Share

Chapter 3.4

Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.

Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.

Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.

Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ruthchloe Tornito
maganda Ang story update plss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status