Share

Chapter 7

Sophia

Umagang umaga sira na naman ang araw ko dahil sa bwisit na bibig nitong Drake. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. 

Alam ko at nararamdaman ko na hindi lang dahil sa itsura ko kaya siya ganyan. Bakit, ako lang ba ang pangit sa mundo? 

Kaya kahit ayaw ko siyang patulan ay napilitan ako dahil sa ugali niyang hindi maganda. Nakakahiya man sa boss ko at sa mga kaibigan niya ay wala naman akong magawa dahil napatulan ko na dala ng napikon ako.

Kung sibakin man ako dahil dun, desiyon nila yan. 

Naramdaman ko na bumukas ang pinto  ng opisina ni Sir Marcus kaya napatingin ako dito at nakita ko na palabas na ang apat na kaibigan niya. Siguro tapos na ang meeting nila kaya paalis na rin ang mga ito.

“We’ll go ahead, Val!” paalam sa akin ni Sir Lucian. Sa kanilang magkakaibigan siya ang nakikita ko na jolly type. Hindi kagaya ni Drake na seryoso sa buhay at parang pasan ang lahat ng problema sa Pilipinas.

“Ingat po kayo, mga sir!” sagot ko naman dito

Derederetso naman si Drake sa elevator at halatang inis na inis sa akin. Hawak nito ang phone niya at tila may tinatawagan.

Napangisi ako dahil alam ko na ako ang tinatawagan niya. 

‘mapupudpod ang daliri mo, hindi mo ako makokontak!’ sigaw ng utak ko

Napangiti ako sa ginawa kong kagagahan kagabi. Alam kong delikado iyon pero nagpapasalamat pa rin ako na umayon ang lahat sa plano ko.

Tawa nga ng tawa si Ozzy kanina habang kinekwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. 

“Tatakamin ko lang naman siya, sis. Akala mo naman kasi lahat ng gusto makukuha!” sabi ko pa kay Ozzy

“Mag-ingat ka pa din sis ha. Baka mamaya ikaw ang matalo diyan sa laro mo!” babala niya sa akin kay lalo akong natawa

“Hindi mangyayari yun sis. Trust me!” I assured her

Nakaramdan nga lang ako ng lungkot kasi next week aalis na siya. Matagal na din pala siyang nagbigay ng resignation letter sa office pero pumapasok pa rin siya para i-train ang papalit sa kanya.

Medyo napitlag pa ako ng tumunog ang intercom at tinig iyon ni Sir Marcus. Nakaramdam naman ako ng takot. Ito na ba yun? Sisibakin na ba ako ni sir?

Kumatok muna ako at ng marinig ko ang tinig niya ay pumasok na ako.

“May kailangan po kayo sir?” tanong ko dito

“Ah yes! Actually birthday ng Daddy ko three days from now. Sa Thompson mansion iyon gaganapin and I want you to book the services needed for the event.” sabi sa akin ni Sir. Napahinga ako ng malalim kaya naman napatingin sa akin si Sir

“Are you okay?” Sir Marcus asked and I nodded

“Okay lang po ako sir, ninerbiyos lang po ako kasi akala ko sisisantehin niyo po ako.” 

“And why would I do that?” tanong pa nito sa akin

Napakamot ako ng ulo ko dahil nahihiya talaga ako sa ginawa ko kanina kay Drake.

“E kasi po, pinatulan ko si Sir Drake! Sorry po talaga, Boss. Kasi naman po hindi ko talaga maintindihan ang galit niya sa akin!” tila batang sumbong ko dito

Napasandal tuloy si Sir sa swivel chair niya saka tumingin sa akin.

“Well actually hindi ko gusto ang ginagawa niya kaya naman palagi kong pinagsasabihan.” tumigil ito at napayuko ako 

“I just expect you to tolerate him more. Wag mo na lang patulan and don’t worry, if he goes overboard ako na mismo ang sasapak sa kanya.” pangako ni Sir

“Salamat po Boss. Pasensya na din po kayo. Masakit lang po kasi minsan sa pandinig ang mga sinasabi niya. Hindi ko naman po kasalanan kung pangit ko ako.” 

“Hey, you are not ugly! Kulang na kulang ka lang sa pag aayos! Why don’t you try to go to a salon! Pa straight natin yang buhok mo. And maybe wear contact lens rather than thick glasses.” he suggested kaya napailing ako

“Ah no Sir! Salamat na lang po. Dito po kasi ako kumportable talaga Sir!” pakisuap ko dito

Hindi ko kailangan ng make over kasi nga nagtatago ako!

“Titiisin ko na lang po ang panlalait ni Sir Drake! Promise po,” I put my right hands para manumpa kay sir “hindi ko na po papatulan si Sir Drake!”

Natawa naman si Marcus sa sinabi ko.

“Okay, Val, relax! Hindi kita pipilitin kung ayaw mo!” Nakangiting sabi ni Sir. 

Ang swerte ng girlfriend ni Sir kasi mabait naman talaga ito. Well nadinig ko kasi na may girlfriend na ito sa wakas. Tapos na daw ang pagiging naughty boy niya.

Ang alam ko pati din si Sir Hendrix ay natagpuan na ang babaeng makakapag patino sa kanya. 

Eh eto kayang si Drake? Naku goodluck sa babaeng gugustuhin niya. 

Teka, ako ata yun ah?!

Ay kahit anong mangyari, hindi ko magugustuhan ang hambog na ito. At gaya ng pinangako ko, sa twing aapihin niya ako gagantihan ko naman siya. 

Tignan natin kung hindi siya masiraan ng ulo!

Bumalik na ako sa table ko para maischedule ang party ng Daddy ng Boss ko sa mga services na kailangan namin.

Binigay na sa akin ni Sir Marcus ang listahan ng mga kailangan kong kontakin.

May napili na si Sir na catering services at kailangan ko lang ipa book yun. 

Tinawagan ko na din ang mga mag aayos sa mansion. I even contacted a violin player dahil iyon daw ang gusto ng matandang Thompson.

Pagdating ng lunch ay pinaorder na ako ni Sir Marcus ng pagkain namin. Dito na siya nag lunch sa office dahil mamaya pa namang hapon ang appointment niya. So masaya namam ako kasi nakalibre ako ng tanghalian.

Pagdating ng hapon ay paalis na din si Sir Marcus kaya naman hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin niya. Kasama niya sa meeting si Sir Jonas at sinabi niya na dumito na lang ako sa office.

Alam ko naman na ayaw lang ni Sir na makarinig pa ako ng harsh words galing sa ibang tao kaya naman ang isang assistant niya na si Sir Jonas ang palagi niyang kasama.

May pinapirmahan muna ako bago niya ako inutusang magpa reserve ng dinner sa isang restaurant. 

Balak daw nilang mag dinner sa labas na magkakaibigan kaya naman gumana na naman ang kalokohan ko.

Kailangang magkita ulit mamaya si Drake at si Alie.

****

Pagkatapos ng office hours ay nagmamadali na akong makauwi. Kailangan kong maghanda dahil seven PM ang reservation ng Boss ko sa Le Chataeu Restaurant.

“Gaga ka talaga! Sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong sa akin ni Ozzy habang tinutulungan akong mag ayos

“Oo naman Ozzy! Sure ako!” sabi ko naman saka ko hinagilap ang handbag ko

“Tumawag ka if something happens!” bilin pa nito sa akin

“I will!” sabi ko naman dito

Nasa baba na ang taxi na binook ko at pagkasakay ko ay dumeretso na ako sa restaurant.

Kailangang mauna ako doon bago sila dumating.

Pagdating ko sa lugar ay wala pa naman ang Boss ko at ang mga kaibigan niya. I said my reservation at agad naman ako inassist ng waiter.

Sinabi ko ang order ko at habang hinihintay ko iyon ay painom inom muna ako ng wine.

Mga seven thirty ng dumating sila Sir Marcus at kunwari ay hindi ko sila napansin. Patapos naman na akong kumain at inuubos ko na lang din ang wine ko. 

Medyo malayo sila sa akin kaya napagmasdan ko pang mabuti si Drake. Actually gwapo naman talaga siye eh, maaskad lang ang ugali!

Nang maubos ko ang wine ko ay tinawag ko na ang waiter at nagbayad na ako. I took a deep breath saka ako nagsimulang maglakad ng dahan dahan para masigurong makikita ako ni Drake.

Malapit na ako sa pinto ng marinig ko ang boses nito.

“Alie!?” 

Kunawari ay lumingon pa ako at hinanap kung saan galing ang boses na yun and I acted surprised ng makita ko na palapit si Drake sa akin.

“Drake?”

“Hi! What are you doing here? Are you with someone?” tanong ni Drake na medyo inilibot pa ang mata para siguro matiyak kung may kasama ako o wala.

“Actually nag iisa lang ako! Ikaw? Are you with your date?” 

“No! No! I’m with my friends! Nagkayayaan lang mag-dinner!” defensive naman agad ang lalaking ito

“Oh I see! Sige I’ll go ahead! Enjoy your dinner!” Sabi ko pa dito pero hinawakan niya ang braso ko

“Please, stay? I really want to get to know you better!” sabi niya

“Pero may kasama ka diba?” kunwaring tanggi ko naman dito

“Gusto mo bang ipakilala kita sa kanila?” pagpupumilit niya pero tinapik ko ang kamay niya

“Maybe next time! I really have to go!” 

“Please?” aba ewan ko naman sa puso ko kung bakit parang tambol na naman ito sa lakas ng tibok niya

Napahinga ako ng malalim then I looked at him.

“ Okay! Pero hindi ako pwedeng magtagal!” sabi ko dito and he nodded

Inakay niya ako sa table nilang magkakaibigan at lahat sila ay napatanga pagkakita sa akin.

“Guys! I want you to meet Alie! Yung nasa bar? Remember?” narinig kong sabi ni Drake. Pagkatapos ay isa isa niyang pinakilala ang mga kaibigan niya

“Good evening po!” bati ko kaya naman sumimangot sila

“Hindi pa kami ganun katanda para gamitan ng Po!” nakangiti naman si Sir Hendrix at hindi naman ata galit

“Oh! So siya pala si Cinderella!” natatawang banat ni Sir Lucian kaya nagtataka akong napalingon kay Drake

“Don’t mind him!” tukoy nito kay Lucian 

“Join us, Alie!” Sir Marcus offered pero tumanggi ako

“Actually pauwi na din kasi ako. Maybe next time!” sabi ko sa kanila at halata naman ang lungkot sa mukha ni Drake

“I’ll go ahead!” sabi ko pero sumunod naman si Drake para ihatid ako sa labas

“We keep on bumping into each other, don’t you think that maybe this is fate?” tanong niya sa akin

“I’ll call you, Drake!” sabi ko saka ko uli siya dinampian ng halik sa pisngi pero iniwas niya ang kanyang pisngi kaya sa labi tumama ang halik ko

‘oh no! Ano ba itong napasukan ko!’

‘s**t! That is my first kiss!!!

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status