Share

Chapter 56

"CLYDE, Lorenzo… is my half-brother. Kadugo ko siya, kapatid ko siya."

Nabingi yata si Clyde sa binitiwang salita ni Zahra. Ano na naman kalokohan 'to? Hindi na ba matatapos ang mga pasabog sa buhay nila?

Nagtagis ang bagang niya saka sinulyapan ang kanyang mga magulang. Gusto niya marinig mula sa mga 'to ang katotohanan. Kaya ba umiiyak ang mama niya? Bigla nalipat ang tingin niya kay Mrs.Baek. Kung ganoon, ito ang tunay na Ina ni Lorenzo. Pero paano nangyari 'yon? Nasa poder nina Uncle Ergon ang tunay nitong Ina saka…

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya kasabay ng pagsabunot sa kanyang buhok. Kung wala lang siyang sugat na iniinda baka kanina pa siya nagwala na naman.

"What are you saying, Zahra? Paano mo naging kapatid si Lorenzo? Hindi mo tunay na Ina si Mrs. Baek?" tanong niya. Pwede rin naman 'yon.

Namayani ang katahimikan na mas lalong nagpapainit sa ulo niya. Nabitin na nga siya kanina tapos heto pa ang isasalubong.

"Wala bang magsasalita? Magpapaliwanag kung paano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status