Share

KABANATA 2

After two years

"Worth it kang hintayin, Sylvaine."

Agad na sumilay ang kanyang ngiti sa sinabi ni Tim. Sumaya pati ang puso niya lalo pa't balak na niyang ibigay ang matamis niyang "oo" rito.

Four months na yata siyang nililigawan ni Tim, pero ngayon niya lang napagtanto ang halaga nito. At ang sagutin ito sa mamahaling restaurant ay perpekto para sa kanya. Umaalingawngaw ang mabining musika mula sa piano, ni hindi maririnig ang ingay sa labas.

"Sigurado ka ba, Tim?" Tinaas niya ang isang kilay at pinagmasdan itong mabuti.

Ayaw na niyang magkamali sa bawat desisyong gagawin, gusto niya lahat ay tama at nasa plano. Twenty-eight years old na siya at ang gusto niya na lang ay makarelasyon ang lalaking kaya siyang tanggapin nang buo.

Tama na ang mga nangyari sa nakaraan niya, ayaw na niyang balikan ni isang katiting na alaala mula roon.

Sinubukan niyang lambingan ang ngiti para ipakita kay Tim na interesado siya. Kita niyang napangiti ito nang totoo habang ang mga mata ay kuminang sa saya. Walang duda na cute talaga ang lalaking kaharap lalo na sa aura nito, pero ayaw niyang magpakasal sa gwapo lang.

"I'm confident beyond a shadow of a doubt. I want to see you in that stunning white gown while walking down the aisle," pag-amin nito.

Mula sa malambing na ngiti, naging maasim bigla ang itsura niya. Nagtataka siya kung paanong naiisip na nito ang kasal gayong ang gusto lang naman niya ay boyfriend.

Kasi naman, allergic na yata siya sa mga usapang kasal na iyan. Noong nangarap siya ng ganoon ay two years ago na.

"Hindi na tayo bumabata. Hindi ako naghintay ng four months para lang sa wala. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka—"

"Anong gusto mo? Gusto mo ng pamilya?" Nagsalubong ang mga kilay niya lalo pa't puro pula na ang nakikita niya.

"Of course. Gusto ko ng anak—mali, gusto ko ng maraming anak mula sa'yo at—"

Hindi nito natapos ang sasabihin matapos niyang tumayo at hablutin ang bag niya.

"Mr. Tim, balak na sana kitang sagutin ngayon pero tingin ko hindi ako ang tamang tao para sa'yo. Ito na sana ang huling pagkikita natin. Have a great day!" pormal niyang bigkas at wala ni katiting na sigla.

Kita niyang parang binuhusan ng malamig na tubig si Tim. Hindi ito nakapagsalita, mukhang nagulat na ang date nila ay iba sa inasahan nito.

Tinaas niya ang noo at diretsong umalis, pumara pa siya ng taxi. Ayaw na niyang lumingon pa muli, alam niyang nakabasag na naman siya ng puso ng isang lalaki. Gayunpaman, mas basag naman ang puso niya. Palpak na naman ang pagbabalak niyang makipagrelasyon. Wala naman sanang mali kay Tim bukod sa mga gusto nitong mangyari. Alam niyang hindi niya kayang ibigay ang mga iyon. Hindi siya ang tamang babae para kay rito, o kahit sa lahat ng naka-date niya.

Imbis na umuwi na sawi at masakit ang ulo, pumara siya sa clinic at binayaran ang driver. Mabigat ang bawat hakbang niya katulad kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon. Ni hindi niya pinilit ang sariling ngumiti sa kanyang assisstant, naningkit tuloy ang tingin nito.

"Huwag mo kong tingnan ng ganyan, Madonna. Huli na 'to. Hindi na ako makikipag-date sa kahit sinong lalaki!" sigaw niya habang papasok sa opisina niya.

"Maniniwala na ba ako, Doktora Sylvaine? Sinabi mo na rin iyan noon pero ano? Hayan, pang-tatlumpung lalaki mo na yata iyan pagkatapos noong una," sarkastikong paalala nito.

Umirap siya at nagdadabog na umupo sa kanyang swivel chair, "Tatlumpu? Sigurado ka? Akala ko panlima pa lang!"

Si Madonna naman ngayon ang umirap sa kanya, "Mali ka ng bilang, Doktora. Gusto mo bang bigyan kita ng listahan?"

"Hindi na kailangan. Hindi ko naman kailangan ng lalaki—"

Mabigat na huminga nang malalim si Madonna, "Pang-tatlumpung beses mo na ring sinabi iyan. Ano bang nangyari kay Tim? Inalok ka ng kasal?"

Mariin siyang pumikit, hindi pinansin si Madonna na umupo na sa harap ng mesa niya.

"Iyon nga, tsaka humingi ng mga anak. Mga anak, Madonna. Take note of that! I'm so allergic of children!" protesta niya.

Humalakhak bigla si Madonna kaya't nangunot ang noo niya. Matalim niya rin itong tiningnan.

"Walang nakakatawa, Madonna. Napaka-insensitive niya di ba? Ni hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang magka-anak!"

Imbis na tumigil, lalo pang humalakhak si Madonna. Naguluhan siya kaya't nagtaas siya ng isang kilay.

"Malamang, lahat ng lalaki iisipin na gusto mo ng baby lalo pa't Ob-Gyn ka, Doctor Sylvaine," pagdadahilan nito.

"Hindi naman ako pediatrician. Sabihin na nating gusto ko nga ng mga baby pero hindi ko naman sila makakasama habang buhay," walang emosyon niyang bigkas, nalalasahan ang pait ng buhay niya.

Kumibit balikat ang assistant niya bago tumayo. Alam nitong hindi ito mananalo sa kanya at wala itong karapatan na salungatin siya. Alam nito ang nakaraan niya, at alam niyang ayaw nitong ibalik ang nakaka-trauma na pangyayaring iyon.

"Tingnan ko lang kung may bagong pasyente. Mend your broken heart here, Dear," tukso nito dahilan upang samaan niya ito ng tingin.

"I am not broken hearted!" sigaw niya at kunwaring okay lang siya pero tinawanan lang siya ni Madonna.

Pero noong wala na si Madonna at maiwan siyang mag-isa, nanghina siya bigla. Minasahe niya ang sentido at muling pinikit ang mga mata. Katulad ng dati, ramdam na naman niya ang lungkot at kawalan ng pag-asa. Hindi talaga siya pwedeng magpakasal. Alam niya ang mga posibleng kahinatnan kapag ginawa niya iyon. Ngayon pa lang, isasalba na niya ang sarili sa mas malaking sugat sa puso.

Iyon nga lang, agad siyang napamulat ng mga mata matapos marinig ang malakas na pagbukas ng pinto, maging ang mabibigat na yabag papasok sa clinic niya. Kinabahan siya at natakot matapos marinig ang kawawang sigaw ni Madonna.

Nanginig ang mga tuhod niya, at maging mga kamay ay nagsisimula na ring manginig. Namamawis na rin maging ang noo niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim at sinubukan lahat mawala lang ang takot niya at hindi mabaliw. Ramdam niya ang kaparehong takot na naranasan niya two years ago.

Tumayo siya at balak na lumabas ng opisina ngunit may malamig na bakal ang dumantay sa noo niya, pag-angat niya ng tingin ay isa iyong baril.

Sinundan niya ng tingin ang matipunong kamay na may hawak ng baril. Napatigil siya. Umawang ang mga labi, at namilog ang mga mata matapos makita ng harap-harapan ang lalaking may galit na galit na kayumangging mga mata. Ang tingin nito sa kanya ay tila ba siya ang kaaway at main target nito. Ang ilang hibla ng buhok nito ay bumagsak sa sarili nitong noo, habang ang labi ay nanatili sa isang linya.

Sinubukan niyang magsalita, ngunit noong idiin nito ang baril sa noo niya ay nanlamig siya bigla at napaatras. Sa kabila ng sobrang takot, nahanap niya pa rin ang sariling boses matapos makita ang sampong men in black na halos lahat ng baril ay nakatutok kay Madonna.

"W-hat d-o y-ou want?" imbis na itaboy ito ay iyon ang naitanong niya sa kabila ng takot.

Kita niya kung paano umangat ang isang gilid ng labi nito para sa isang mapanganib na ngisi. Hindi ito kumurap. Noong tumingin ito ng diretso sa mga mata niya, pakiramdam niya kita nito pati ang kaluluwa niya.

"I want you to bear my child, Doctor,"

Malamig na malamig na bigkas nito bago hinila ang siko niya at madiing pinadaan ang baril mula sa kanyang noo patungo sa kanyang sentido.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alixsandra Haveyear
wow beautiful story I love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status