Tinakasan ni Valeen Alicia Flores ang plano ng ama niya na ipakasal siya sa anak ng matalik nitong kaibigan. Matagal ng may gusto sa kanya si Allan pero hindi niya ito gusto kaya lumayas siya at napadpad sa Maynila sa tulong ng dating yaya niya. Nakapasok siya sa isang malaking kumpanya at nakilala niya ang kaibigan ng amo niya na si Anton Drake Samaniego. Isang gwapo, batang bilyonaryo, mayabang, arogante at higit sa lahat galit sa pangit. Balatkayo lang ang lahat para makapagtago si Valeen dahil sa likod ng pangit na mukhang yun ay nagtatago ang isang dalagang kaakit akit at gumulo sa mundo ni Drake. May pag-asa bang magkaroon ng happy ending ang kwento ni Valeen at ng Bully niyang lover?
view moreValeen“What are you doing here?” malakas ang boses ni Drake ng mabungaran niya ako sa pinto after he opened it.Nakaramdam ako ng takot dahil na rin sa lakas ng boses niya pero pinakalma ko lang ang sarili ko.“Inutusan po ako ni Sir Marcus na dalhan kayo ng gamot.” maiksing sabi ko at saka ko iniabot at dala ko“Where is he?” nagtataka namang tanong nito“Umalis po siya, kasama ung tatlong kaibigan niyo at si Sir Jonas.” nakayuko lang ako at hindi tumitingin kay Drake dahil nakakatakot salubungin ang mata niya“May dala ka bang pagkain?” bigla ay tanong niya saka siya pumasok sa unit.Hindi naman ako gumalaw at nanatili lang ako sa labas“Ah opo sir. May pinabili po si Sir.” sagot ko naman. Lumingon si Drake sa akin at nakita niya na nasa labas pa rin ako.“ Are you just gonna stand there? Pumasok ka!” bulyaw niya sa akin kaya napapitlag naman ako at napilitang pumasok.Pagpasok ko naman ay nakahiga na si Drake sa sofa. May mga kumot na nagkalat doon pati na mga damit na parang h
ValeenMagaan ang loob ko ng pumasok ako ngayong umaga sa opisina. Kahit pa nandoon ang lungkot ko dahil na rin sa pag-alis ni Ozzy at ang realisasyong mag-isa nalang ako simula ngayon.Hindi ko maitatanggi na masaya ako sa naging lakad namin ni Drake kahapon. He is really sweet and caring, taliwas sa pinapakita niyang ugali pag ako na si Valeen. I wanted to question him pero hindi ko alam kung paano ko dadalhin doon ang conversation namin. Siguro mas kailangan madalas kami magkita para mas makapag tanong ako sa kanya kung bakit ganun siya sa akin bilang Valeen.Pagbukas ng elevator ay automatic na tumayo ako at hinagilap ang calendar ni Sir Marcus. He greeted me at ganun din naman ako sa kanya saka ako sumunod papasok sa opisina niya.“How are you Val?” nakita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Sir kaya naman nilakihan ko ang ngiti para mapanatag ito“I’m fine sir. Aksidente po yung nangyari kaya wag na po ninyong alalahanin.”sagot ko dito“ Hindi pwede yun! Alam mo naman na sagu
Anton Drake“Are you really sure na wala kang kinalaman sa pagkakakulong ni Valeen sa stockroom?” Marcus asked me after ng meeting namin ngayong araw. Nasa isang restaurant kami having lunch and I thought hindi na mauungkat ang nangyari na iyon kagabi.Aaminin ko naman talaga na ako ang gumawa nun but since pinagtakpan na ako ni Valeen, I have no choice kung hindi ang sakyan ito.Hindi ko din alam kung bakit ginawa iyon ni Valeen. I was expecting na isusumbong niya ako kay Marcus pero hindi naman nito ginawa.“She already told you, bro!” safe na sagot ko but he just smirked“Kilala kita, Samaniego! Don't give me that crap!” Marcus blurted“The hell bro! Ano ba trip mo at palagi mong binibwisit si Valeen?” tanong ni Hendrix sa akin with his stern face. Alam ko hindi nito nagustuhan ang narinig niya mula kay MarcusTinuruan ko lang naman ng leksyon si Valeen dahil palagi akong sinasagot ng babaeng ito. Hindi ito marunong magpatalo at palaging may nakahandang sagot sa akin.Naiirita ak
ValeenLahat namang ng nirequest namin sa organizer ng party ay nasunod kaya naman walang naging problema. I always check the details dahil ayaw ko na may masabi ang boss ko.Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga tao dito. Alam ko naman na pangit ako sa paningin nila at alangan ako para sa okasyong ito.Maganda ang damit ng lahat ng nandito pwera lang siguro ako. Nakasuot lang ako ng maluwag na bulaklaking blouse na tinernuhan ko ng maluwag na jeans. Nakaupo lang ako sa isang sulok at doon panaka nakang tumatanaw sa mga taong nandito. Natanaw ko si Drake and I couldn’t help but just stare at him. Sobrang gwapo kasi niya sa suot niya jeans and body hugging shirt. Lalong na emphasize ang ganda ng katawan niya.Lahat ng babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigil ang paghanga sa kanya pati na sa ibang kaibigan niya. Well off limits si Sir Hendrix dahik kasama nito ang girlfriend niya. Ayon sa mga chickang nasagap ko, designer daw ito sa kumpanya nlni Sir Hendrix
ValeenPagkatapos ng dinner namin ni Drake ay nagyaya siya sa bar na pag aari niya. Ayaw ko sanang sumama pero mapilit ito at dahil gusto ko namang makabawi sa ginawa niyang pagligtas sa akin ay pumayag na ako.‘ipokrita ka Valeen, gusto mo lang din talaga makasama pa si Drake’ sigaw ng utak ko Maraming tao sa bar ng makarating kami at todo hawak at harang sa akin si Drake para hindi ako mabangga ng mga taong nakakasalubong namin.Dinala niya ako sa office ng bar at inabutan naman namin doon ang isang lalaki na sa tanda ko ay Jackson ang pangalan.Naupo muna ako habang nag uusap silang dalawa at may pinipirmahan si Drake na mga papel.After nilang mag usap ay tinabihan ako ni Drake sa couch. “You want to drink?” tanong nito sa akin kaya nag-isip naman ako. “Okay sige!” pagpayag ko naman “One round lang Drake, may trabaho ako bukas.” “Okay, whatever you say babe!” sang ayon naman nito sa akin“Babe?” natawa pa ako dahil naalala ko ang palabas noon na Babe the baboy“Yeah! You don’
SophiaKatakot takot na sermon ang inabot ko kay Sir Marcus kinabukasan pagpasok ko sa opisina. Nagsumbong pala sa kanya si Drake tungkol sa nangyari kagabi.“Paano na lang kung wala doon si Drake, Val? Ano ang gagawin kong paliwanag kay Yaya Nette kung sakali na may nangyari sa iyo?” medyo mataas ang boses ni Sir kaya alam ko naman na talagang galit ito“Sir sorry po. Hindi ko naman po kasi akalain na mangyayari yun.” nakayukong paliwanag ko “If you are going to work overtime, book a cab at diyan ka sa tapat ng opisina sumakay. What were you thinking at naglakad ka pa talaga?” Alam ko naman na may pagkukulang talaga ako. I’m at fault kaya kung sakaling may nangyari sa akin, kasalanan ko talaga yun.“Hindi na po mauulit Sir! Pasensya na po!” mahinang sabi ko ditoTumango si sir at dahil nailahad ko naman na ang schedule niya at naitimpla ko na din ito ng kape ay lumabas na ako ng opisina niya.I did my usual stuff at tahimik naman ang mundo ko not until dumating na naman sa opisina
ValeenHindi ako masyadong nakatulog kagabi kaya naman ang ending medyo sabog ang utak ko ngayong umaga.Kagabi ay ninakawan ako ng halik ni Drake! My first kiss na inaasam asam kong maging memorable sana pero ang hambog na si Drake lang pala ang magbibigay sa akin.Well smack lang naman iyon. Pero kahit na! Kiss paring matatawag iyon at nawindang ako to the point na halos hindi ako makagalaw dahil sa pangyayari.Nakangisi pa nga si Drake bago ko ito talikuran kaya lalo akong nainis. Baka akala niya tuwang tuwa ako sa ginawa niya. Napailing nalang ako at hindi ko nga namalayan ang pagdating ni Sir Marcus. “Good morning Val!” bati nito sa akin kaya bigla akong napatayo. Hinagilap ko ang calendar niya saka ako sumunod sa kanya dahil papasok na siya sa opisina niya“Good morning sir!” sagot ko naman dito “Marami ba akong schedule Val?” tanong niya sa akin“Dalawa lang po ang meeting niyo ngayon sir. Gusto niyo po bang ire sked or tawagan ko nalang si Sir Jonas?” tanong ko dito“ Call
SophiaUmagang umaga sira na naman ang araw ko dahil sa bwisit na bibig nitong Drake. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Alam ko at nararamdaman ko na hindi lang dahil sa itsura ko kaya siya ganyan. Bakit, ako lang ba ang pangit sa mundo? Kaya kahit ayaw ko siyang patulan ay napilitan ako dahil sa ugali niyang hindi maganda. Nakakahiya man sa boss ko at sa mga kaibigan niya ay wala naman akong magawa dahil napatulan ko na dala ng napikon ako.Kung sibakin man ako dahil dun, desiyon nila yan. Naramdaman ko na bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Marcus kaya napatingin ako dito at nakita ko na palabas na ang apat na kaibigan niya. Siguro tapos na ang meeting nila kaya paalis na rin ang mga ito.“We’ll go ahead, Val!” paalam sa akin ni Sir Lucian. Sa kanilang magkakaibigan siya ang nakikita ko na jolly type. Hindi kagaya ni Drake na seryoso sa buhay at parang pasan ang lahat ng problema sa Pilipinas.“Ingat po kayo, mga sir!” sagot ko naman di
Anton DrakeNakatitig lang ako sa magandang mukha ni Alie habang nag uusap kami ngayong gabi. Actually hindi ko akalain na makikita ko pa siya ngayon dito sa bar. Maaga akong tumamabay dito sa pagbabakasakali na makita ko uli ang babaeng gumulo sa mundo ko.I admit that I don’t do relationship things and stuff. Never akong nagkaroon ng commitment pwera nalang kung tungkol sa mga negosyong hawak ko.The Samaniego Corporation is a company that owns the largest airline in the Philippines. We also have the most number of real estate agencies and also numerous counts of condominiums and townhouses here and outside the Metro.May mga business din ako na kasosyo ko ang mga kaibigan ko at ang latest nga ay ang Bella Philippines na pinangungunahan ni Hendrix James Saavedra.Sikat ang Bella International sa US at naisipan itong dalhin ni Hendrix sa Pilipinas at naging mga co owners nga kaming magkakaibigan.Hindi ko nga alam kung anong mahika ang taglay ng babaeng ito at talagang hindi na siya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.