Share

Chapter 3

ISANG oras nga lang ang hinintay ni Zahra at naglalakad na palapit sa kanya ang kasintahan. Napaka gwapo talaga nito kahit sa simpleng jeans at white na t-shirt na pinaresan ng itim na rubber shoes. Kaya hindi niya masisisi ang mga kababaihan na sulyapan ang kasintahan.

"I'm sorry at pinaghintay kita." Hinalikan siya nito sa labi na ikangiti niya. Lalo nang makita niya ang paglukot ng mga mukha ng mga babaeng tulo laway na sa kasintahan.

"Ok lang. Pero sigurado ka na ayos lang sila. Sabi mo kanina merong absent sa inyo? Baka bukas wala ka ng trabaho?" nagdududang tanong niya.

Nginitian siya ni Clyde na ikinalabas ng mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Kakaiba talaga ang binata. Malakas ang dugo ng tatay nito. Dahil wala man siyang makitang kahit na anong pagkakakilanlan nito bilang isang Pilipino. Nagdududa tuloy siya kung kalahating pinoy ba talaga ito.

"No worries cupcake, everything is under control. Takot lang nila sa'kin," sabi nito na sinabayan pa nang bahagyang pagtawa. Kaya naman napataas ang isang kilay ni Zahra. "My cupcake….you know that you go first, right?"

Kinilig si Zahra sa binulong ni Clyde at pasimpleng kinurot ito sa tagiliran. "Halika na nga at baka mapuno pa ng langgam ang restaurant sa ka sweet-an mo," ganting biro niya rito.

Natatawa naman si Clyde na inalalayan siyang tumayo. Kinuha pa nito ang kanyang sling bag at isinukbit sa braso nito saka nito pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Tuluyan nang sumilay ang ngiting kanina pa pinipigilan ni Zahra.

Wala kasing kaarte-arte ang kasintahan. Sino pa ba ang lalaking gugustuhin dalhin ang bag ng kasintahan lalo na sa laki ng katawan nito.

Taas-noo namang naglakad si Zahra. Gusto niyang ipakita sa mga babaeng naglalaway sa kanyang kasintahan na pagmamay-ari niya ito. Siya lang at walang iba.

Tinanguan ni Clyde ang isang lalaki na nag-se-served sa isang table na madadaanan nila.

"Ingat ka, master."

Napailing si Clyde nang marinig ang boses nung nangangalang 'Jack'.

"Master, huh," panunudyo ni Zahra nang makalabas sila sa restaurant at kasalukuyang naglalakad patungo sa kanyang kotse.

Tumawa si Clyde. "Hindi ko alam bakit master nang master ang isang 'yun. Pero maaasahan talaga siya at nakagaanan ko agad ng loob. Kaya kung doon siya masaya sa pagtawag ng master sa akin. Ok lang. Napapakinabangan ko naman." Kinuha nito ang susi kay Zahra at pinagbuksan ng pintuan. Mabilis rin itong umikot upang magpunta sa driver's seat.

"Basta mag-iingat ka. Huwag ka masyado magtiwala at baka may ibang plano sayo. I'm not against him. Mukhang mabait naman tapos gwapo-"

"What?!"

Napakurap si Zahra kapagkuwan ay dumako ang tingin sa katabi dahil sa paglakas ng boses nito.

"Mas gwapo sa akin?" May himig nang pagka disgusto sa boses ni Clyde.

Nagsalubong ang mga kilay ni Zahra. 'Seloso,' sa isip niya.

"Bunny..." Nakita niyang mas sumimangot ito. "Huwag ka nang magselos. Yes, he is but.." Inunahan niya na at baka ano na naman isipin nito. "...You are more handsome. Ikaw ang pinakagwapo sa aking mga mata."

Napairap na lang si Zahra nang matamis na ngumiti ang Kasintahan. Ngiting tagumpay ba. Clyde gave her a quick kiss on the lips saka nito pinaandar ang sasakyan palabas ng restaurant.

"Where are we going?" tanong ni Clyde sa kanya.

Wala siyang plano. Gusto niya lang makasama ang kasintahan sa mahalagang araw na 'yun na mukhang nakalimutan nito. Nagkunwari siyang nag-iisip. Pero napalingon siya nang pumasok ang kotse nila sa isang Nlex. Kaya naman nalipat ang tingin niya sa kasintahan.

"Where are we going?" Ngayon ay siya na ang napatanong rito.

"You don't have a plan? Well, I have." Nginisihan siya nito at pinagpatuloy ang pagmamaneho sa kung saan na hindi niya alam.

"What plan, bunny?" Usisa niya.

"Just wait and see, cupcake. Tulog ka muna, gisingin kita kapag malapit na tayo, hmmm."

Gusto pa sana niya magtanong pero mukhang wala na itong balak na sagutin siya dahil binuksan nito ang stereo ng kotse at nagpatugtog.

NAALIMPUNGATAN si Zahra nang maramdaman ang pag-angat niya mula sa upuan ng kotse. Pero pinanatili niyang pikit ang mga mata. Hindi niya alam kung gaano katagal sila nagbyahe dahil nakatulog siya.

Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Nanatili siyang nakapikit kahit gustong-gusto na niyang imulat ang mga mata at ikawit ang mga braso sa leeg ng kasintahan na sigurado siyang may buhat sa kanya.

Naramdaman niya ang malambot na kama.

"I know you're awake, cupcake," paos na sambit ni Clyde na ikinamulat ng kanyang mga mata.

Sinalubong nito ang kanyang mga mata. Tila naman may magnetong nagdikit ang kanilang mga tingin. Bumaba ang mukha nito at alam na niya ang susunod na gagawin nito pero mabilis niyang tinakpan ang bibig niya.

Nakakunot noo naman si Clyde na tiningnan siya.

"Hi-Hindi pa ako nag-to-toothbrush. Nakatulog ako 'di ba? Baka amoy laway ako, nakakahiya." Sabay takip niya ng kanyang buong mukha.

Narinig ni Zahra ang malakas na pagtawa ng kasintahan. Kaya naman inalis niya ang pagkakatakip ng kanyang mga kamay sa mukha at sinamaan ito ng tingin.

"Anong nakakatawa?" inis niyang tanong.

"Nothing, cupcake." Umayos ito ng tayo at humarap sa kanya. Siya naman ay umupo at isinandal ang likuran sa may headboard ng kama. "Take a shower, kumpleto naman ang gamit dyan sa banyo. Iaakyat ko rito ang damit na susuotin mo. Huwag kang bababa hanggang wala akong sinasabi, ok."

Napapantastikuhan si Zahra na tiningnan ang kasintahan kapagkuwan ay nalipat ang tingin niya sa buong silid.

Black and white ang pintura nang buong silid. May isang pahabang sofa na nasa paanan ng kama. Dalawang side table na may nakalagay na lampshades. Maganda at ang gaan sa mata. Kahit na black ang kulay ay tila may kakaiba sa kulay nito na nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Parang nga nakaramdamn siya ng kaligtasan sa lugar na 'yun.

"Nasaan tayo? Kani…nong silid ito? Are we still in the Philippines?" 'di niya napigilang tanong.

"My cupcake is so cute." Pinisil ni Clyde ang tungki ng kanyang ilong na ikinasimangot niya. "Mamaya na ang tanong. Maligo ka na dahil gabi na at alam kong gutom na ang mga alaga mo sa tiyan. Labas lang ako." Hinalikan siya nito sa noo saka ito tumalikod.

"Bunny," tawag niya na ikinahinto ni Clyde.

"I love you," buong lambing niyang sambit.

Ngumiti ito. "I love you more, Zahra. Lalabas na ako dahil baka hindi ako makapagpigil…" Nag-init ang kanyang mukha sa sinabi nito na sadyang ibinitin bago siya kinindatan at tuluyan lumabas ng silid.

Bigla ay may isang bagay ang pumasok sa kanyang isipan.

Handa na ba siyang isuko ang perlas na iniingatan? Heto na ba? Game na ba? Mararanasan na ba niya ang tinatawag na 'langit' kahit nasa lupa pa siya.

'Magtigil ka nga Zahra Siara. Masyado kang nag-o-overthink!' Saway niya sa sarili. Tumayo na siya at tinungo ang banyo upang mag-ready sa nalalapit na ungulan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status