Share

CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)
CLYDE VITO ROMANO (Wild Men Series #30)
Author: Switspy

Chapter 1

"SERYOSO?" Ang gulantang na tanong ni Clyde kay Zahra na malawak ang pagkakangiti habang pinagmamasdan ang gulat na gulat na mukha ng binata.

Ngayon araw kasi ay ibinigay na niya ang matamis niyang 'oo' sa binata. Bakit pa niya patatagalin? Isang buwan ay sapat na para aminin niyang may puwang na sa puso niya si Clyde. Hindi rin naman mahirap magustuhan ito lalo na at napakabait at mabuting tao ito.

"Ayaw mo yata, eh. Bawiin ko na lang," biro ni Zahra rito. Natawa pa siya nang bigla itong tumayo at sumigaw ng napakalakas.

"Yes! Yes! Yes!" malakas na sigaw ni Clyde kapagkuwan ay muling humarap sa kanya at inilahad ang isang kamay nito. Malugod naman niya itong tinanggap. Pagkatayo niya ay hindi na siya nagulat nang yakapin siya ng binata. Napangiti na lang siya na yumakap pabalik rito.

Nakilala niya ito nang minsan masiraan siya sa daan at saktong dumaan ito. Tinulungan siya nitong ayusin ang kanyang sasakyan. Akala niya ay 'yun na ang huli nilang pagkikita pero naulit pa ng dalawang beses. Sa isang grocery store na sabay pa nilang nahawakan ang isang chocolate. At ang huli ay ang party ng kanyang kaibigan na si Vannessa. Isa si Clyde sa mga security na kinuha ng pamilya ng matalik na kaibigan. At doon nga ay kinuha na nito ang kanyang numero. Dalawang buwan silang magkausap at minsan ay ito na rin ang kinukuha niyang bodyguard kapag may mga lalakarin siyang malayo. Ayaw kasi siyang paalisin mag-isa ng daddy niya. Ayaw naman niyang may mga bodyguard.

"Pangako hinding-hindi kita sasaktan, Ahra."

Nabalik sa ulirat si Zahra sa sinabi ni Clyde. Puno nang lambing at ka seryosohan ang boses nito. Mas humigpit ang yakap niya sa lalaki at naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang maliit na baywang. Nagsimula na rin gumalaw ang kanilang mga katawan. Sumasayaw sila sa himig lamang ng mga kulisap sa gabing 'yun.

Kasalukuyan kasi silang nasa kanilang paboritong lugar. Isang burol kung saan tanaw ang buong siyudad. Kaya malaya silang sumigaw ng walang sisigaw sa kanila. Nang minsan kasi na nilukob siya ng kalungkutan ng nakaraan ay dito siya dinala ng binata at simula nun ay dito na nila gusto tumambay.

"You don't need to promise, just do it. I don't like promises, because the last person who promised me, did not fulfill it," diretsahan niyang tugon kay Clyde.

Huminto ang masuyo nilang paggalaw kapagkuwan ay pinaghiwalay ni Clyde ang kanilang mga katawan. Sinapo nito ang kanyang mukha ng dalawang palad nito at matiim siyang tinignan sa mga mata. Hindi niya itinago ang sakit na lumukob sa kanya sa alaala ng nakaraan. Nakaraan na gustong-gusto na niyang kalimutan.

"Ahra, my cupcake…." Napangiti si Zahra sa itinawag sa kanya nito. Paborito niya kasi ang cupcake at madalas nga siyang tawagin ng binata ng ganoon. "Kapag handa ka na, nandito lang ako at handang makinig. Hindi kita iiwan. Aalagaan kita. Mahal kita." Puno ng emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Napaawang ang bibig ni Zahra sa binigkas ni Clyde. Mahal siya nito? Inaasahan naman niya 'yun kaya nga ito nanligaw sa kanya diba? Pero ang aminin ito ngayon ay tila may kakaibang kiliting hatid sa kanyang kaibuturan. Mas lumawak ang kanyang pagkakangiti at siya na mismo ang tumawid sa pagitan nila upang magtagpo ang kanilang mga labing sabik sa isa't isa.

Naramdaman ni Zahra na nagulat ang binata ngunit ilang sandali lang ay gumalaw na rin ang labi nito. Kinagat pa nga nito ang kanyang ibabang labi dahilan upang maibuka niya ang bibig at makapasok ang dila nito. Hindi niya inaasahan na lalalim ang halikan nila. Kaya naman kusa na ring pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ni Clyde. At sumabay ang kanyang labi sa galaw ng mga labi nito.

Naramdaman ni Zahra ang pagpasok ng dila nito at pagsipsip sa kanyang sariling dila. Lumipat rin ang isang kamay ng binata sa kanyang baywang habang ang isa ay nasa kanyang batok. Naninigurado na hindi siya makakawala sa kanilang halikan.

"Aray!" d***g ni Clyde nang kagatin ni Zahra ang

labi nito. Paano hindi niya kakagatin? Kinakapos na siya ng hininga pero ang binata parang wala pang balak na pakawalan pa ang kanyang mga labi. Paano kung mamatay siya?

"Sorry, ikaw naman kasi, eh…" nahihiyang hinging-paumanhin ni Zahra. "Halatang expert ka sa halikan. Ilang babae na ba ang nagpakasawa sa mga labi mo." Bigla ay napasimangot siya sa naisip na marami na ang nakatikim sa labi nito. Tinalikuran niya ito at humalukipkip. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Pumulupot ang mga braso nito sa kanyang baywang saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat, pilit isinisiksik ang ulo sa kanyang leeg.

"Sorry na. Sobrang nasabik lang ako at ang sarap kasi ng halik mo, nakakabaliw…ouch…cupcake naman, eh." Natawa si Zahra sa reklamo nito dahil kinurot niya lang naman ang braso nito. Akala mo naman talagang nasaktan. Siya pa nga yata ang nasaktan dahil sa mamasel nitong braso. Napaka macho naman kasi ni Clyde.

"Hmp! Aminin mo na kasi na marami nang nakatikim sa mga labi mo baka nga…" Natigilan si Zahra sa sasabihin at bigla ay nag-init ang kanyang mukha dahil sa naisip. Masyado na yata malayo ang narating ng kanyang isipan.

"Baka nga, ano? Cupcake?" May himig na panunudyo ang boses ni Clyde na mas lalong nagpa-init sa kanyang mukha.

"Wa-wala. Umuwi na tayo baka hinahanap na ako ni daddy," pag-iiba niya sa usapan.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Clyde at mas humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kanya.

"Aaminin ko na may mga n*******n na ako pero ang halik mo ang pinakamatamis at sigurado ako na kakaadikan ko," malambing nitong sambit na ikinangiti niya. Naisandal niya ang kanyang ulo sa dibdib ng kanyang boyfriend. Yes, he is now her boyfriend. And she was so proud of it. Hindi man sila magka estado ng buhay alam niyang hindi siya papabayaan nito. Handa rin siyang ipaglaban ito kung sakaling hadlangan sila ng kanyang pamilya.

"I love you, bunny."

"Urgh! Stop calling me that."

Natawa si Zahra. "Why? Ang cute kaya. From now on that is my endearment to you, okay," pang-aasar niya pa rito.

"Ah, ganun ah."

Malakas na napatawa si Zahra nang simulan siyang kilitiin ni Clyde. Napuno ang buong paligid ng kanilang halakhak. Masaya siya. Sobrang saya niya. Sayang ayaw niyang matapos.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status