Share

Chapter 9

NAKAUWI naman si Zia nang makahanap ng masasakyan. Bumaba siya sa may kanto at naglakad kung saan ay tanaw na niya si Maricar na may hawak na payong at inaabangan siya.

“Bakit po kayo nandito, ‘Ma?”

“Umuwi muna ako para makapagpahinga, Zia. Tara sa loob at basa ka.”

Pumasok sila sa apartment at agad kumuha si Maricar ng towel para tulungan siyang tuyuin ang basang buhok.

“Nahirapan ka bang makasakay ng bus? Nag-taxi ka sana, Zia."

"Wala ring taxi sa daan, ‘Ma,” palusot niya na lang.

“Mas mabuti pa’y maligo ka na lang at may sabaw pa sa kusina, ipaghahain kita.”

“Nilalamig ako, ‘Ma. Gusto ko munang humigop ng mainit-init na sabaw,” ani Zia.

Umalis naman si Maricar upang kumuha ng pagkain. Pagbalik ay napatanong, “Zia, kamusta na pala ang tungkol sa inyong dalawa ni Louie. Nagkausap na ba kayo ulit?”

Naibaba ni Zia ang hawak na mangkok saka napabungtong-hininga. “Ayaw niya pa ring makipaghiwalay. Saka, wala pa rin akong nahahanap na lawyer para sa divorce namin. Pero ‘wag kayong mag-alal
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status