Share

Chapter 1: Betrayal

WALONG TAON ang nakakaraan,

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Maeve habang hinihintay ang elevator na makarating sa 32nd floor kung saan naroon ang condo ng kanyang boyfriend na si Luca para supresahin ito sa kanilang ika-limang anibersaryo.

“Can’t wait to see his reaction,” wika ni Maeve habang nilalanghap ang bulaklak na kanyang hawak habang tinitignan ang cake na dala niya na may nakalagay, “Happy 5th Anniversary, Baby” na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Naalis ang atensyon ni Maeve sa cake nang biglang huminto at bumukas ang pinto ng elevator.

“There we are,” masayang saad ni Maeve sabay labas sa elevator at masayang naglakad patungo sa condo ni Luca.

Habang papalapit siya nang papalapit ay bigla siyang nakaramdam ng kaba na halos hindi niya maipaliwanag kung saan ba iyon nagmula, dahilan para mapatigil siya pansamantala sa kanyang paglalakad at napahawak sa kanyang dibdib.

“Anong nangyayari sa akin?” nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili. “Ngayon lang ‘to nangyari sa akin.” Dagdag niya.

Hindi lubos maunawaan ni Maeve kung saan nagmumula ang kabang nararamdaman niya nang sandaling iyon. Sa mga nagdaan taon at buwan sa tuwing susurpresahin niya si Luca ay hindi naman nangyaring ganoon na bigla na lang siyang kabahan nang sobra. Sa hindi niya maintindihang rason ay kusang napaangat ang kanyang ulo at napatingin sa pinto ng condo ng kanyang boyfriend. Nagsimula muli siyang ihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa condo ni Luca at habang papalapit siya nang papalapit ay mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang puso.

Nang matapat na si Maeve sa pinto ng condo ni Luca ay napalunok siya nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Tahimik ang buong paligid. Gusto niyang tawagin ang pangalan ng kanyang boyfriend ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may pumipigil kay Maeve. Tila ba may isang maliit na tinig siyang naririnig sa kanyang isipan at nagsasabi ng hindi maganda ngunit mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin ang gumugulo sa kanyang isipan.

“Sana mali ang naiisip ko,” wika niya sa kanyang isipan.

Tumuloy si Maeve sa condo ni Luca at maingat na isinara ang pinto. Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy sa pagpasok. Muli niyang hinakbang ang kanyang mga paa hanggang sa makarating sa kasalahan ngunit may maliit na tinig siyang naririnig—tinig na tila ba nahihirapang huminga. Nang marinig niya iyon ay mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang puso at biglang bumigat ang kanyang paghinga.

Sa kabila ng kaba at hinalang kanyang nararamdaman ay nagpatuloy si Maeve sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng nakaawang na pinto ni Luca, dahilan para mas lumakas at naging malinaw sa kanyang pandinig ang tinig ng isang babaeng nahihirapan sa paghinga.

“This can’t be…” hindi niya naisatinig na saad.

Ayaw ni Maeve magpalamon sa nararamadamang hinala ngunit paano niya iyon gagawin kung nasa kanyang harapan na ang ebidensiya.

“Ahh…fuck! Ahh…”

Nang sandaling marinig ni Maeve ang halinghing at ungol ng isang babae ay binalot siya nang takot, kaba at gigil. Mas lalong lumakas ang kutob niya nang marinig niya ang pamilyar na tinig ngunit sa kabila noon ay naglakas loob pa rin siyang ilapit ang kanyang mukha sa nakaawang na pinto at sinilip kung ano bang nangyayari sa loob. Ngunit nang sandaling makita niya ang nangyayari sa loob ay nanlaki ang kanyang mga mata at biglang nanginig ang kanyang mga tuhod.

“Hindi maaari…” mahina niyang usal habang nakatutok ang kanyang mga mata sa babaeng nakaibabaw sa kanyang kasintahan na sarap na sarap at gigil na gigil na sinasalubong ang pagbaba ng babae dahilan para mas bumaon ang ari ni Luca sa sinapupunan nito.

“Fuck, baby! Ang sarap mo,” wika ni Luca na nanggigigil sa pagbaon ng kanyang ari sa namamasang pagkababae ng babaeng kanyang katalik.

“Paano mo nagawa sa akin ito, Luca?”

Hindi makapaniwala si Maeve sa kahayupang ginagawa ng kanyang kasintahan ngunit ang mas gumimbal sa kanyang mundo ay nang makita niya kung sino ang babaeng katalik nito.

“Ellie?” bulalas niya ma labis hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan,

Parehong napatingin sa pinto sina Luca at Ellie nang marinig ang boses ni Maeve.

“Baby/Bes.” Magkasabay na sambit nina Luca at Ellie sa pangalan ni Maeve nang makita nila itong naroon.

Hindi nakaimik si Maeve. Ang surpresang dapat para sa kanyang kasintahan ay siya ang nasurpresa.

“Baby, let me ex—”

Hindi nagawang matapos ni Luca ang kanyang sasabihin nang ihampas ni Maeve ang hawak nitong bouquet sa pagmumukha ng binata.

“Ang kapal ng pagmumukha mong humingi ng pagkakataong magpaliwanag! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Nakita mismo ng dalawa kong mga mata ang kababuyang ginawa ninyo!” mariing saad ni Maeve na puntong-punto nang galit at panggigigil.

“Bes, pakinggan—”

Ibinaling ni Maeve ang kanyang tingin kay Ellie kung saan binigyan niya ito nang matalim na tingin. “Pakinggan? Para saan, Elle? Para bilugin niyo ang utak ko?”

“Bes—”

“Huwag mo akong matawag-tawag na bes! Kung itinuring mo akong kaibigan hindi mo magagawang traydurin!”

“Pero, Bes—”

“Huwag mo ako sabing tawaging bes! Wala akong bes na ahas at traydor!” mariing pagbibigay diin ni Maeve na sobrang nanggigigil kay Ellie.

“Baby, ‘wag mo naman ganyanin si Elle. Hindi niya—”

“Isa ka pa! Hindi ka na nahiya! Sa lahat ng babaeng kakalantarihin mo ‘e, ‘yong itinuring ko pang kaibigan!” pagpuputol na sabat ni Maeve.

Hindi nakaimik sina Luca at Ellie nang sandaling iyon dahilan para mabalot sila nang matinding pagkailang at tensyon. Patuloy na pinagmasdan ni Maeve ang dalawang tao naging sobrang mahalaga sa kanyang buhay—sa nakakailang na sitwasyon, kung saan kapwa ito hubo’t hubad at tanging ang kumot na pinagsasaluhan nila ang tumatakip sa kanilang mga katawan.

“Hindi niyo man lang pinahalagahan ang pagsasamang pinagsamahan natin nang matagal. Hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko at nagawa niyo pang ilihim ang lahat sa akin,” nanginginig na saad ni Maeve. “Mga traydor…” Dagdag niya na tuluyang nabasag ang kanyang tinig at bumuhos ang kanyang mga luha.

“Sorry, Maeve/Sorry…” sabay na saad ng dalawa.

Nagpatuloy ang pagbuhos ng mga luha ni Maeve. “Sa tingin niyo ba, mabubura ng sorry niyo ang katotohanan na niloko niyo ako? Mawawala ba ng sorry niyo ang panlolokong ginawa niyo sa akin? Mawawala ba ng sorry niyo ang sakit na nararamdaman ko?” Sunod-sunod na tanong nito habang patuloy sa pag-iyak.

Hindi nakaimik sina Luca at Ellie sa mga sinabi ni Maeve sa kanilang dalawa na nabalot ng kanilang mga konsensya.

Masakit man ang katotohanan ay kinailangan ni Maeve na magdesisyon, kailangan niyang iligtas at protektahan ang kanyang sarili. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata at binigyan nang seryosong tingin sina Luca at Ellie. “Magkalimutan na tayo. Ito ang huling beses na magkikita tayo,” mariing saad niya.

“Bes, hindi naman natin kailangang umabot sa ganitong bagay. Maaayos pa naman natin ang lahat ng ito,” saad ni Ellie.

Napapalatak nang mapait at napailing ng kanyang ulo si Maeve bago ibinalik ang kanyang tingin kina Luca at Ellie.

“Maaayos? Sa tingin mo ba, Elle, maaayos pa natin ito?” tanong ni Maeve. “Niloko niyo ako! Niloko! Naiintindihan mo ba ang ginawa niyo sa akin ni Luca?”

“Alam naming nasaktan ka namin, Bes, pero—”

“Elle, tumigil ka na katatawag sa akin ng bes,” pagbibigay diin ni Maeve. “Sa tuwing tinatawag mo ako ng ganyan kinakilabutan ako. Paano mo nagagawang tawagin akong bes matapos ang ginawa mong pantatraydor sa akin?”

“Pero—”

“Tama na, Elle,” pagpuputol na awat ni Maeve. “Hindi mo na magagawang maiayos ang bagay na nasira. Sinira niyo ang tiwala ko at wala ng ibang paraan para mabuo iyon.” Saka humugot nang malalim na paghinga ang dalaga para pigilan ang kanyang sarili sa muling pag-iyak. “Ito ang pakakatandaan niyo, kayo ang sumira ng relasyong meron tayo, hindi ako.”

“Maeve…” sambit ni Luca sa kanyang pangalan.

“Sana maging masaya kayo sa pananakit at panlolokong ginawa niyo sa akin.”

Matapos binatawan ni Maeve ang mga katagang iyon ay tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon. Hindi niya na kakayaning tumagal pa sa lugar na iyon at ipakita ang pagiging mahina niya sa harap ng mga taong nanakit sa kanya. Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ni Maeve para mabilis na siyang makaalis sa lugar na iyon.

Nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay sumigaw si Maeve hanggang sa abot ng kanyang makakaya para ilabas ang lahat ng galit at gigil na pilit niyang pinipigilan kanina. Nang mapagod ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa manibela at tuluyang kumawala ang kanyang mga luha.

“Bakit nila nagawa ang lahat ng ito sa akin?” umiiyak na tanong ni Maeve sa kanyang sarili.

Inisip ni Maeve kung saan ba siya may nagawang pagkakamali o kasalanan para gawin siyang lokohin at traydurin ng kanyang boyfriend at ng matalik niyang kaibigan. Ngunit, kahit na anong anggulo at halughog niya sa kanyang alaala ay wala siyang ginawa na masama ni kahit isa sa kanilang dalawa para gaguhin siya ng ganoon.

Napasapo si Maeve ng kanyang noo. “Ano ba ang ginawa kong mali para karmahin ako ng ganito?” Muli niyang tanong sa kanyang sarili.

Ilang sandaling nanahimik si Maeve sa loob ng kanyang kotse habang patuloy na nilalamon ng mga katanungan na hindi niya mahanapan ng sagot. At habang mas lalong kinakain siya ng katahimikan at katanungan ay para siyang tatakasan ng bait.

“Enough!” sigaw niya sa kanyang sarili at tumingin sa salamin ng kanyang kotse. “Hindi p’wedeng ganito. Habang sila nagpapakasaya ako nahihirapan at nasasaktan? Hindi ito p’wede!”

Dahil sa desidido si Maeve na hindi magmukhang kawawa at talunan ay binuhay niya ang makina ng kanyang sasaktan.

“If they can have fun with each other, so can I. I’m going to have fun until I go crazy!”

Matapos sabihin ni Maeve iyon ay wala ng sinayang na oras at pinaharurot niya ang kanyang kotse patungo sa Temptation Island.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status