Share

KABANATA 3

"You what? You want a baby?" magkasunod na tanong niya, naniniguradong tama ang narinig niya.

Umangat muli ang gilid ng labi nito habang ang mga mata ay dumilim. Literal na napakapit siya sa mesa, kumukuha ng lakas upang malabanan ang takot niya.

Ngayon niya naisip na ang lalaking kaharap ngayon ay kapareho lang nang lalaki sa labas ng I. C. U. noon. At sa malamang na baka pareho lang ang budhi ng dalawa!

"You heard me right," ang boses nito ay mapanganib, dahilan upang lalo siyang kabahan at manginig.

"I don't want to repeat myself. Are you st*pid?" sarkastikong tanong nito.

Namilog ang mga mata niya, idagdag pang nasagi nito ang ego niya. Umawang ang mga labi niya kasabay ng pagkulo ng kanyang dugo. Bigla, gusto niya itong suntukin o kaya naman ay sakalin.

Kailanman ay hindi pa siya natatawag na st*pid! Habang itong lalaki sa harap niya ay akala mo hari ng mundo.

Kahit na nakaka-intimidate ito at kaya siyang patayin, binigyan niya pa rin ito ng naniningkit na tingin at ngisi upang pagtakpan ang kaba niya.

"St*pid? Did you just call me stupid?!"

Iyon nga lang, napanganga siya matapos makitang umikot ang mga nito na akala mo ay napipikon na sa ugali niya gayong mas malala naman ito.

"Miss, I don't have enough time to give you sweet chit-chats. I am not asking you for marriage, I. just. want. you. to. bear. my. heir," pagdidiin nito. 

Pinirmi niya ang mga labi. Talagang masusuntok na niya ito, pero siyempre hindi siya t*nga para gawin iyon lalo pa't wala siyang laban dito. Kaya naman tiningnan niya na lang ito nang mariin, ngumisi at pinakitaan ng gitnang daliri sabay sabing, "F*ck you!"

Dinig niya ang singhapan nila Madonna at ng mga tauhan ng lalaki, ngunit habang ito mismo ay hindi natinag sa ginawa niya. Tumikwas lang ang kilay, kiniling ang ulo at ngumisi ng makahulugan. Pagkatapos noon, kumawala ang insulto nitong tawa.

"Is that what you've got?" pang-aasar nito. 

Kita niyang pinasadahan nito ng dila ang ibabang labi bago sulyapan ang mga tauhan nito, maging siya ay napatingin sa mga ito. Sa oras na iyon, literal na tumigil sa pagtibok ang puso niya matapos makitang lahat ng baril ay nakatutok na sa puso niya. Isang kalabit lang ay siguradong mamamatay siya.

"Say a word and you'll automatically say goodbye to the universe," pananakot nito.

Nagtagis ang mga ngipin nito, nagbaba ito ng tingin sa kanya. Isang nakamamatay na titig ang binigay nito dahilan upang tumalon yata paalis sa d*bdib niya ang kanyang puso.

Mahina siyang napaiyak matapos marinig ang nahihirapang singhap ni Madonna, ngunit isang tauhan ng lalaki ang nagtakip sa bibig ng assistant niya. At iyon ang talagang kinagalit niya! Bakit nila iyon ginawa?!

"You are heartless," matabang niyang bulong, ngunit narinig niyang lumapit sa kanya ang isang tauhan nito.

Handa na siyang mabaril at handa na siyang ipikit ang mga mata para naman may drama ang pagkamatay niya. Iyon nga lang, bigla nitong tinaas ang kamay dahilan upang ibaba ng mga tauhan nito ang kanilang baril. Maging ito mismo ay binaba ang baril na nasa sentido niya.

Ngunit imbis na magpasalamat, nagsalubong pa ang mga kilay niya, "Oh common, shoot me now," hamon niya bago humalukipkip.

Bakit pa siya magmamakaawa na huwag siyang barilin kung pwede naman niyang i-welcome si kamatayan? Simula't sapul naman ay hinahabol siya ng kamatayan.

"Is that all you've got?" panggagaya niya sa sinabi nito kanina. Ngumisi pa siya nang nakaka-insulto.

Hindi pwedeng mahina siya, lalo pa't marami na siyang naranasang sakit sa puso. Thrill lang dapat ito sa kanya kaya lang ay nadamay si Madonna, ito man lang sana ay mailigtas niya.

Ngunit naglaho ang ngisi niya matapos biglang humalakhak ang lalaki. Muli nitong pinasadahan ng dila ang ibabang labi bago siya tingnan mula ulo hanggang paa. Gamit ang malaking kamay nito, ginulo nito ang sariling buhok bago ihagis ang hawak na baril sa isang tauhan nito.

"I like it. Savage," bulong-bulong nito sa sarili.

Kinagat pa nito ang ibabang labi, nilagay ang kamay sa bewang, at malalim na tumingin sa kanya.

"Tss. Baliw ka ba? O baka naman duwag ka kaya nagdala ka ng sampung tauhan para takutin ang isang babae?" Tinaasan niya ito ng kilay para sana insultuhin, ngunit simpleng tumango lang ito na akala mo ay sumasang-ayon sa kanya.

Akala niya, panalo na siya kaya naman mas tinaas niya ang kilay at pinasadahan ito ng tingin mula sa magulo nitong buhok, pababa sa fitted nitong puting t-shirt na mukhang mamahalin, patungo pa sa matipuno nitong mga braso at sa malaking katawan, hanggang sa lumipad ang tingin niya sa makinang nitong sapatos. Napag-isip niya na baka CEO ito.

"I can't believe you have no balls," bigkas niya sabay iling.

Ngunit halos sumigaw siya hanggang sa mawalan siya ng ngala-ngala noong bigla siya nitong buhatin na parang sako ng bigas. Dinig niya rin ang sigaw ni Madonna, ngunit walang pakialam ang lalaki at diretso lang siyang binitbit palabas ng clinic niya.

"How dare you! Ibaba mo ko! Ipapakulong kita!"

Hindi ito nakinig sa protesta niya. Dumiretso sa malaking motorbike at sinalo ang susi na hinagis ng tauhan nito.

"I have a lot of patients, Idiot! Put me down!" pamimilit niya.

At dahil magaspang ang ugali nito, sa motorbike siya nito binaba. Walang sinabing kahit ano at basta na lang din sumakay doon, ito pa mismo ang nag-ikot sa mga braso niya sa bewang nito. Laking gulat niya noong posasan siya nito para hindi makatakas.

Kulang ang salitang gulat sa nararamdaman niya, hindi makapaniwalang tila niyayakap niya ang masamang lalaki. Naghalo-halo ang kaba, takot, at panic niya. Kahit noong luminga siya sa paligid, puro tauhan nitong nakasakay sa mga motorbike ang natanaw niya... wala si Madonna.

Nanginig ang labi niya kasabay ng malakas na kabog ng kanyang d*bdib. Kung pwede lang siyang tumalon paalis ng motorbike ay ginawa na niya!

"Where the hell are you gonna bring me? Freak! Ibalik mo 'to sa clinic ko!"

Walang kwenta ang protesta niya dahil nagawa nitong paandarin ang motorbike ng walang kahirap-hirap.

"I hate you! Pakawalan mo ko at ibaba sa lugar malayo sa'yo! Tulong!"

Ginawa niya ang lahat para makasigaw at humingi ng tulong kahit pa tila patungo sila sa kawalan, hindi siya pamilyar sa lugar. Sinubukan niyang alisin ang posas ngunit bigo siya. Nakakita lang siya ng pag-asa noong itigil nito ang motorbike at sinulyapan siya mula sa likod.

Umiling ito at kumuha ng kung ano sa bulsa ng suot nitong jeans. Humarap ito hawak ang isang panyo.

Kumunot pa ang noo nito, "I should have done this earlier. You talk too much."

Namilog ang mga mata niya matapos nitong ekspertong itali ang panyo sa sa bibig niya paikot sa likod ng ulo niya. Sinubukan niyang magsalita ngunit walang malinaw roon.

Bumuntong hininga ito na tila ba pagod na sa kanya. Kinamot pa nito ang isang kilay, "And yeah, I just want to inform you that this is kidnapping—I mean adultnapping if there's a term," imporma nito na hindi malinaw kaya't binigyan niya ng matalim na tingin.

Pipilitin niyang magprotesta sana ngunit bigla nitong pinagana ang motorbike dahilan upang bumangga ang buong katawan niya sa matigas nitong likod. 

"Enjoy the ride, Dr. Sylvaine Hope," tukso nito. Nagulat siya na kilala siya nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status