Share

Chapter 6

Anton Drake

Nakatitig lang ako sa magandang mukha ni Alie habang nag uusap kami ngayong gabi.

Actually hindi ko akalain na makikita ko pa siya ngayon dito sa bar. Maaga akong tumamabay dito sa pagbabakasakali na makita ko uli ang babaeng gumulo sa mundo ko.

I admit that I don’t do relationship things and stuff. Never akong nagkaroon ng commitment pwera nalang kung tungkol sa mga negosyong hawak ko.

The Samaniego Corporation is a company that owns the largest airline in the Philippines. We also have the most number of real estate agencies and also numerous counts of condominiums and townhouses here and outside the Metro.

May mga business din ako na kasosyo ko ang mga kaibigan ko at ang latest nga ay ang Bella Philippines na pinangungunahan ni Hendrix James Saavedra.

Sikat ang Bella International sa US at naisipan itong dalhin ni Hendrix sa Pilipinas at naging mga co owners nga kaming magkakaibigan.

Hindi ko nga alam kung anong mahika ang taglay ng babaeng ito at talagang hindi na siya nawala sa isip ko.

“Care to tell me more about yourself?” tanong ko kay Alie na tahimik lang naman habang umiinom

“Well, I live here alone in Manila. Umalis ako sa poder ng Daddy ko due to a misunderstanding.” kwento niya sa akin

“Do you work here? I mean, pwede kang mag work for me if you like?” Alok ko sa kanya since makakabuti iyon dahil palagi ko siyang makikita

“May trabaho na ako, Drake.”

“May I know where?” tanong ko ulit

“Nope!”

“Why not?” I don’t know but I feel na may tinatago sa akin si Alie dahil na din sa mga sagot niya

“Because I just met you, that’s why!” sagot niya sa akin

“You don’t trust me?” I asked

“Should I?” tanong niya din sa akin

Napailing ako. Actually hindi ko naman kailangan magpakahirap ng ganito. There are many women out there that are ready spread their legs infront of me but this time I don’t know.

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang kagustuhan ko na makilala si Alie. There is really something in her, it’s like a force that keeps drawing me to her.

“You can trust me, Alie! Hindi naman ako masamang tao.” she smiled sheepishly

“Pero babaero?”

“Hey! That’s not true!” Depensa ko kaya natawa siya

“C’mon Drake! Everybody knows that , and I’m sorry, I’m really not that type of girl, if you know what I mean.” she honestly said at para naman akong nasaktan sa sinabi niya.

She made it look like I only want her in my bed. Pero the hell, totoo naman kasi yun. Ganun kaming magkakaibigan. We don’t go for serious relationships. Puro lang kami one night stands pagdating sa babae.

Well si Marcus mukhang nahanap na niya ang babaeng makakapagpabago sa kanya. He met Blanca dela Riva and I can say that she made a big change on Marcus’ life. Hendrix also has Sophia, ang babaeng matagal niyang inalagaan sa puso niya at ngayon ay girlfriend na niya.

“I know you are different Allie. Kaya nga kita hinahanap. Kasi alam ko na iba ka.” Paliwanag ko sa kanya and she just laughed.

She placed her elbow on the table and rested her chin on it.

“How did I become different? Hindi ba pare pareho lang ang mga babae sa inyo?” tanong niya sa akin

“I can’t explain it, Alie. Basta ang alam ko nung una kitang makita, iba ka. That I really wanted to know more about you.”

“Ah! Okay!” maiksing sagot ni Alie and she just shrugged her shoulders

“So naglayas ka pala? Bakit mo ginawa yun?” tanong ko uli. Hanggat maari kasi ayaw kong mawalan kami ng pag uusapan dahil baka bigla siyang umuwi.

Gusto ko pa siyang makausap. I want to know more about her.

“Too personal!” tumango na lang ako.

The way I see her, hindi pa siya komportable sa akin para magkwento about her life

“So hindi ka talaga taga dito sa Manila?”

“Yup! Pero hindi ko sasabihin kung taga saan ako!” napailing na lang ako. Hahayaan ko na lang muna siya sa ngayon pero sisiguraduhin ko na magkikita uli kami

“Okay! That’s your call. But I hope pede tayong magkita uli.” sabi ko sa kanya while looking in her eyes

Damn! She is really beautiful! I have known many beautiful woman in my life, but she is different. Idagdag pa siguro ang pagiging misteryosa niya kaya lalo akong nahuhumaling sa kanya.

“Depende! Kung magkikita ulit tayo gaya ngayon, why not!” she smiled and I swear my heart turned over pagkita ko sa mga ngiti niya

“I mean, can I ask you out sometime? Dinner, movies?”

“Parang date?” she asked and I nodded. If she wants to call it that way, so be it.

“Kung hindi ako busy, why not!” she said

“That would be great!” pinigil ko pa ang sarili ko na mapatalon sa sobrang saya

She got her phone and she asked for my number at ibinigay ko naman iyon sa kanya.

“I’ll call you!” sabi niya at saka siya sumenyas sa waiter para magbayad

“Hey! I got this!” tumango ako sa bartender at naintindihan na niya iyon.

Jackson, the owner of this bar is my friend at kasosyo ko din. I also own this bar pero hindi ko na lang sinabi kay Alie.

“Thanks!” sabi lang niya at saka siya tumayo “I’ll get going!”

“Wait Alie!” Napatayo ako bigla sa narinig ko. “Ihahatid na kita!”

“No! Wag mo akong susundan Drake! If you really want to see me again, you will wait. I will call you, okay!” sabi nito kaya halos mapanganga ako

‘ano daw?’

Lumapit siya at halos hindi ako makahinga when he kissed me on my cheeks. The scent of alcohol and her perfume caught my nerves to the point na natulala ako.

“Trust me Drake, it’s better this way!” bulong niya sa akin

Naglakad siya palabas ng bar at wala akong nagawa kung hindi ang ihatid siya ng tanaw.

Ayokong sundan siya dahil baka magalit siya sa akin at hindi ko na siya makita ulit.

Damn this girl! She is starting to make me crazy.

*****

Dumaan ako sa opisina ni Marcus kinabukasan dahil nandoon ang mga kaibigan ko. May kailangan kasi kaming pag usapan tungkol sa isang negosyo namin.

Pagpasok ko sa opisina ni Marcus ay nandun na sila. Agad naman akong naupo while their eyes darted at me.

“What?” tanong ko sa kanila while staring at their faces

“Nakita mo ba si Cinderella?” tanong ni Marcus sa akin kaya napailing na lang ako

“Her name is Alie! And yes nagkita kami kagabi sa bar!” sagot ko kaya napahiyaw silang apat

“How did it go?”

“Not good!” Amin ko sa kanila at saka ko kinwento sa kanila ang buong pangyayari

“Oh f**k! Baka naman may asawa na yun bro! Kaya nagtatago!” sabi ni Lucian at hindi ko maiwasang kabahan

“Yeah! Yung tipong don’t call me, I’ll call you! Malamang may asawa yan!” pagsang ayon naman ni Xavier

“Hindi naman siguro bro! I don’t know! Naguguluhan din ako!” I was really frustrated already lalo pa at hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip ko kay Alie.

Nararamdaman ko pa ang halik niya sa akin and I feel na mababaliw ako kapag hindi ko siya makita uli

“So iintayin mo na lang kung kailan ka tawagan?” tanong ni Hendrix and I nodded

Kailangan kong sumunod kung gusto ko siyang makitang uli. Ni hindi nga niya sinabi sa akin kung ano ang buo niyang pangalan eh.

Napahinga ako ng malalim at lalong nasira ang araw ko ng makita ko na naman ang sekretarya ni Marcus.

May dala siyang kape para sa amin and hindi ko talaga matagalan na makita ang mukha niya.

“Thank you, Valeen!” Narinig kong sabi ni Hendrix dito

“Walang anuman po Sir!” masayang sagot nito

“Kuhang kuha mo na ang timpla namin ha! Salamat!” sabi naman ni Lucian kaya napikon na naman ako

Bakit ba kailangan nilang bigyan ng ganitong atensyon ang babaeng ito.

“Kape lang yan! Kahit bata makakapag timpla ng ganyan! Kaya lumalaki ang ulo niyan eh, inuuto niyo!” sita ko sa mga kaibigan ko

“Ayan ka na naman! Masama na bang magpasalamat ha?” sita naman sa akin ni Lucian

“That’s her job anyway!” sabi ko saka ako naupo sa sofa

Kukunin ko sana ang kape ko pero binawi naman iyon ni Valeen.

“Hey!” Sita ko dito pero hindi niya ako pinansin

“Humanap ka po ng batang magtitimpla ng kape mo!” inis na sabi niya at saka ito lumabas ng opisina ni Marcus

Napatinigin ako kay Marcus at hinihintay ko na pagsabihan niya ito pero hindi naman ito kumibo at nagpatuloy lang sa pag inom ng kape.

“Seriously bro? Ni hindi mo pagsasabihan yung sekretarya mo!” inis na tanong ko dito

“She is right bro! Konting appreciation lang naman. Wala siyang ginagawa sayo, bakit ba inis na inis ka sakanya?” tanong sa akin ni Marcus

Natahimik na lang ako. Hindi din naman nila maiintindihan ang dahilan ko kung bakit mabigat ang loob ko kay Valeen. And I really don’t want to talk about it now.

Sinimulan na naming pag usapan ang tungkol sa negosyo pero wala naman halos pumapasok sa utak ko dahil okupado ito ni Alie.

Hindi na maganda ito! Am I already whipped?

Well I think it’s not bad. Nasa tamang edad naman na ako and I think it’s time to get serious. Pero paano ko naman gagawin yun kung ganito ang sitwasyon namin.

Is this my karma? Dahil wala talaga akong sineryosong babae noon?

Umilaw ang phone ko tanda na may pumasok na message at muntik ko pang mabitawan iyon ng mabasa ko ito.

‘Hi Drake! This is Alie. I hope you have a great day! Always smile.’

I dialled her number pero unattended naman ito. Just what the heck? Ano ba talaga ang tinatago ng babaeng ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status