Share

KABANATA 4

Ramdam ni Sylvaine ang panghihina, sakit ng ulo at sakit ng buong katawan noong magkamalay siya. Ni hindi niya alam na nahimatay pala siya kanina. Ang maganda lang ay wala na ang posas sa kamay niya at wala na rin ang panyo sa bibig niya. 

Nangunot ang noo niya at bubuksan na sana ang mga mata kung hindi lang niya narinig ang dalawang taong nasa malalim na pag-uusap. Imbis tuloy na magising, nagpanggap pa siyang natutulog.

"Wala siyang pamilya. Walang maghahanap sa kanya kahit mawala pa siya ng ilang araw o buwan," galing iyon sa di pamilyar na boses ng lalaki.

"Really? That's good. I don't have any plans to send her back home," iyon naman ang boses ng lalaking kinamumuhian niya ngayon. 

Hindi niya mapigilan na ikuyom ang mga kamay. Hindi niya alam kung paanong kilala siya nito, at wala siyang ideya kung bakit siya pa ang napili nitong magbuntis sa tagapagmana nito! At mas lalong hindi siya magbubuntis!

"What about her assistant? That loud woman who kept on crying?" dagdag nito na akala mo ay hindi natutuwang marinig ang mga pag-iyak ni Madonna.

"Nasa tahimik na lugar na," bigkas ng kausap nito na siguradong-sigurado.

Bumigat ang puso niya sa narinig. Si Madonna lang ang naiisip niya sa oras na iyon. Pinirmi niya ang mga labi noong marinig ang tawanan ng dalawa. Hindi siya sigurado kung totoong patay na si Madonna pero ang kapal ng mukha nilang tawanan ang kamatayan ng isang tao!

"Ako na po ang bahala sa lahat at sasabihan ko na rin ang mga katulong para sa hapunan ninyo, Mr. Whitlock."

Narinig niya ang mga papalayong yabag, hindi nga lang siya sigurado kung nakalabas na ba ang lalaki dahil wala siyang narinig na paglalapat ng pinto.

Wala naman din siyang pakialam. Ang isip niya ay napunta sa lalaking daig pa ang halimaw. Mr. Whitlock? Ni minsan hindi pa niya narinig ang apelyido na iyon, hindi rin matunog para sa kanya.

Nagtagis ang mga ngipin niya. Pagmulat niya ng mga mata, handa na siyang makipagsagutan sa tinawag na Mr. Whitlock. Iyon nga lang, umawang ang mga labi niya matapos niya itong makitang prenteng nakaupo sa isang pulang single couch, walang pang-itaas na damit habang humihithit ng sigarilyo. Hindi sa kanya nakatingin kun'di sa salaming dingding, kitang-kita kung gaano kadilim sa labas.

Imbis na magsalita, natagpuan niya ang sariling nakatitig dito. Natagpuan niya ang sariling namamangha sa kung paanong tumatama ang liwanag sa malaki at matipuno nitong katawan. Kita niyang gumalaw ang panga nito, at makalaglag panty iyon, idagdag pa ang bahagyang pagkiling nito sa ulo kung saan kitang-kita niya ang magandang view ng leeg nito pababa sa matigas nitong d*bdib—

"Are you done checking me out?" Humithit muli ito sa sigarilyo at nilabas ang usok sa bibig dahilan upang kumalat iyon sa hangin.

Napakurap siya, napagtantong dalawang matiim na kayumangging mga mata ang nakatitig sa kanya. Napaiwas siya ng tingin at huminga nang malalim. Doon niya lang namalayan na nahipnotismo siya sa katawan nito at nakalimutan ang mga dapat sabihin. 

"Saan mo ko dinala?" malamig niyang tanong, pilit iniipon ang galit niya para sa lalaki.

"In my own castle—"

"I'm not kidding, Mr. Whitlock. Ibalik mo na ako sa clinic ko at hayaang magluksa para sa a-ssisstant ko," muntik ng manginig ang boses niya matapos malamang hindi nakaligtas ng buhay si Madonna.

Ngunit wala naman pakialam ang lalaki kung malungkot man siya. Gumuhit pa ang multo ng ngiti sa mga labi nito.

"Mr. Whitlock?" mahinang bigkas nito, "That sounds nice to me, but you should call me Gray and scream it at night instead."

Sinulyapan siya nito, punong-puno ng pagnanasa ang nakikita niya sa matalim nitong mga mata. Nanghina ang mga tuhod niya dahil doon.

Gray ang pangalan nito?

Pinigilan niya ang sumigaw at pawang paghinga nang malalim ang nagawa niya.

Matalim niyang tinapatan ang titig nito kasabay ng pagtatagis ng kanyang mga ngipin, "I am an OB-GYN and not a surrogate mother."

Muli itong humithit sa sigarilyo, "It's the same thing for me."

Napaawang ang mga labi niya at hindi makapaniwala. Hindi niya matanggap na t*nga ito at hindi alam ang kaibahan ng pagiging doktor at surrogate mother.

"What? Seriously? I think you need to go back to school—"

"School is boring. I don't need an A grade..." Diretsong tumitig ang mga mata nito sa kanya pababa sa kanyang tiyan, "I only need an heir."

Suminghap siya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.

"Humihiling ka ng bagay na hindi ko maibibigay—"

Napatigil siya sa pagsasalita noong marinig ang sliding door. Hinintay niya kung sino ang papasok doon hanggang sa makita ang lalaking tuwid na tuwid ang suot na three-piece suit habang walang emosyon ang mukha nito.

"Mr. Whitlock, the dinner is ready," malalim at malamig ang boses nito, kagaya sa narinig niya kanina.

"Thanks, Enzo. We'll go downstairs in a beat."

Tumango ang tinawag nitong Enzo. At noong makalabas ang lalaki, agad na tumayo si Mr. Whitlock.

"I bet you're hungry. You're saying nonsense." Ngumisi ito pero hinintay siyang makatayo.

Umirap siya ngunit sumunod din dito. 

Hindi niya pinansin ang lamig ng paligid at maging ng lalaking sinusundan niya. Inikot niya ang tingin sa paligid, naghahanap ng pwedeng takasan. Kaya lang mukhang mahigpit ang seguridad ng bahay kahit pa puro salamin ang dingding nito.

Lumipad ang tingin niya sa malapad na likod ng lalaki habang pababa sila sa hagdan, sa oras na iyon, gusto niya na lang itong itulak kung hindi niya lang napansin ang masasamang tingin sa kanya ng mga tauhan nito.

Nanlamig siya at tahimik na lamang sumunod hanggang kusina. Kumulo agad ang tiyan niya matapos maamoy ang mabangong amoy ng inihaw na karne at keso. Naalala niyang hindi pa siya kumakain simula noong iwan niya si Tim.

Mas lalong nag-ingay ang tiyan niya dahilan upang sulyapan siya ni Mr. Whitlock mula sa likod nito.

"I guess my baby is hungry—"

"I am not your baby—"

"I am not referring to you. I was referring to your stomach," maanghang nitong bigkas.

Nag-init ang mga pisngi niya lalo na matapos makita ang makahulugang ngisi ni Enzo. Napaka-assumero naman nito!

Umikot ang mga mata niya pairap bago umupo. Binagsak niya ang tingin sa mahabang mesa, lalo na sa mga karne, wala nga siyang nakitang kahit ano'ng gulay.

"Wala ka man lang bang vegetable salad dito?" tanong niya kay Enzo imbis na kay Mr. Whitlock.

Pero si Mr. Whitlock pa rin ang sumagot sa kanya, "We don't eat grass here," malamig na sagot nito, nilagyan pa ng inihaw na karne ang plato niya, "Eat whatever you are seeing. Eat a lot today and tomorrow so you'll have enough energy—"

Galit siyang tumayo at agad na umiling, "Hindi ko gagawin iyang gusto mo!"

Hindi ito natinag, naglaro pa ang ngisi sa mga labi nito, "Let's see. The bed is very ready," makahulugan nitong bigkas.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status