maeve.“Thank you, thank you. You’re really my savior, Maeve,” saad ni Mary na labis na nagpapasalamat.“No biggie, Mary. I’m glad I could help,” tugon ni Maeve na may ngiti.“Thank you again, Mave!
“THERE is no doubt that I injured Ms. De Llana and Mr. Ricafort, but I am not considering it to be assault, but rather self-defense.”“Self-defense?” pag-uulit ni Mr. Marco na napataas ng kanyang kilay sa ginawang pagdadahilan ni Olivia.“Yes, Mr. Marco. It was just a matter of defending my sister because she could not defend herself, so I had to do it for her.,” paliwanag ni Olivia.Napapalatak si Mrs. Collins, isa sa mga panel board. “Would you say that you hurt Ms. De Llana just in order to defend your sister? Why would you do that? Is there a reason why your sister does not defend herself in the very first place?” b’welta nito.“It’s because—”Hindi nagawang ituloy ni Olivia ang kanyang sasabihin nang sumabal si Mrs. Collins.“The reason why Ms. Talessdo won't hurt them is because she doesn't wish to hurt them, whereas you are the only one who holds a grudge against them.”Nag-init ang tainga ni Olivia sa kanyang narinig. “In no way am I holding grudges against them, Mrs. Collins,