Share

Entangled with Mr. Ruthless
Entangled with Mr. Ruthless
Author: Yenoh Smile

KABANATA 1

"Hindi na tayo tulad ng dati, Sylvaine. I don't think we can make this work anymore," mahinang bigkas ni Byrlle bago nagyuko at tumingin sa sahig.

Mahina siyang suminghap, ramdam ang paghigpit ng puso niya, "P-aano na ang plano nating kasal, Brylle?" halos hindi niya maibigkas iyon.

"Gone, Sylvaine. Gone," bulong nito.

Napapikit siya matapos maramdaman ang sakit na gumuhit sa puso niya. Nanghina siya. Suminghap muli, hindi dahil sa gulat kun'di dahil sa kawalan ng paghinga.

Nawala bigla ang limang taong fairytale nilang dalawa. Planado na nila ang hinaharap, tanging alok nitong kasal ang hinihintay niya. Ngunit ito pala mismo ang bibitaw sa kamay niya.

"I guess you can still find someone better—"

Napatawa siya nang mapakla. Pagmulat niya ng mga mata ay siya ring pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi. Gustong-gusto niyang manakit sa oras na iyon ngunit hindi niya magawa sa sobrang sakit. Inisip niya na baka surprise lang iyon para sa kanya. Na baka kapag nawala na ang sakit ay hihingin nito ang kamay niya para sa kasal.

"Prank ba 'to? Joke? This is our fifth anniversary as a couple, Brylle," madiin niyang bigkas, "Come on, I will say yes, just don't play with me like this."

Nag-angat ito ng ulo dahilan upang mapatigil siya. Hindi siya makapaniwalang makita ang sakit, luha, at walang kasiguraduhan na nakapaskil sa itsura nito. Umiling ito nang mabagal. Kinagat ang labi at huminga nang malalim. Bigla ay tumayo ito na kinalaki ng mga mata niya.

"Brylle!"

Sinubukan niyang hilahin ang palapulsuhan nito ngunit nilayo nito iyon.

"Tapusin na natin 'to. Hindi ako karapat-dapat para sa'yo, at sana ay makahanap ka ng lalaking mas disente, iyong hindi ka ipapahamak. Lalaking hindi kayang gumawa ng masama—"

"Pero bakit? Bakit ko kailangang humanap ng mas disente? You are the best for me—" 

Muli itong umiling, "Listen, Sylvaine. I am not as kind as you think. I am not as good as I am to you." 

Ngayon, siya naman ang umiling at mariin itong tinitigan. At nakahanap siya ng pag-asa matapos makita ang kalaliman ng asul nitong mga mata.

"You still love me," mahina niyang sambit dahilan upang pumikit ito nang mariin.

"Wake up, Sylvaine. I don't love you anymore—"

"Then open your eyes and say it right in front of my face—"

"Fine! I don't love you anymore, Sylvaine. Pagod na ako sa'yo! Ayokong ikasal sa'yo! Ayoko sa isang ampon! Gusto ko ng kasing yaman ko. Gusto ng babaeng may kumpletong pamilya!" Prankang sagot nito na ni hindi man lang inalis ang tingin sa mga mata niya.

Natameme siya kasabay ng sakit sa damdamin na bumalik sa kanya. Gusto niyang magsalita para depensahan ang sarili niya, ngunit pawang pagluha ang nagawa niya. Iyon kasi ang katotohanan sa buhay niya, walang may gusto sa kanya dahil lumaki siya sa ampunan. Hindi niya alam kung saan siya nanggaling. Siguro nga ay wala ng magkakagusto sa kanya at dahil iyon sa hindi siya minahal ng buo.

"F*ck! Huwag kang umiyak at magmakaawa! Hindi ako babalik sa'yo!" Dinuro pa siya nito sa ulo.

Namula ang gwapo nitong mukha dahil sa galit. Dahil doon, marahas niyang pinunasan ang mga luha, kinuha ang kanyang bag, at malamig itong tiningnan. Huminga siya nang malalim upang bumalik ang lakas niya, at sa wakas ay bumalik din ang tapang niya.

"Fine. Tapusin natin 'to, at kung mamimiss mo ko, sorry pero hindi na ako babalik sa bisig mo. Tandaan mo 'to, hindi na kita kilala ngayon, Mister." Pinirmi niya ang mga labi bago muling nagsalita, "Let's be strangers again to each other. Goodbye. "

Oras na nakatalikod siya, muling nagbagsakan ang mga luha niya. Nanikip ang d*bdib at nanghina ang mga tuhod dahil sa sakit na nararamdaman. Sinayang niya lang ang limang taon ng buhay niya sa paniniwalang may fairytale siya. Akala niya ay kilig ang ibibigay ni Brylle sa buong buhay niya pero milyong kutsilyo pala ang isasaksak sa puso niya.

Ni hindi niya alam kung paano siya nakasakay sa sasakyan niya. Ang alam niya lang ay patuloy ang pagluha niya habang nagmamaneho. Nanginginig ang kamay niya at nanlalabo ang paningin.

"F*ck you, Assh*le! Go to h*ll!"

Binilisan niya ang paandar sa sasakyan, at kahit alam niyang malabo sa mata niya ang daan, wala na siyang pakialam. Sa oras na iyon, gusto na lang niyang dalhin ang sakit sa kamatayan. Tutal ay wala ng magmamahal sa kanya kaya bakit pa siya mabubuhay? Wala rin namang tatanggap sa kanya, at wala siyang rason para sumaya.

Pira-piraso na ang puso niya, nasayang pa ang pagmamahal niya. Wala rin naman siyang kamag-anak, o kaibigan, kahit mamatay siya ngayon, walang iiyak para sa kanya. Wala siyang makitang rason para ipagpatuloy pa ang buhay niya kaya naman malakas ang loob niyang bilisan pa ang sasakyan.

Ngunit bigla siyang nataranta matapos makita ang liwanag na papalapit sa kanya—mali, ang sasakyan niya ang papalapit sa liwanag. Bigla, ayaw na niyang mamatay ngunit hindi na niya ma-control ang sasakyan. Nanginig ang mga kamay niya at tuhod. Gustong-gusto niyang itigil ang sasakyan o iliko, ngunit huli na. Malakas na salpukan ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pamamanhid ng kanyang katawan.

Literal na nanigas ang buong katawan niya. Ang huling naaalala niya bago pumikit ay ang babae sa kabilang sasakyan na naliligo sa sariling dugo.

*************

Parang tumakbo ng milya-milya ang katawan niya noong magising. Puro puti ang bumungad sa kanya, at promise, talagang nanakit ang puso niya matapos maisip na patay na siya. Humikbi siya at kinagat ang ibabang labi. Ngunit natigilan siya matapos maramdaman ang pisikal na sakit. Umawang ang mga labi niya, at noong bumukas ang pinto, lumipad ang tingin niya sa lalaking doktor na seryosong nakatingin sa kanya. Diretso sa kanya ang titig nito na tila ba ang nangyari sa kanya ay nakakamatay. Alam niyang nakamamatay nga ang nangyari!

"Buhay pa ako," paos pa ang boses niya, nauuhaw rin.

"Isang linggo kang tulog," panimula nito.

Nagulat siyang malaman iyon, ngunit ang sakit ng buong katawan niya ay pinapatunayan iyon.

"Mali ba na buhay pa rin ako?" bulong niya matapos makitang humalukipkip ang doktor.

"May babae sa I.C.U na na-coma," muling bigkas nito.

Nangunot ang noo niya, "May pakialam dapat ako dahil?"

"Dahil siya ang nakabanggahan mo. And believe me, hindi ka dapat magdiwang na buhay ka pa ngayon." Umilimg ito bago ni-check ang vital signs niya.

Napaiwas siya ng tingin. Na-guilty. Nang dahil sa kapabayaan niya, meron tuloy nanganganib ang buhay.

"Ipapakulong ba ako?"

"Malamang, ipapakulong ka talaga. Mayaman at mapanganib ang pamilya niya, at kapag hindi nagising ang babaeng iyon hanggang next week, siguradong hahanapin ka at papatayin."

Binalot siya ng takot. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba, at kahit masakit pa ang buong katawan niya, bigla siyang napaupo ngunit napa-ungol matapos maramdaman ang sakit sa puson niya.

"Tsk. Tsk. Iyon ang malalang mangyayari sa'yo—I mean meron pang mas malalang pwedeng mangayri sa'yo," bigkas muli ng doktor.

Mariin siyang napapikit, "Patayin mo na lang kaya ako ngayon," bulong-bulong niya.

Sa lahat ng nangyari sa kanya, wala na talaga siyang rason para mabuhay. Tama naman ang doktor, dapat namatay na lang siya.

"Doktor ka di ba? Doktora Sylvaine?" tanong nito na nakapagpamulat sa mga mata niya.

"Nahanap ng mga pulis ang identification card mo, at dahil hinanap namin kung sinong pwedeng tawagan, natawagan namin si Brylle. Kaso hindi ka raw niya kaano-ano at ayaw niyang madamay sa gulong ginawa mo."

Nagtagis ang mga ngipin niya at kumuyom ang kamao. Wala na talagang pakialam sa kanya si Brylle, at dapat wala rin siyang pakialam!

"I am an Ob-gyn. Wala akong kamag-anak. Diretsuhin mo na ang sasabihin mo."

Huminga nang malalim ang doktor, "Good, Dr. Sylvaine. Maiintindihan mo ito. Tingin ko ay kaunti na lang ang chance mong mabuntis. Ibig kong sabihin, dahil sa aksidente, baka hindi ka na nga mabuntis at himala na lang kung may mabubuo ka pa."

Siguro talagang galit sa kanya ang mundo. Naiwan siyang mag-isa at mukhang mabubuhay ng mag-isa habang buhay. Nakipag-break sa kanya ang longtime boyfriend niya at tinanggi pa siya habang ang kakayahan niyang magbuntis ay mababa na lang ang chance—ang malala, baka hindi na nga siya mabuntis.

Walang tigil ang pagtulo ng luha njya. Bakit pa siya binigyan ng pangalawang buhay kung pagkatapos nito ay makukulong din naman siya?

"Ugh! What have you done, Sylvaine?" frustrated niyang tanong sa sarili.

At kahit nanghihina pa ay sinubukan niyang magtungo sa I. C. U. Kinakain siya ng sariling konsensya dahil kasalanan niya kung may inosenteng babaeng na-coma. At noong mahanap ang tamang kwarto, napatigil siya sa paglapit matapos makita ang isang lalaking nakasandal sa salaming bintana ng kwarto. Nakasandal ito roon na tila ba gustong-gusto nitong makasama ang babae.

Hindi niya makita ang itsura nito, pero base sa bulto nito, sapat lang na sabihing hindi mo ito babalaking gambalahin. Tingin niya ay hindi ito normal na lalaki, parang kayang-kaya ka nitong sakalin gamit lang ang matipuno nitong braso. Gusot ang suot nitong three-piece suit at maging ang buhok nito. Nanlamig siya matapos makitang kumuyom ang kamay nito bago kinuha ang cellphone sa bulsa.

"Hunt that woman down, and kill her. She doesn't deserve even just a drop of breath in this earth. Kill her, or I do it myself," sobrang lamig ng boses nito at may awtoridad kaya't nanigas siya.

Napaatras siya at namilog ang mga mata. Noong akmang lilingon sa pwesto niya ang lalaki, tumakbo siya kahit pa nanakit ang buong katawan niya. Tila kakawala na rin ang puso niya sa sobrang kaba. At kahit handa siyang mamatay, ayaw naman niyang mawala sa mundo sa marahas na paraan. Ngunit noong pabalik siya sa sariling kwarto, kita niyang napuno ng men in black ang labas niyon. At siguro, ang planong pagpatay sa kanya ay mangyayari na matapos mahagip ng tingin niya ang lalaki kanina sa I. C. U na ngayon ay papalapit na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status