Share

KABANATA 8

Agad na humithit sa kanyang sigarilyo si Gray. Kiniling niya ang ulo bago tinakpan ng kumot ang katawan ni Sylvaine. Malalim na ang tulog nito. Pinunasan niya ang pawis nito sa noo. Napasulyap din siya sa sariling kah*bdan. Sa laki niya, talagang mapapagod ito.

"Makulit. Kung marunong ka lang makinig, hindi ako magiging marahas," bulong niya sa hangin.

Pero duda rin siya sa sarili. Ni minsan ay hindi siya naging banayad sa kama. Tingin niya ay dalawang araw itong hindi makatatayo.

Nailing siya ngunit napamura matapos makita ang palapulsuhan nito. Agad niyang tinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo at balewalang tinapakan gamit ang paa niya. Walang kwenta kahit mapaso pa siya.

"F*ck!"

Napaluhod siya at hinawakan ang mga palapulsuhan nito. Umigting ang panga niya matapos makitang nagmarka ang necktie na ginamit niya. Hihipan niya sana ang mga iyon kun'di lang tumunog ang cellphone niya.

Pinulot niya ang pants na suot kanina at hinalughog para makuha ang cellphone. Agad niyang sinagot mat
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status