Share

Chapter 5

"IKAW NA TALAGA!" maarteng sabi ni Essa kay Zahra nang ikwento niya rito ang nangyari sa kanilang unang buwan bilang magkasintahan ni Clyde. "Mapapa sana all na lang talaga ako," hirit pa nito.

Napailing na lang siya dahil maging siya ay lumulutang pa rin sa alapaap. That night was memorable. Mas lalo niyang minahal si Clyde.

Napag-alaman niya rin na pagmamay-ari daw 'yun ng boss nito—ang may-ari ng restaurant na pinapasukan nito.

Naitanong niya nga kung gaano na ka-close si Clyde sa boss nito dahil nagawa nitong ipagkatiwala ang isang napakaganda at talaga ginastuhan na bahay.

"Miss Baek, still here?" Nabalik sa sarili si Zahra dahil sa pagpitik ni Essa sa kanyang noo.

"Boss mo ako, pinapaalala ko lang," sabay irap ni Zahra kay Essa na hindi naman sineryoso ang kanyang sinabi bagkus ay nagpatuloy ito sa pagpapantasya. "Kapag ang Clyde ko ang pinagpapantasyahan mo, magbalot ka na saka ka lumayas sa harapan ko."

Imbes na seryosohin ang kanyang sinabi ay tumawa lang si Essa saka nagpaalam sa kanya na may gagawin pa ito.

Napabuga na lang ng hangin si Zahra. Minsan mahirap din na kaibigan mo ang iyong assistant. Mas bossy pa sa amo.

Napatingin siya sa kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang harapan. Kapagkuwan ay nalipat ang kanyang tingin sa kanyang relong pambisig.

It's already two in the afternoon. At wala pa siyang natatanggap na message o tawag mula kay Clyde. Dati naman ay umaga pa lang tumatawag na ito.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap ang numero ng binata. Sunod niyang narinig ay ang pag-ring na.

Nagsalubong ang kilay ni Zahra nang patayin nito ang kanyang tawag. Napatingin tuloy siya sa kanyang cellphone kung talagang pinatay.

"What's happening?" bulong niya sa hangin. Dahil sa ilang buwan niya nakakasama ang binata never pa nito siya pinatayan ng tawag. Sasagutin nito 'yun at sasabihin na busy ito

Bigla ay kumabog ang kanyang dibdib. Hindi….masyado lang siya nag-iisip ng kung ano-ano. Baka importante o talagang busy lang ang kasintahan.

Sinubukan niya ulit tawagan ito but this time…out of coverage na.

"Calm down, Zahra Siara. Everything is okay. Don't panic. May paliwanag ito sa nangyayari," pangungumbinse niya sa sarili.

Ibinalik na lang niya ang attention sa kanyang trabaho matapos ilapag ang kanyang cellphone sa kanyang tabi para kung sakali tumawag ito.

"WALA KA PANG balak umuwi?" tanong ni Essa ang pumukaw sa pag-iisip ni Zahra. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

Nasa kanyang isipan pa rin ang pagtawag ng kanyang Daddy. Tawag na talagang nagpagulo sa kanyang utak.

"Oras na ba?"

"Ay hindi pa. Ang aga pa," sarkastiko nitong sagot na hindi naman niya binigyan ng pansin bagkus ay tumayo siya at nagsimulang ayusin ang kanyang mga gamit.

And Essa being her closest friend. Alam nito kung may problema siya.

"May problema ba? You look…alien."

Napatingin siya bigla rito dahil sa sinabi nito.

'Alien?'

"What?"

Nagtaas ang isang kilay niya nang tumawa ito nang malakas.

"Do you really want to pack your things?" inis niyang banta rito.

Mukhang naramdaman nito na wala talaga siya sa ayos kaya naman tumigil na ito sa kakatawa at seryoso siyang tiningnan.

"Problem?" tanong nito.

Huminga siya nang malalim saka muling umupo sa kanyang swivel chair.

"Si daddy…" simula niya.

Umupo si Essa sa may visitor's chair na nasa harap ng kanyang table.

"What about Mr. Baek?" Usisa nito.

"He called me. He wanted to talk to me once I got home." Isinandal niya ang kanyang likod sa may sandalan ng swivel chair at tumingin sa itaas na para bang naroon ang sagot sa kanyang tanong.

"Hmmm. What is wrong with it? He just wants to talk to you?"

"Privately…." Sabay lipat ng tingin niya kay Essa. "And his voice… there is a powerful tone. I don't know pero mukhang mahalaga ang gustong pag-usapan ni daddy," paliwanag niya.

"Maybe… You already arranged to marry someone." Pinaningkitan niya si Essa ng mga mata. "Oh! That's mean, solo ko na si papa Clyde," sabay tili nito na parang kinurot ang singit. Sa inis niya sa narinig ay inabot niya ang isang ballpen saka inihagis rito. "Ouch! My pretty face!" hiyaw nito pero halatang nagbibiro lang.

"Lumayas ka na nga sa harap ko at baka ipaladkad kita sa mga security," sikma niya rito. Bigla na naman kasi siya nainis nang marinig ang pangalan ng kasintahan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag o message man lang.

"Fine. I'll go ahead." Tumayo ito. "Umuwi ka na para malaman mo na kung ano ang pag-uusapan n'yo ng daddy mo. Kaysa mabaliw ka dyan kakaisip, wala naman papasok dyan sa utak mo na si Clyde na yata ang laman." Ang bilis nitong kumaripas nang takbo nang akma niyang kukuhanin ang kanyang sapatos upang ibato rito.

"Ingat Miss Baek," pahabol pa nito bago tuluyan nawala sa kanyang harapan.

At bago nga siya mabaliw kakaisip ay pinagpasyahan niya na rin na umuwi. Her father wants her at dinner time.

Napasimangot na naman siya nang dumako ang tingin sa kanyang cellphone.

"Ano ba nangyari sayo?" Pakausap niya sa cellphone na para bang sasagot ito.

Pero mukhang may sagot nga dahil biglang na lang nag-ring ito at rumehistro ang 'bunny' si Clyde 'yun.

"Hello," mabilis niyang sagot.

"Cupcake."

Napakunot noo siya nang marinig ang paos na boses ng kasintahan.

"Are you okay?" tanong niya.

"I'm sorry. Low bat ang cellphone ko at sobrang daming tao ngayon kaya hindi ako nakatawag o message sayo. Galit ka ba?"

Lumambot ang kanyang mukha sa narinig na paliwanag nito. Sinasabi na nga ba niya na may magandang rason ito.

"Okay lang 'yun. I'm also busy." Liar. Dahil kanina pa siya nag-aalburoto kung ano na nangyari rito.

"Pauwi ka na ba?"

"Yes. Why?"

"Sorry hindi kita maihahatid. Kailangan ko rin umuwi nang maaga tumawag si nanay at sinumpong daw ang sakit ni tatay."

"Do you need help? Hindi kasi ako pwede ngayon, may importante raw kaming pag-uusapan ni daddy. I could send some people to help you," nag-aalala niyang sabi.

"Thank you cupcake. Pero ayos lang, ingat ka sa pag-uwi. Mahal kita."

"Mahal din kita, bunny. Tawagan kita pag nasa bahay na ako, ok."

"Sige, bye."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status