Share

Chapter 52

HINDI MAIWASAN ni Zahra na mag-alala sa pag-alis ni Clyde. Lalo na kina Nanay at Tatay, alam niya kung gaano kamahal ni Clyde ang mga ito. At ngayong nasa panganib ang dalawa ay siguradong hindi matatahimik si Clyde hanggang hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga kinalakihang magulang.

Napabuntung-hininga si Zahra saka sinilip ang anak. Mahimbing na naman ang tulog nito. Nagising ito kanina at heto napagod na naman sa kakalaro sa mga lola at lolo. Mag-alas sais na rin ng gabi at wala pa siya balita kina Clyde. Habang lumalaki ang anak ay mas nagiging kamukha ito ng ama. Bigla siyang natigilan. May posibilidad na pasukin din ng anak ang mundo ng ama nito. Dahil, ito ang tagapagmana ni Clyde.

Ang huling tawag sa kanya ni Clyde ay noong ipaalam nito na nakarating na raw ang mga ito sa Manila. Ang simpleng pagtawag nito ay malaking bagay sa kanya. Alam niya na hindi na niya ito maaabala dahil priority nito ang mailigtas ang mag-asawa. But she's hoping that he will call to update her. Na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status