Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

By:  Yenoh Smile  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
8 ratings
100Chapters
23.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?

View More
Entangled with Mr. Ruthless Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Ayesha Mae Cajara
is this a tragic story?
2024-02-16 17:05:00
2
user avatar
Alona Sumalinog
wow....package talaga action,love story
2023-06-13 12:54:17
3
user avatar
Yenoh Smile
(May 18, 2023) Sorry po sa slow update, na-busy lang po sa trabaho. Bawi na lang po ako kapag lumuwag na schedule ko sa work. Hoping na by this month matapos ko na ang story... Sana. Don't worry my ending po ito. Ilang chapters na lang. Thank you po sa pagbabasa at paghihintay! Ingat!
2023-05-18 22:21:07
3
default avatar
Kenji Jim
Waiting for update po author
2023-04-29 18:13:26
2
default avatar
Claret Zen
Highly recommended this story sobrang ganda
2023-04-29 01:18:55
3
default avatar
Claret Zen
Author pa update naman po dito please???
2023-04-29 01:18:33
2
user avatar
Rina Magat
halos lahat ng story n sinusulat ni author puro ina update.
2023-04-21 20:41:35
2
user avatar
Diane Ganton
my story Po ba si Apollo at Alice???Ms author??
2023-03-06 22:01:26
3
100 Chapters
KABANATA 1
"Hindi na tayo tulad ng dati, Sylvaine. I don't think we can make this work anymore," mahinang bigkas ni Byrlle bago nagyuko at tumingin sa sahig.Mahina siyang suminghap, ramdam ang paghigpit ng puso niya, "P-aano na ang plano nating kasal, Brylle?" halos hindi niya maibigkas iyon."Gone, Sylvaine. Gone," bulong nito.Napapikit siya matapos maramdaman ang sakit na gumuhit sa puso niya. Nanghina siya. Suminghap muli, hindi dahil sa gulat kun'di dahil sa kawalan ng paghinga.Nawala bigla ang limang taong fairytale nilang dalawa. Planado na nila ang hinaharap, tanging alok nitong kasal ang hinihintay niya. Ngunit ito pala mismo ang bibitaw sa kamay niya."I guess you can still find someone better—"Napatawa siya nang mapakla. Pagmulat niya ng mga mata ay siya ring pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi. Gustong-gusto niyang manakit sa oras na iyon ngunit hindi niya magawa sa sobrang sakit. Inisip niya na baka surprise lang iyon para sa kanya. Na baka kapag nawala na ang sakit ay hihing
Read more
KABANATA 2
After two years"Worth it kang hintayin, Sylvaine."Agad na sumilay ang kanyang ngiti sa sinabi ni Tim. Sumaya pati ang puso niya lalo pa't balak na niyang ibigay ang matamis niyang "oo" rito.Four months na yata siyang nililigawan ni Tim, pero ngayon niya lang napagtanto ang halaga nito. At ang sagutin ito sa mamahaling restaurant ay perpekto para sa kanya. Umaalingawngaw ang mabining musika mula sa piano, ni hindi maririnig ang ingay sa labas."Sigurado ka ba, Tim?" Tinaas niya ang isang kilay at pinagmasdan itong mabuti.Ayaw na niyang magkamali sa bawat desisyong gagawin, gusto niya lahat ay tama at nasa plano. Twenty-eight years old na siya at ang gusto niya na lang ay makarelasyon ang lalaking kaya siyang tanggapin nang buo.Tama na ang mga nangyari sa nakaraan niya, ayaw na niyang balikan ni isang katiting na alaala mula roon.Sinubukan niyang lambingan ang ngiti para ipakita kay Tim na interesado siya. Kita niyang napangiti ito nang totoo habang ang mga mata ay kuminang sa say
Read more
KABANATA 3
"You what? You want a baby?" magkasunod na tanong niya, naniniguradong tama ang narinig niya.Umangat muli ang gilid ng labi nito habang ang mga mata ay dumilim. Literal na napakapit siya sa mesa, kumukuha ng lakas upang malabanan ang takot niya.Ngayon niya naisip na ang lalaking kaharap ngayon ay kapareho lang nang lalaki sa labas ng I. C. U. noon. At sa malamang na baka pareho lang ang budhi ng dalawa!"You heard me right," ang boses nito ay mapanganib, dahilan upang lalo siyang kabahan at manginig."I don't want to repeat myself. Are you st*pid?" sarkastikong tanong nito.Namilog ang mga mata niya, idagdag pang nasagi nito ang ego niya. Umawang ang mga labi niya kasabay ng pagkulo ng kanyang dugo. Bigla, gusto niya itong suntukin o kaya naman ay sakalin.Kailanman ay hindi pa siya natatawag na st*pid! Habang itong lalaki sa harap niya ay akala mo hari ng mundo.Kahit na nakaka-intimidate ito at kaya siyang patayin, binigyan niya pa rin ito ng naniningkit na tingin at ngisi upang p
Read more
KABANATA 4
Ramdam ni Sylvaine ang panghihina, sakit ng ulo at sakit ng buong katawan noong magkamalay siya. Ni hindi niya alam na nahimatay pala siya kanina. Ang maganda lang ay wala na ang posas sa kamay niya at wala na rin ang panyo sa bibig niya. Nangunot ang noo niya at bubuksan na sana ang mga mata kung hindi lang niya narinig ang dalawang taong nasa malalim na pag-uusap. Imbis tuloy na magising, nagpanggap pa siyang natutulog."Wala siyang pamilya. Walang maghahanap sa kanya kahit mawala pa siya ng ilang araw o buwan," galing iyon sa di pamilyar na boses ng lalaki."Really? That's good. I don't have any plans to send her back home," iyon naman ang boses ng lalaking kinamumuhian niya ngayon. Hindi niya mapigilan na ikuyom ang mga kamay. Hindi niya alam kung paanong kilala siya nito, at wala siyang ideya kung bakit siya pa ang napili nitong magbuntis sa tagapagmana nito! At mas lalong hindi siya magbubuntis!"What about her assistant? That loud woman who kept on crying?" dagdag nito na aka
Read more
KABANATA 5
Tumalim ang tingin ni Sylvaine kay Gray sa hapag. Nakahinga lang siya nang maluwag noong iwan siya nito. Iyon nga lang pinatawag siya nito kay Enzo."Right room. Mr. Whitlock is waiting for you," malamig nitong bigkas."Hindi pa ako tapos kumain—""He doesn't give a f*ck. Go."Napanganga siya noong iwanan din siya nito. Madiin niyang hinawakan ang tinidor. Kung dalhin niya na lang kaya iyon at isaksak sa amo nito?! Tss.Mabigat pa ang loob niyang sumunod. Muntik pa siyang maligaw sa dami ng kwarto. Kahit gusto niyang tumakas, hindi na niya pipilitin lalo pa't kalat ang mga tauhan nito sa paligid.Noong mahanap ang kwarto ay tahimik niyang binuksan ang pinto. Sinalubong nga lang siya ng dokumentong lumipad sa paanan niya."Sign that."Napaangat siya ng tingin. Prente itong nakaupo sa kama. Humihithit pa ng sigarilyo. Wala pa rin itong pang-itaas. Ngayon niya nga napagtanto na ang laki ng katawan nito at nasa tamang hulma ang bawat pandesal nito. Walang araw siguro itong hindi naggi-gym
Read more
KABANATA 6
Iniwan siya nito sa kwarto na iyon noong gabi. Mabuti nga at hindi siya nito pinwersang gawin ang bagay na iyon. Hindi nga lang siya nakatulog lalo pa't ramdam niya ang ginawa nito sa pagitan ng mga hita niya. Naipagdidikit na lamang niya ang mga hita at pinipigilan ang umungol. Baliw na nga siguro siya't nabuhay ang bawat himaymay ng init sa ginawa nito.Si Brylle pa ang uling nakasama niya sa kama, pero iba ang piranas sa kanya ni Gray ngayon. Daliri pa lang iyon pero tingin niya buong katawan niya ang gustong magpa-alipin dito.Napamulat siya ng mga mata matapos maalala ang sinabi nito."Mabuntis sa loob ng isang buwan? Baliw ba siya? Akala mo naman mabubuntis ako sa isang gabi lang—"Napatigil siya matapos may napagtanto. Ibig ba nitong sabihin ay gagawin nila iyon araw-araw at hindi isang beses lang?"Sh*t! Baog nga ako!" ngawa niya sa kama.Kahit mag-araw araw pa sila, malabo siyang mabuntis! Bakit ba kasi ayaw nitong maniwala na baog siya?!"Arggh!"Nilubog niya ang ulo sa unan
Read more
KABANATA 7
"Sh*t! Walanghiya ka, bitiwan mo ko!"Nagwala siya kahit pa buhat-buhat siya nito. Hindi nga niya alam kung paano sila nakabalik sa mansyon. Basta buhat pa rin siya nito na parang sako at miminsang pinapalo ang p*wet*n niya."Stubborn lady. Tingnan natin kung makalakad ka pa bukas," gigil na bulong nito bago buksan ang kwartong ginagamit niya.Namilog ang mga mata niya sa narinig. Napatili siya noong ihagis siya nito sa kama. Sa kaba niya ay sumiksik siya sa headboard."Baliw ka! M*nyak! Pakawalan mo na ako rito!"Binato niya ito ng unan ngunit hindi man lang ito natinag mula sa kinatatayuan. Nasalubong niya lang ang madilim nitong tingin. Nanindig ang balahibo niya matapos makita ang galit na pag-igting ng panga nito. Napasiksik siya lalo sa headboard ng kama noong kalasin nito ang suot na necktie."You're getting on my nerves, really. Hindi ka marunong sumunod," madiing bulong nito.Humakbang ito palapit habang hawak-hawak ang necktie nito."Lumayo ka! W-ala kang mapapala sa'kin!"N
Read more
KABANATA 8
Agad na humithit sa kanyang sigarilyo si Gray. Kiniling niya ang ulo bago tinakpan ng kumot ang katawan ni Sylvaine. Malalim na ang tulog nito. Pinunasan niya ang pawis nito sa noo. Napasulyap din siya sa sariling kah*bdan. Sa laki niya, talagang mapapagod ito."Makulit. Kung marunong ka lang makinig, hindi ako magiging marahas," bulong niya sa hangin.Pero duda rin siya sa sarili. Ni minsan ay hindi siya naging banayad sa kama. Tingin niya ay dalawang araw itong hindi makatatayo.Nailing siya ngunit napamura matapos makita ang palapulsuhan nito. Agad niyang tinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo at balewalang tinapakan gamit ang paa niya. Walang kwenta kahit mapaso pa siya."F*ck!"Napaluhod siya at hinawakan ang mga palapulsuhan nito. Umigting ang panga niya matapos makitang nagmarka ang necktie na ginamit niya. Hihipan niya sana ang mga iyon kun'di lang tumunog ang cellphone niya.Pinulot niya ang pants na suot kanina at hinalughog para makuha ang cellphone. Agad niyang sinagot mat
Read more
KABANATA 9
Walang tigil sa pagtakbo si Sylvaine kahit pa namamanhid ang mga binti at hita niya. Gusto niyang magpahinga pero hangga't nasa loob siya ng mansyon ni Gray, hindi siya makahihinga.Kun'di niya ginamit ang kumot at bedsheet para makababa sa bintana, malamang ay hindi siya makalalabas sa kwarto. Kaya lang, ang lawak ng mansyon nito, hihingalin na yata siya bago makarating sa pinaka-gate."Sh*t!" bulalas niya matapos mapansing nakasunod ang mga tauhan nito sa kanya.Pinilit niyang bilisan ang pagtakbo. Napaigik siya sa sakit. Imbis din na bumilis ay bumagal ang lakad niya.Kailangan niyang makatakas. Ayaw niyang mamatay sa kamay ni Gray.Nagka-pag-asa siya matapos matanaw na malapit na siya sa gate. Ngunit bigla rin siyang natumba at nadapa matapos may itim na sasakyang marahas na pumarada sa harap niya.Napangiwi siya at napasulyap sa kanyang tuhod. Nagdudugo na iyon at napuno ng gasgas."Tingin mo ba talaga makatatakas ka?" galit at malamig na tanong nito.Napaangat siya ng tingin. Na
Read more
KABANATA 10
"Seriously, Gray? Ni-lock mo sa kwarto?" natatawang tanong ni Joachim sa kanya mula sa video call kinabukasan. Kuminang pa ang ma-abo nitong mga mata.Tumikwas ang kilay niya, "Hindi siya ang gusto kong pag-usapan.""There must be something about her. Tinakot mo pa na kunwari pinatay mo ang tauhan mo, hindi naman," dagdag na pang-aasar ni Dimitri.Napirmi ang mga labi niya. Hindi siya papatay ng tauhan para lang kay Sylvaine. Magaling lang talagang uma-acting ang mga tauhan niya."Tapos ngayon hindi mo pakakainin pero pinagamot mo naman ang tuhod niyang may gasgas? Funny, I think you're whipped," nakangising komento ni Grego sa kanya.Tumalim ang tingin niya sa mga kaibigan. Kung hindi lang sila nagpa-plano para sa auction sa black market, hindi niya kakausapin ang mga ito."Mind your own business. I will bring her to the auction.""Baka mamaya siya bigla ang ibenta mo sa auction ah," pang-aasar ni Joachim."No one will buy her, and I don't sell my properties."Tumikwas ang kilay ni D
Read more
DMCA.com Protection Status