Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Oleh:  Lirp49  Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Peringkat
30Bab
265Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Tinggalkan ulasan Anda di APP

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para samahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”

Lihat lebih banyak
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her Novel Online Unduh PDF Gratis Untuk Pembaca

Bab terbaru

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen
user avatar
Docky
highly recommended
2024-05-14 08:53:30
1
30 Bab
Chapter 1
SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan. Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ni Louie. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagawang mali.
Baca selengkapnya
Chapter 2
MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.”Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito.“Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya.“Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan.Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice.Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit.Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito.Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay. Kung hindi nga lang maganda si Zia ay maipagkukumpara niya ito sa isang katulong.Matagal niya itong pinagmasdan at hi
Baca selengkapnya
Chapter 3
INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya. Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Ang kinakapos na hininga ni Zia ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak pa siya… ngayon naman ay yakap-yakap na sa may batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mukhang marami ka atang pinagkakaabalahan ngayon na maging sa pag-inom ng pills ay hindi mo magawa,” ani Louie saka umalis sa kama para kunin ang isang maliit na box sa drawer. Kumuha siya ng
Baca selengkapnya
Chapter 4
PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Tumagal ang titig ni Louie. At kahit nakakaramdam ng inis ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niya ring kinahumalingan ito. Ngunit hindi na ganoon katindi ngayon. Naging mas madilim naman ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nanigarilyo muna bago sumunod sa loob ng bahay. Nang gabing iyon ay sa guestroom natulog si Zia. Hindi naman siya ginulo ni Louie na pinili na lamang ma
Baca selengkapnya
Chapter 5
NAPADAING si Zia. “Ano ba, Louie. Nasa ospital tayo!”“Wala akong pakialam.” At patuloy pa ring iniipit si Zia sa pader saka inilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?”Napatitig si Zia at nahulaan ang ibig nitong ipahiwatig. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo.”Matapos iyong sabihin ni Zia ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto.Sumunod naman ito at natigilan nang makita na hindi lang si Zia at Arturo ang nasa kwarto.Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa ni Maricar.Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man ang pakikitungo kay Zia ay malaki ang respeto nito sa biyenan. Dahil ilang taon ding nasa negosyo si Arturo.
Baca selengkapnya
Chapter 6
ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
Baca selengkapnya
Chapter 7
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
Baca selengkapnya
Chapter 8
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
Baca selengkapnya
Chapter 9
NAKAUWI naman si Zia nang makahanap ng masasakyan. Bumaba siya sa may kanto at naglakad kung saan ay tanaw na niya si Maricar na may hawak na payong at inaabangan siya.“Bakit po kayo nandito, ‘Ma?”“Umuwi muna ako para makapagpahinga, Zia. Tara sa loob at basa ka.”Pumasok sila sa apartment at agad kumuha si Maricar ng towel para tulungan siyang tuyuin ang basang buhok.“Nahirapan ka bang makasakay ng bus? Nag-taxi ka sana, Zia.""Wala ring taxi sa daan, ‘Ma,” palusot niya na lang.“Mas mabuti pa’y maligo ka na lang at may sabaw pa sa kusina, ipaghahain kita.”“Nilalamig ako, ‘Ma. Gusto ko munang humigop ng mainit-init na sabaw,” ani Zia.Umalis naman si Maricar upang kumuha ng pagkain. Pagbalik ay napatanong, “Zia, kamusta na pala ang tungkol sa inyong dalawa ni Louie. Nagkausap na ba kayo ulit?”Naibaba ni Zia ang hawak na mangkok saka napabungtong-hininga. “Ayaw niya pa ring makipaghiwalay. Saka, wala pa rin akong nahahanap na lawyer para sa divorce namin. Pero ‘wag kayong mag-alal
Baca selengkapnya
Chapter 10
SA APAT NA TAON nilang pagsasama ay kabisado na ni Louie kung sa paanong paraan hahawakan si Zia. Kung saan ang kiliti nito upang tuluyang bumigay sa kanya.Naging mas mapangahas pa nga si Louie nang magpatay sindi ang ilaw sa labas ng apartment. Marahan at puno ng init ang bawat haplos niya sa hita ni Zia habang ang isang kamay ay minamasahe ang malulusog nitong dibdib.Nanghina ang tuhod ni Zia at tuluyang napasandal sa katawan ni Louie. Sa malalim at tahimik na gabi ay maririnig ang kinakapos niyang hininga na kahit anong kagat niya sa ibabang labi ay kusa pa ring kumakawala ang ungol.At nang humaplos ang kamay ni Louie sa undergarments ni Zia ay tila natauhan naman ito.“T-Tama na!” Ngunit masiyadong mahina si Zia para itulak ito. Kaya mas idiniin pa siya ni Louie sa pader.Kilabot ang naramdaman ni Zia nang dumampi ang labi nito sa kanyang tenga. “Umamin ka nga. Ipinagpalit mo na ba ang doctor na ‘yun sa’kin?” ani Louie.Na
Baca selengkapnya
DMCA.com Protection Status