Share

Chapter 2

LUMIPAS ANG isang buwan bilang magkasintahan sina Zahra at Clyde. At sa loob ng isang buwan na 'yun ay puno ng kasiyahan ang tanging naramdaman ni Zahra. Para sa kanya ay isang tamang desisyon ang kanyang ginawa. Ang mahalin si Clyde Villasis.

"My unica hija is blooming. May nagpapatibok na ba sa aming prinsesa?" tanong ng kanyang mommy ang nagpabalik sa kanyang sarili.

"Mom." Tumayo siya upang humalik sa pisngi ng mommy at daddy niya na hindi niya namalayan na naroon na. "Porket blooming dapat may reason?"

"Of course. Pinagdaanan ko na 'yan kaya alam ko," nakangiting tugon ng mommy niya, maging ang kanyang daddy na napapailing na naupo at sinulyapan siya ngunit nginitian lamang siya. As always. Ganun talaga ang kanyang daddy kaya marami ang natatakot rito pero sobrang lambing nito sa kanya.

"Mom!"

"What? There's nothing wrong with that. Wala naman masama magmahal just to make sure he is worth it."

HANGGANG sa opisina ay hindi mawala sa isipan ni Zahra ang huling sinabi ng ina. She knows that Clyde is worth it for her trust and love. Alam niyang hindi niya pagsisisihan na minahal ito.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as head of accounting sa kanilang kumpanya. Ang sabi kasi ng kanyang mga magulang ay dapat na magsimula siya sa baba na hindi nila basta-basta ipapasa sa kanya ang pagiging ceo ng kumpanya na wala siyang napapatunayan. And she was okay with it. She was really proud of her parents. Napakabuti ng mga ito kaya naman mahal na mahal sila ng kanilang mga empleyado. Minsan na niya kasi narinig na nagkwekwentuhan ang ibang empleyado nila at tanging mabuting mga salita ang kanyang narinig.

"Good morning Miss Baek," bati ng kanyang personal assistant ang nagpabalik sa kanyang sarili.

"Goodmorning, Essa," balik-bati niya rito.

"Ang lalim 'ata ng iniisip mo?" tanong nito.

Napangiti na lang si Zahra. Bukod kasi sa personal assistant niya ito ay malapit na kaibigan niya pa. "Wala, ginawa mo ba ang pinapagawa ko?"

Lumapit si Essa sa table niya at may inilapag sa ibabaw ng lamesa. "Siyempre naman. I'm happy for you. Sabi ko na, eh. You can't resist his charm. Kung hindi ka lang lamang sa akin ng tatlong paligo hindi ako magpaparaya."

"Loka!" Aniya rito. Alam niya kasi na may crush ito kay Clyde at hindi naman nito tinanggi 'yun. Kaya nang sabihin niyang nanliligaw ang binata sa kanya ay para itong pinagbagsakan ng langit. Sorry na lang ito dahil mas pa sa mas siya! "Siya kaya ang 'di maka-resist sa aking kagandahan." She flipped her hair na ikinaikot na lang ng mga mata ni Essa.

"Whatever, miss Baek. Your afternoon is free, pwede ka na magpaturok esteh makipag-date," biro ni Essa sa kanya.

"Pag-inggit, pikit," ganting biro niya at kinuha ang folder na inilapag nito. Nakita niya pa ang pag-irap nito bago siya iniwanan.

"HI cupcake."

Napaangat ang tingin ni Zahra mula sa kanyang cellphone nang marinig ang boses ng kasintahan.

"Hi bunny," nakangiti niyang bati. Clyde kissed her on the lips.

"Kumusta ang araw mo?" tanong nito saka siya inalalayan na maupo muli. Kasalukuyan kasi siyang naghihintay sa restaurant na pinagtatrabahuhan ng kasintahan. Bilib din siya rito dahil ang daming alam na trabaho.

"Just fine… I miss you," nahihiya niyang sambit sa mahinang boses. Narinig niya ang pagtawa nito kaya inirapan niya ito.

"My cupcake.. I miss you more." Kinilig siya sa sagot nito. "Ang aga mo naman mamaya pa labas ko, absent kasi 'yung isa namin kasamahan kaya ayun kailangan ko pang mag-stay."

Dahil sa narinig ni Zahra ay napalabi siya. Mahalaga ang araw na ito dahil ito ang unang monthsary nila. Pero wala naman siya magagawa dahil nagtatrabaho ang kasintahan. Ayaw kasi nito sa inaalok niya na maging personal bodyguard niya. Ang sabi nito ang panget tingnan daw. At gusto nitong patunayan na kaya siyang buhayin nito sa sariling paraan.

"Pina-cancel mo ba mga appointment mo?" Napatango siya sa tanong ni Clyde. "Oh, hindi ko alam na ganyan mo ako kamiss, cupcake," malanding tugon ni Cyde saka kinagat ang ibabang labi na ikinapang init ng mukha ni Zahra.

"Hindi 'no!" mabilis niyang tanggi. "Ano lang kasi ..uhmmmm…ano kasi," hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin. Mukhang wala naman ideya ang lalaki sa kung ano meron sa araw na 'yun.

Nagtatanong siyang tiningnan ni Clyde. Pero wala namang lumabas sa bibig nito kundi ang pagsilay lamang ng nakakalokong ngiti.

"Kaya mo pa ba akong hintayin kahit mga dalawang oras. Gagawan ko ng paraan. Alam mo naman na pagdating sayo nanginginig na ako," sabay nakaw nito ng halik sa kanyang mga labi. Napailing na lang siya saka tumango. Nasundan na lang niya ng tingin ang kasintahan. Wala siyang pagsisisi sa lalaking minahal. Sa lalaking muling nagturo sa kanya na magtiwala. Sa lalaking alam niyang hindi siya iiwanan at pababayaan.

"Magandang umaga, magandang binibini," bati kay Zahra ng isang waiter na ngayon niya lang nakita. Kung sabagay baguhan palang si Clyde sa restaurant na 'yun pero mataas na ang position nito.

"Yes."

"Pinapahatid po pala ni master Clyde." Nagsalubong ang mga kilay ni Zahra sa itinawag ng lalaki sa kanyang kasintahan. 'Master' talaga lang, ah. "Pinapasabi din po niya na isang oras na lang po ang inyong hihintayin at makakasama n'yo na raw po siya. Dessert muna raw po kayo, siya mismo ang may gawa niyan. Ako nga po pala si Jack, at your service." Napapantastikuhan tiningnan ni Zahra ang lalaki dahil bahagya pa itong yumukod sa kanya—Pagbibigay galang.

May nais pa sana siyang itanong ngunit tumalikod na ito at umalis. Nasundan niya na lang din ng tingin ito. Ang tangkad nito ay 'di nalalayo kay Clyde. Blonde ang buhok nito na halatang may lahi. And the way he speak tagalog, ok naman pero halatang may accent. Ang alam niya ay may lahi ang kasintahan dahil ang napangasawa ng ina nito ay isang italyano. Ngunit sa pagkakaalam niya rin ay patay na ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente na ikinasawi ng dalawa.

Ang tanging kasama nito sa buhay ay ang tiyahin at tiyuhin nito na talaga namang minahal daw ito. Kaya naman todo kayod ito upang mabigyan ng magandang buhay ang mag-asawa.

Bakit parang ang weird naman kumilos ng lalaking nangangalang 'Jack'? Nalipat ang tingin ni Zahra sa inilapag ni Jack. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Napaka-sweet talaga ni Clyde kaya naman masisisi n'yo ba siya kung mahulog siya nang tuluyan?

It was a chocolate cupcake na nilagyan ng design sa taas. Design na nakasulat ay 'mahal kita'. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at kinuhanan ito ng litrato. Ilng shot pa ang kanyang kinuha bago niya na pagdesisyon na huminto na sa pagkuha ng litrato. Sigurado mamamatay na naman sa inggit si Essa kapag pinakita niya ito. Well, she doesn't care.

Masaya niyang kinain ang nasabing cupcake habang iniisip kung ano ang magandang gawin sa kanilang unang buwan bilang magkasintahan. She can't wait.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status