Share

Chapter 25

HABANG naghuhugas ng pinagkainan ay biglang tumayo si Louie para yumakap mula sa likod. Idinantay pa nga ang ulo sa balikat ni Zia habang dinadampian ng halik sa tenga.

Nakiliti si Zia at nanghina ang tuhod kaya natigilan sa paghuhugas. “A-Ano ba, ‘wag kang magulo,” saway niya kay Louie. “Akala ko ba’y pagkain lang ang sadya mo rito, kaya anong ginagawa mo ngayon?”

Pero sa halip na lumayo ay mas hinigpitan pang lalo ni Louie ang yakap at saka bumulong, “Zia, bumalik ka na,” aniya sa pinakamalambing na tonong magagawa.

Biglang natigilan si Zia. Ito kasi ang unang beses na nagsalita si Louie na hindi tunog nag-uutos. Malambing at talagang bibigay ang sino man makakarinig ngunit hindi siya pwedeng maging marupok.

Kailangan niyang alalahanin ang mga pinagdaanang sakit sa loob ng apat na taong pagsasama.

Matagal natahimik si Zia kaya gumalaw muli si Louie at hinalikan ito sa buhok. “H
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status