NAPATINGIN si Zahra sa isang sasakyan na hindi pamilyar sa kanya na naka-park sa kanilang garahe.
Kakarating niya lang dahil inutusan pa siya ng kanyang daddy na dumaan sa isang restaurant upang kunin ang in-order nito. Siya pa talaga inutusan at anong meron sa Italian foods? Kailan pa naging mahilig ang ama sa pagkain ng mga Italyano.Nang makita niya ang kotseng naka-park ay nasagot niya ang sariling tanong. Mukhang para sa bisita ang order ng ama. Bakit hindi na lang ito nagpaluto? They have one of the best chef not only in the country but in the world. So…What with his dad?Pagkapasok niya sa malaking pintuan ng mansion nila ay sinalubong siya agad ni Manang Aiza at dalawa pang katulong.Nag-bless siya rito. Si Manang Aiza ay para na niyang pangalawang ina. Dito siya lumaki dahil laging busy ang mga magulang."Ito po ang susi, nasa kotse po ang mga pagkain na in-order ni Daddy," magalang niyang sabi rito."Sige, kami na bahala. Umakyat ka na sa taas at magpalit. Tatawagin kita paghanda na ang hapunan." Kinuha nito ang susi sa kanya."Nasaan po sina Daddy at Mommy?" tanong niya."Nasa may garden sila at may kasamang isang binata. Napakagwapo, iha," tila kinikilig na kwento pa ni Manang Aiza kaya napangiti siya. Hindi na ito nakapag-asawa dahil sa dedikasyon nito sa kanyang pamilya lalo na sa kanya."Gwapo, huh," sabi niya na nangingiti saka nagpaalam na rito na aakyat na at nang makapag-ayos na siya. Hindi naman niya kailangan magpaganda dahil may nobyo na siya. Na-cu-curious lang siya sa gustong pag-usapan nila ng daddy niya. Pero may bisita ang mga magulang.Saktong tapos na siya mag-ayos nang makarinig ng pagkatok."Pasok," sigaw niya upang marinig siya.Bumukas ang pintuan at iniluwal si Manang Aiza na ang lapad nang pagkakangiti. Humakbang ito palapit sa kanya.Nagsalubong ang tingin nila sa repleksyon nila sa salamin. Hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok. "Ang ganda talaga ng alaga ko. Napakaswerte talaga ng lalaking mapapangasawa mo, iha," sabi nito."Siyempre naman po, kayo nagpalaki sa akin," buong pagmamalaki niyang sambit na ikanalambot ng mukha ng matanda at niyakap siya mula sa likuran. Nakita niya namuo ang luha sa gilid ng mga mata nito. "Manang, nagdrama ka na naman. Senyales ba 'yan na tumatanda ka na," biro niya.Mabilis naman bumitaw si Manang Aiza saka mahina siyang tinapik. "Kasalanan mo ito. Pinapaiyak mo ako. Ang beauty ko, may gwapo pa man din sa baba," ganting biro nito."Matingnan nga kung gaano kagwapo 'yan pinagmamalaki mo." Tumayo siya saka pinulupot ang braso sa braso ni Manang Aiza."Hindi ka magsisisi, gwapo talaga. May garter ba panty mo? Baka malaglag kapag nakita mo," sabi muli nito na ikinatawa niya.Para sa kanya ay isang lalaki lang ang gwapo at walang iba kundi ang kanyang nobyo. Napangiti siya nang maalala ang kanyang bunny."Tingnan mo, wala pa man nangingiti ka na. Hawakan mo mabuti ang panty mo, ah," rinig niyang sabi pa ulit ni Manang Aiza kaya naman hinila na niya ito.Habang pababa sa kanilang grand staircase ay hindi malaman ni Zahra kung bakit bigla na lang siyang kinabahan."Ayos ka lang, iha?" Napansin yata ni manang ang pagbabago ng kanyang pakiramdam dahil nga nakahawak siya rito.Tipid siyang ngumiti. "Ayos lang po ako." Bumitaw na siya rito nang tuluyan makababa. Sinalubong sila ng isa pa sa kasambahay.Bahagya pa itong yumuko. "Senyorita, diretso na raw po kayo sa dining area, pinapasabi ng iyong ama.""Sige po, salamat," tugon niya at nilingon si manang. "Tayo na po," aniya rito na tinanguan naman siya at pinauna na siya maglakad.Isinuot niya ang kanyang pinakamatamis na ngiti. Kung sino man ang bisita ng ama ay kailangan niya magbigay galang. Pinalaki siyang maayos at may mabuting asal.Nang makapasok sa loob ng dining area ay nakita niya agad ang kanyang ama na nakaupo sa gitnang upuan habang ang kanyang ina naman ay nasa kaliwang bahagi at sa may bandang kanan naman ang isang lalaki. Nakatalikod ito mula sa kanyang kinaroroonan kaya hindi niya mahinuhan kung ano ang itsura nito. Bata ba o matanda na? Ngunit sa hitsura ng likod nito ay masasabi niyang matikas pa ito at mukhang nasa thirties.Nang makita siya ng ina ay ngumiti ito at tumayo. "Nandito ka na pala, iha. Come here, we want you to meet our guest." Naglakad ito upang salubungin siya. Humalik siya rito saka siya iginiya palapit sa kanyang ama. Binati niya rin ang ama at humalik sa pisngi."It's good you're here on time. By the way, I want you to meet, Lorenzo Costa," pagpapakilala ng daddy niya at inalalayan pa siya upang makaharap ang lalaki na tumayo naman.Nagtagpo ang kanilang mga mata. At tila may biglang alaala ang bumalik sa kanya pagkakita sa mga mata nitong bughaw. Parang nakita na niya ang mga mata na 'yun, hindi niya lang alam kung saan at kailan."It's my pleasure to meet the only daughter of Mr. Baek."Nabalik siya sa sarili nang magsalita ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit iba ang dating ng lalaking nasa harapan."Are you alright, iha?" tanong ng daddy niya."Ye-yes dad. I'm sorry, I thought I met him already. Baka nagkamali lang po ako." Muli niyang hinarap ang lalaki at inilahad ang kanang kamay upang makipagkamay rito.Ngunit imbes na kamayan siya ay hinalikan nito ang likuran ng kanyang palad. Tila may kilabot na gumapang sa kanyang braso kaya mabilis niyang nabawi ang kamay mula rito."It's nice to meet you, Mr. Costa," pormal niyang sabi upang hindi ito magtaka sa paghila niya sa kanyang kamay mula rito."Renzo, will be fine. Mr.Costa is too formal for like us that—"Pinutol ng daddy niya ang iba pa nitong sasabihin. "Let's eat. The food might get cold." Akmang uupo siya sa tabi ng mommy niya nang sabihan siya ng daddy niya na sa tabi ng lalaki siya mauupo. Salungat man sa kagustuhan ay sinunod niya ang sinabi ng daddy niya.Nagpasalamat siya nang ipaghila siya ng upuan ni Mr.Costa. Hindi siya komportable na tawagin ito sa pangalan na gusto. Para kasi hindi tama.Nagsimula silang kumain. Pero para sa kanya ay tila napakatagal ng oras kahit kakasimula pa lang naman nila."You don't like the food?" Untag sa kanya ng mommy niya kaya napatingin siya rito. Doon niya lang napansin na nasa kanya na nakatutok ang tingin ng tatlong tao."Sorry mommy, medyo masama po kasi pakiramdam ko," pagsisinungaling niya. Mas gusto niya sanang iwanan na lang ang mga ito. Hindi rin naman niya naiintindihan ang usapan ng daddy niya at ni Mr. Costa. She didn't force herself to study that language. Para saan? Kung may English naman. Hindi niya rin akalain na ganito kagaling ang daddy niya sa lenggwahe na 'yun. Just now."When are you planning to tell her the truth? Time is running." Naagaw ang atensyon niya sa sinabi ni Mr.Costa kaya naman nilingon niya ito para lamang muling magtagpo ang kanilang mga mata. At hindi niya nakayanan makipagtitigan dito kaya siya rin ang unang bumawi. May nakikita siya sa mga mata nito, isang emosyon na hindi niya mapangalanan."We will, just give us more time," sansala ng daddy niya. Kaya naman napakunot ang noo niya."You know we can't. The wedding must happen before the end of the mont—""Lorenzo!" sigaw ng kanyang daddy.Nabitawan niya ang hawak na kubyertos at nanlalaki ang mga mata na nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlong kasama. Naguguluhan siya. Pero hindi siya ganun katanga para hindi makuha ang sinabi ng lalaki. Kasal? Siya ba?Huminto ang tingin niya sa kanyang daddy na ngayon ay hilot-hilot ang sentido habang ang kanyang mommy ay nasa tabi na nito at pinapakalma.Napatingin siya sa lalaking katabi na parang wala lang ang sinabi at swabeng sumandal sa kinauupuan. May ngisi na tiningnan siya. Nakuyom niya ang kamao at ibinalik ang tingin sa kanyang daddy."Dad, what is he saying?" Naguguluhan niya pa ring tanong."Iha, go to your room. I will ask someone to bring your food—""Tell her, stop keeping her in the dark. Because no matter what you do, there's no way out to our deal. So, if I were you…I will tell her now. Or, you want me to tell her," nakakaloko pang ngumiti ito na ikinainis niya kaya pabalabag siyang tumayo. F*ck the good manners because the guy beside her doesn't deserve it."Go and tell me," panghahamon niya rito. Nakita niyang aawat ang daddy niya pero binigyan niya ito ng tingin na nagsasabing 'let her handle it'."Fierce. I like that." Hindi niya alam kung papuri ba o pang-iinsulto ang sinabi nito. Tumayo ito saka humarap sa kanya. Napaatras pa siya dahil nabigla siya sa lapit ng distansiya nilang dalawa. At aaminin niya sa tangkad niya ay tila siyang naging duwede sa mata nito."YOU.ARE.GOING.TO.BE.MY.WIFE."Hello welcome back to me!
HINDI ALAM NI ZAHRA kung paano siya nakaalis ng bahay. Basta ang alam niya ay gusto niya muna makahinga. Pakiramdam niya ay bigla siyang kinapusan ng hangin. 'You are going to be my wife!''You are going to be my wife!''You are going to be my wife!'Paulit-ulit niya pa rin naririnig ang mga salitang 'yun mula sa lalaking ni hindi niya nga kilala. Matapos nito sabihin ang mga salitang 'yun ay napatingin siya sa kanyang mga magulang. At sa reaksyon ng mukha ng mga ito bakas na hindi nagsisinungaling ang lalaki. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang silid. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ng mga magulang pero hindi niya pinansin. Pagkapasok niya sa silid niya ay hinanap niya lang ang kanyang bag saka muling bumaba. Naabutan niya pang nagtatalo ang kanyang daddy at ang lalaki. Galit ang daddy niya pero parang wala naman pakialam ang lalaki. Hinarangan siya ng daddy niya at nagsusumamo ang mukha nito na bigyan ito ng pagkakataon na magpaliwanag. Pero sarado pa ang isip niya—a
DAHAN-DAHAN iminulat ni Zahra ang mga mata. Nang sumalubong sa kanya ang apat na parihabang kulay brown na kisame kung saan may mga ilaw na nakalagay at sa ibang parte naman ay kulay puti, napabalikwas siya nang bangon. Wala siya sa kanyang silid. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng comforter na nakakumot sa kanya. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang walang nabawas sa kanyang kasuotan."Good morning, cupcake."Mabilis na napalingon si Zahra sa pinanggalingan ng boses. Napakurap-kurap pa siya nang makita ang kasintahan ito. Malapad ang pagkakangiti nito at may hawak na isang tray. Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari at naging malinaw ang lahat. "Good morning, bunny," matamis niya ring bati rito. "Where are we?" Hindi niya naiwasang itanong.Maingat na inilapag ni Clyde ang hawak na tray sa bedside table saka sumampa sa kama. Mas lumapit pa ito sa kanya kaya naman medyo nailang siya dahil kakagising niya lang at hindi niya nga alam kung ano ang itsura niya. Bigla tuloy siya
NARAMDAMAN NI ZAHRA ang paglapat ng katawan sa malambot na kama. Ni hindi niya nga napansin kung paano sila nakarating doon. Magkalapat pa rin ang kanilang mga labi, mapusok ang kanilang halikan. Ramdam na ramdam niya ang pananabik ng kasintahan habang ang mga kamay nito ay humahaplos sa bawat parte ng kanyang katawan. "Cupcake, f*ck!" Malakas nitong mura nang paghiwalayin ang kanilang mga labi. Ang bilis ng kamay nitong hinubad ang kanyang pang-itaas na damit at sinunod ang kanyang pantalon. Ngayon ay tanging panloob na lamang ang suot niya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay mas lalong nagningas ang apoy. Mabilis rin nitong hinubad ang suot na t-shirt at ang short. Napasinghap siya nang malakas nang biglang sumaludo sa kanya ang pagkalalaki nito nang sabay pala nitong inalis ang short at brief. Para siyang tinakasan ng kaluluwa na nanatiling nakatitig sa naghuhumigti nitong alaga. Kasabay nang pagkislot ng kanyang pagkababae nang gumalaw ang pagkalalaki nito. Narinig niya pa ang
DAHIL SA PAGOD AY nanatili lamang sina Zahra at Clyde sa loob nang napakalaking bahay—No it's a mansion. Matapos niyang makatulog ay ginising siya ng kasintahan upang kumain. Halos murahin niya si Clyde nang mamilipit siya sa sakit nang umihi siya. Sobrang hapdi na parang binibiyak ang kanyang katawan. Mabuti na lang at mukhang handa ito dahil matapos kumain ay inabutan siya ng pain reliever. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa. Hindi naman nasayang ang araw nila dahil nilibot siya ni Clyde sa loob ng kanilang tinutuluyan at napaawang na lang ang kanyang bibig sa nakita."I really can't believe where we are." Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa isang mansion sila dito sa Baguio. "Hindi ko kasi alam kung saan kita dadalhin. I know there's a lot of hotels but… I tried to ask my boss and I couldn't believe that he would offer his rest house here." Hinila siya nito dahilan para mapaupo siya sa kandungan ng kasintahan. Mabilis nitong ipinulupot ang mga braso sa kanyang baywan
PAGKAUWI ni Zahra ay naabutan niya ang mga magulang na nasa sala at mukhang hinihintay siya. Nang buksan niya kanina ang cellphone ay agad na tumunog 'yun at ang mommy niya ang tumatawag. Sinabi niya na pauwi na siya."Zahra." Salubong ng mommy niya at mahigpit siyang niyakap. "Where have you been? I'm so worried about you. Kahit na sinabi mong ayos ka lang, still, I can't help but to worry." Ginantihan ang yakap ng mommy niya. Alam niyang mali ang pag-alalahanin ang mga ito pero masyado magulo ang isip niya."Zahra," tawag ng daddy niya sa kanya kaya naman binitawan na siya ng mommy niya at sabay silang humarap rito."Da-daddy," mahina niyang sagot. Hindi niya pa rin kasi matanggap na hinayaan nito na ma-i-fix marriage siya. "Come here." Ibinuka nito ang mga bisig na nagpapahiwatig na gusto nitong yakapin niya ito. Kaya naman ganon ang ginawa niya. Pagkayakap niya sa daddy niya ay kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha. Bumalik ang alaala nang makilala niya ang lalaking gustong sir
IT'S BEEN ONE WEEK since Zahra's father confiscated her cellphone and never allowed her to go out without bodyguards. Sineryoso talaga nito ang banta sa kanya na hindi makakalabas nang walang bantay. At ang masaklap pa, makakalabas siya with her bodyguard pero hindi niya pwedeng puntahan si Clyde. Kaya naman mas pinili na lang niya na magkulong sa silid niya. Hoping that Clyde will look for her. Pero isang linggo na rin siyang walang balita sa kasintahan. Nag-aalala siya na baka may ginawa ang daddy niya rito. She knows that her parents love her so much. Kaya kahit na may munting tinig sa isip niya na gustong kwestyunin ang pagmamahal ng mga magulang para sa kanya ay pilit niyang binabalewala. Mula bata siya pinaramdam ng mga ito kung gaano siya kamahal. Kahit busy sa trabaho ang daddy niya, his always present to every special day of her life. Tatlong sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kanyang pag-iisip. Tumingin siya sa may pintuan at walang ganang bumangon mula sa pagkakahiga upan
ANG PAGBUKAS NG PINTO ang nagpahinto kay Zahra sa pagbabasa ng libro. Pero hindi man siya nag-aksaya ng oras na tingnan kung sino ang pumasok. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagbabasa habang nakasandal sa headboard ng kama."What are you doing? I already instructed manang Aiza to tell you that you must be ready at six pm," bakas ang galit sa boses nito.Hindi siya sumagot bagkus ay ipinagpatuloy ang pagbabasa hanggang sa nawala sa kanyang harapan ang libro at narinig ang pagbagsak no'n sa sahig. She gritted her teeth. Hearing his voice always makes her blood boil. It's been two years but she can't accept the fact that she ended up with him."If I were you, I would start fixing myself. You still have thirty minutes." Masama niya itong tiningnan. At ano pa ba aasahan niya. Sa loob ng dalawang taon ay wala naman itong ginawa kung hindi gawin siyang alipin. She hates him. "I will not go," matigas niyang sagot at sinalubong ang walang emosyon nitong mga mata. That cobalt blue eyes. Siya r
KANINA PA SI ZAHRA wala sa sarili mula nang masilayan ang dating kasintahan. Oo, hindi siya pwedeng magkamali na ang Clyde Vito Villasis Romano at ang Clyde Villasis na naging kasintahan niya ay iisa. Pangalan lang ang nagbago pero walang nagbago sa itsura nito. Imposible naman kamukha lang ito ng kasintahan niya. Pero bakit nang magtagpo ang kanilang mga mata kanina ay parang hindi siya nito kilala. Ito pa ang may ganang magalit samantalang siya ang niloko nito. Muli na naman kumirot ang isang bahagi ng puso niya nang maalala na naman ang kataksilan ng dating kasintahan. Kinuha lang nito ang pinakaiingatan niya saka siya itinapon na parang basura. 'Kusa mong ibinigay' salungat ng isang bahagi ng isip niya.Oo na! Kusa niyang ibinigay kasi nagtiwala siya sa kasintahan pero nagkamali pala siya."Are you okay?" Tanong ni Lorenzo ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Napalingon tuloy siya rito. Kanina pa tapos ang speech ni Clyde at kasalukuyang nakikipag-usap sa ibang mga bisita hab