Share

Chapter 14

Valeen

“What are you doing here?” malakas ang boses ni Drake ng mabungaran niya ako sa pinto after he opened it.

Nakaramdam ako ng takot dahil na rin sa lakas ng boses niya pero pinakalma ko lang ang sarili ko.

“Inutusan po ako ni Sir Marcus na dalhan kayo ng gamot.” maiksing sabi ko at saka ko iniabot at dala ko

“Where is he?” nagtataka namang tanong nito

“Umalis po siya, kasama ung tatlong kaibigan niyo at si Sir Jonas.” nakayuko lang ako at hindi tumitingin kay Drake dahil nakakatakot salubungin ang mata niya

“May dala ka bang pagkain?” bigla ay tanong niya saka siya pumasok sa unit.

Hindi naman ako gumalaw at nanatili lang ako sa labas

“Ah opo sir. May pinabili po si Sir.” sagot ko naman.

Lumingon si Drake sa akin at nakita niya na nasa labas pa rin ako.

“ Are you just gonna stand there? Pumasok ka!” bulyaw niya sa akin kaya napapitlag naman ako at napilitang pumasok.

Pagpasok ko naman ay nakahiga na si Drake sa sofa. May mga kumot na nagkalat doon pati na mga damit na parang h
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status