Share

The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER
The Billionaire's Affair Bk. 3 BULLIED BY MY LOVER
Author: Lianna

Chapter 1

Simula

“You have to marry Allan, Valeen. Matagal na naming napagusapan yan ng parents niya.” malumanay ang boses ng daddy ko na sa Carlo Flores pero may diin

Alam ko na kapag ganito siya, kailangan kong sumunod sa gusto niya. But this time, hindi naman na yata tama! He is asking me to marry a person na hindi ko naman mahal.

Allan is one of my suitors and he is the son of my Dad’s bestfriend. I know it sucks dahil sa panahon ngayon, hindi na uso ang fixed marriage. 

“Dad I’m sorry! Hindi ko po kayang maikasal sa taong hindi ko mahal!” mahinang sagot ko dito

“Valeen, hindi na uso ngayon ang pagmamahal! Isa pa kilala mo mula pagkabata si Allan. Wala ka ng mahihiling pa sa kanya.

“Sorry Dad. Hindi ko po kaya!” sabi ko dito at saka ako tumayo para bumalik sa kwarto ko

“The wedding is set, Valeen. At hindi ko hinihingi ang approval mo. Don’t make me mad!” malakas ang tinig ni Daddy and it echoed in my ears. I know he is mad pero hindi ako papayag

Never…

Valeen

“Ay grabe! Hindi na kita makilala!” sinipat ko ang itsura ko sa salamin and I can say na talagang hindi ko na makita ang bakas ng dating Valeen Alicia Flores

Simula sa araw na ito, ito na ang bagong itsura ko. Kulot at makapal na buhok, makapal na kilay, thick eyeglasses na wala namang grado of course dahil perfect naman ang vision ko, bako bakong ngipin at higit sa lahat malaki at maluwang na damit

“Ang pangit ko!” natatawang sabi ko sa kaibigan ko na si Ozzy

Nakilala ko siya sa isang event held in Manila. We are both cosplayers at talagang nag click ang friendship namin kahit nasa Manila siya at nasa Davao ako.

Sa kanya ako nagpunta buhat ng takasan ko ang kasal na gustong mangyari ni Daddy. I don’t have any regrets dahil alam ko na mas pagsisisihan ko ang maikasal kay Allan Bermudez.

Tinulungan ako ng dati kong yaya na si yaya Nette para makaalis ako sa amin at tinawagan niya ang dati niyang alaga na ngayon ay isa ng sikat na businessman para maipasok ako ng trabaho.

Pinalabas namin na pamangkin niya ako and the rest is history. Three days na ako dito sa Manila at talaga namang nag practice ako para ma perfect ang bagong look ko.

Dito na ako pinatira ni Ozzy sa condo niya since mag isa lang naman siya dahil ulila na siya. I am so thankful na nakilala ko siya at naging kaibigan dahil may tumulong sa akin sa ganitong sitwasyon.

“Tanggapin ka pa kaya sa trabaho pag ganyan ang hitsura mo?” pang aasar sa akin ni Ozzy 

“Hindi ko din alam pero sa palagay ko tatanggapin naman dahil pinakiusap ako ni Yaya Nette.” pinapalakas ko lang talaga ang loob ko dahil ako man ay may doubt din sa sarili ko

This is the first time na makakaharap ko si Mr. Marcus Ace Thompson, ang magiging boss ko. Kailangan daw niya ng secretary kaya naman sakto lang ito para sa akin since nagtapos naman ako ng Business Course.

I emailed my resume and documents to him at sa tingin ko naimpress naman siya dahil pinapupunta na niya ako today. Well ewan ko na nga lang if mai impress siya sa hitsura ko.

“Tara na baka ma-late pa tayo!” aya ko dito dahil may pasok din si Ozzy ngayon.

She is working under the Finance Department ng isang malaking kompanya din sa Manila. Ihahatid niya muna ako bago siya pumasok sa office niya dahil mauuna naman naming dadaanan ang kumpanya ni Sir Marcus.

“Hoy goodluck ha! Kung may problema tawagan mo ako agad!” sabi nito sa akin ng pagkababa ko ng kotse

“I will sis! Salamat!” sagot ko naman sa kanya as I closed the car’s door

Kabado akong naglakad papasok ng office at gaya ng inaasahan ko, I saw the looks of the people na nakakasalubong ko habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na lang pinansin dahil kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga ganitong klaseng tingin. Yung tipong pag narinig ako na hindi maganda, ipasok sa isang tenga, ilabas sa kabila. 

This is much better than marrying Allan na kilala ko naman ang ugali. I don’t even know kay Daddy kasi kahit alam naman niya ang reputasyon nito ay pilit pa rin akong ipapakasal sa kanya. 

I made it clear from the very start na wala siyang aasahan sa akin. Na friendship lang ang kaya kong ibigay pero sige pa rin siya sa panliligaw.

Maybe because natapakan ko ang ego niya but sorry, hinding hindi ko papatulan ang katulad niyang mapaglaro sa babae. 

Narating ko ang opisina ni Sir Marcus na nasa topmost floor ng Thompson Group of Companies. Maaga pa naman ako kaya naupo muna ako sa labas dahil parang wala pang tao.

An hour has passed ng bumukas ang elevator kaya agad naman akong napatayo. Iniluwa noon ang isang lalake na aakalain mong God na bumaba mula sa Mt. Olympus with his three piece suit.

He is so freaking handsome! Siya na kaya si Sir Marcus?

The guy cleared his throat kaya naman napatuwid ako ng tayo at napakurap dahil nakatungaga na pala ako sa harap niya.

“Good morning po Sir!” sabi ko habang minumura ko ang sarili ko

Bakit ba hindi ko naisip na mag research tungkol sa magiging boss ko? Stupid Valeen!

“Are you Ms. Flores? Ang pamangkin ni Yaya Nette?” tanong niya sa akin habang hindi naaalis ang mata sa mukha ko

Napapikit pa ito ng ngumiti ako kaya naman alam ko na hindi niya nagustuhan ang hitsura ko.

“Yes sir! Ako nga po!” Napayuko pa ako dahil feeling ko ang pangit ko talaga sa paningin niya

“Wait for Marissa. Siya ang magtuturo sayo ng mga dapat mong gawin bilang secretary ko.” napaangat tuloy ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya

“Ibig pong sabihin, tanggap na po ako?” hindi makapaniwalang tanong ko

“Well Yaya Nette asked me to take you in kaya sige, pagbibigyan ko siya. And your papers are remarkable pero kailangan masubukan ko muna kung paano ka magtrabaho!” dagdag pa ni Sir Marcus

“Naku sir thank you po! Promise po hindi po kayo magsisisi. I will do my best po!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko and he just nodded

“Prove it then!” sabi niya at saka siya umalis sa harapan ko pero agad din akong nilingon

“Ganyan ka ba talaga manamit?” sabi niya sa akin sabay tingin sa suot ko

“Ah opo sir! Dito po kasi ako kumportable.” nahihiya namang sagot ko dito

He just nodded saka pumasok na sa opisina niya. Uupo na sana ako ng bigla naman lumabas sa elevator ang isang babae. Matangkad ito at morena. She have a long black hair na nakatali into a high ponytail.

“Good morning po ma’am!” Bati ko dito 

Ngumiti naman ito saka ako tinitigan from head to foot.

“Ikaw ba si Ms. Flores?” tanong niya sa akin “By the way ako nga pala si Marissa.”

“Opo Ma’am. Kayo po pala yung magtuturo sa akin?” tanong ko dito 

“Galingan mo at sana ikaw na nga ang makakapalit sa akin dahi malapit na akong umalis.” kwento niya saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya

“ Alam mo kasi, andami ko ng tinuruan pero walang tumagal. Strict kasi si boss pagdating sa trabaho. Metikuloso kaya dapat palaging maayos ang trabaho mo.” 

Tinuro niya ang upuan na nakaharap sa computer kaya sumunod naman ako.

She first taught me about the schedules of our boss. Kung paano ito iayos. Sinabihan niya din ako ng mga importanteng detalye tungkol sa boss namin.

“Okay, ito ang schedule niya for tomorrow. Now you fix it at ilagay sa calendar niya. If a new appointment should come, ilalagay mo yun one hour prior to the next appointment.” Turo niya sa akin saka ako iniwan

Sinimulan ko namang ayusin ang schedule ni boss at madali ko naman iyon nagawa. 

May mga nakita rin akong papers sa mesa kaya naman inisa isa ko yun at inayos. 

“Are you done?” sabi ni Ms. Marissa pagbalik niya 

She checked the calendar at tumango nalang ito.

“For a first timer, you did well!” sabi niya

“ Bring those papers para mapirmahan ni Sir.” 

I grabbed the papers na inayos ko kanina at saka ako sumunod kay Ms. Marissa na may dala namang kape. Ituturo daw sa akin mamaya ang paggawa ng kape ni Sir at ang oras kung kailan ito dadalhin.

Nasa mesa naman si sir Marcus at may binabasa sa laptop niya.

“Your schedule sir!” sabi nito and Sir Marcus just nodded

Sinimulang basahin ni Ms. Marissa ang schedules at mukha namang aprubado kay sir dahil wala siyang pinabago.

“Naturuan mo na ba yan?” tanong niya kay Ma’am habang pinipirmahan ang nilapag ko na papeles

“Well for a first timer, I can say that she is good. Madali po siyang turuan.” natuwa naman ako sa komento ni Ms. Marissa

“Kailangan lang ayusan!”dagdag pa nito kaya naman napalitan ng lungkot ang tuwa ko

Pero hindi ko naman sila masisi. Hindi naman nga kasi maganda ang itsura ko.

“Good morning bro!” narinig ko naman ang tinig na iyon sa likuran ko. Napalingon pa ako at nakakita ata ako ng kalahi ni Sir Marcus. 

He is drop dead gorgeous! Tao ba to?

“What the f**k!” sigaw naman nito ng magawi ang tingin niya sa akin na parang nakakita ng multo

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status