Share

Chapter 3.2

ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.

Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin.

Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit siya at pagkatapos ay tumingin din sa labas ng shop. Isang ordinaryong araw lang iyon at makikita sa labas ng shop na napakadaming nagdaraan upang pumunta sa kani- kanilang mga destinasyon.

Hanggang sa marinig na niya itong magsalita na nagpalingon sa kanya rito.

"This case is absurd." Bakas sa tono nito ang naguguluhan at parang nagtataka.

Napataas naman ang kilay niya dahil dito. Sa tagal na nito sa serbisyo ay hindi niya pa ito nakakitaan ng ganitong klaseng mukha at reaksyon sa mga kasong hinahawakan nito. Magaling itong pulis at hindi ito tumitigil hanggat hindi nito nalulutas ang isang kaso kaya bilib siya rito dahil napakasigasig sa kanyang sinumpaang trabaho at talagang may paninindigan na tumulong sa mga naagrabyadong mga tao na mabigyan ng hustisya ang dapat mabigyan.

Wala itong sinasanto pagdating sa mga kasong hawak nito kahit sino. Wala itong inaatrasan o kinakatakutan man lang kahit malalaki pang tao ang banggain nito ay hindi ito natatakot. Balita niya nga ay may sumubok daw minsan na suhulan ito dahil isang kilala at tanyag na tao ang sangkot sa kasong hinahawakan nito ngunit hindi ito nagpatinag at hindi nasilaw sa alok nitong napakalaking halaga.

Sa klase nito ay nasisiguro niyang napakaswerte ng mga taong ito ang may hawak ng kaso dahil paniguradong makakamit ng mga ito ang hustisyang kailangan nila.

"What do you mean?" Nakataas ang kilay niya pa ring tanong dito. Nakita niyang humugot ito ng isang napakalalim na buntung hininga pagkatapos ay ibinababa ang tasa na hawak nito. Dahan- dahan itong lumingon sa kanya at pagkatapos ay tinitigan lamang siya ng ilang saglit bago ito tuluyang nagsalita.

"Napakahirap humanap ng lead." Panimula nito at pagkatapos ay napahawak sa sentido at napapikit. "Hindi ko alam pero parang may mali," saad nito at tuluyan ng napahilamos sa mukha. Itinukod nito ang dalawang siko sa lamesa at pagkatapos ay napahawak ang dalawang kamay nito sa sentido.

Nakatitig ito sa lamesa. "Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa mga kasong ito Cassie." Seryosong saad nito at tuluyan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Kitang- kita sa mga mata nito na naguguluhan ito at halos ngayon niya lang din natitigan ang mukha nito na halos mangitim na ang ilalim ng mga mata nito dahil sa kapupuyat siguro.

"Wala ni kahit isang bakas ka na makukuha para malaman o magbigay man lang sana ng kaunting lead para alam mo kung saan ka maghahanap pero wala. Wala kahit katiting na bakas Cassie." Iiling- iling na sabi nito at napasandal sa upuan. "Napakalinis nilang gumawa." Dagdag pa nito.

Hindi niya alam kung ano at paano siya magrereact sa sinabi nito ngunit maging siya ay alam niyang mahihirapan talaga siya lalo pa at tantiya niya ay may kinalaman ang taong hinahanap niya sa mga taong nasa likod ng mga pagkawala ng ilang mga dalagita sa lungsod na iyon.

"Wala pang biktima ang natagpuan kahit isa man lang. Walang nakakaalam kung buhay pa ba sila o patay na dahil walang lead na makapagturo sa kung saan sila idinala ng mga taong kumuha sa kanila."

Tahimik lamang siyang nakikinig rito. Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lamang itong magsalita ng magsalita. Mamaya na siya magtatanong ng mga bagay- bagay kapag nailabas na nito lahat ng saloobin nito.

"Sasabihin ko sayo ito but sana ay saatin lang ito," seryosong sabi nito at nakatitig sa mga mata niya. Isang tango ang isinagot niya rito.

"Sa tingin ko ay may kinalaman ang padrino dito." Naningkit ang mga mata nito.

Natahimik siya. Alam din pala nito ang tungkol sa taong hinahanap niya. Ang akala niya ay ang mga secret agents lamang na katulad nila ang may alam sa terminong iyon ngunit nakakapagtaka lang na alam din pala nito iyon.

"Padrino? Where did you heard that?" Nagtatakang tanong niya rito.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito pagkatapos niyang magtanong at pagkatapos ay inilagay ang mga ilang hibla ng buhok nito tenga at iniipit ito roon.

"We are both searching for that person." Ipinagdiinan nito ang salitang that na ikinataas ng kilay niya.

"I know kaya ka interesado sa kasong hawak ko hindi ba? Dahil you are looking for a lead na makakapagturo sayo kung nasaan siya." Nakangiting sabi nito sa kanya.

Well, she's right. Pero ang isang katulad niyang agent ay hindi pwedeng sabihin ang tunay niyang misyon kahit pa rito. Hindi niya magagawang ipagkatiwala ang bagay na iyon rito dahil hindi basta basta ang taong hinahanap niya at isa pa ay paano kung traydorin pala siya nito kaya hindi pwedeng malaman nito ang totoo niyang misyon.

Agad siyang nag- iwas ng tingin at pinulot muli ang tasa sa harap niya at humigop dito. Pagkatapos ay muli siyang tumingin dito.

"Anong sinasabi mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong rito. Kailangan niyang magpatay malisya sa sinasabi nito.

Bigla itong napatawa ng pagak. "Oh come on, Cassie Mendoza." Banggit nito sa buong pangalan niya at pagkatapos ay tumingin muli sa kanyang mga mata.

Napataaas ang kilay niya sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Matagal na silang magkakilala ngunit ni minsan ay hindi siya nag open ng kahit na anong bagay tungkol sa kanya rito. Isa pa ay hindi Mendoza ang ginagamit niyang apilyido kapag nagtatrabaho siya kaya napakalaking tanong sa isip niya kung paano nito nalaman ang totoong pangalan at apilyido niya.

"The most trusted agent on the Alpha Squad." Ngising sabi nito. Napalaki ang kanyang mata dahil sa sinabi nito. Paano? Paano nitong nalaman ang tungkol sa organisasyong kinabibilangan niya? Hindi bat ang lahat ng impormasyon at detalye ng mga taong nagtatrabaho doon ay nakatago? Kaya paano nitong nalaman ang lahat tungkol sa kanya at sa organisasyon?

"Easy." Nakangising sabi nito habang nakatawa ang matang nakatingin sa kanya. Itinaas pa nito ang dalawang kamay.

"What are you talking about?" She composed herself pagkatapos niyang magulat sa mga sinasabi nito sa mga oras na iyon.

Huminga muna ito ng malalim at pagkatapos ay nakita niyang nagkibit- balikat dahil sa tanong at pagkatapos ay napahawak sa folder na dala nito kani- kanina lang at itinuon ang tingin nito rito.

"Don't worry, I won't meddle with your investigation but I want to help you–––"

"I don't need your help." She cut her up. Biglang taas nito ng tingin sa kanya habang nakataas ang kilay.

Biglang lumabas ang isang mapang- unawang ngiti sa labi nito.

"As they say." Saad nito at muling ibinaling ang mga mata nito sa folder na hawak nito. "They contacted me to help you because they know na mahirap hanapin ang taong ipinapahanap sayo––––"

"What?!" She exclaimed in misery. Anong nagtulak sa mga ito na mag- utos ng isang tao na tulungan siya sa misyon niya? Ganun ba kababa ang tingin nila sa kanya at kailangan pa na tulungan siya? Wala na ba silang tiwala sa kakayahan niya?

Napakuyom ang kamay niya ng wala sa oras. Hindi siya papayag na tulungan siya nito lalo pa ngayon at ganun ang tingin nila sa kanya. Mababa at mahina.

"Its not you are thinking na–––" ibinaba nito ang hawak nitong folder sa lamesa at napatingin sa kanya pero hindi niya ito hinayaang makapagsalita o makapagpaliwanag man lang.

"Stop." She said in a low voice. Galit siya. Galit siya dahil pakiramdam niya ay napakahina niya dahil binigyan pa talaga siya ng makakatulong sa misyon niya. All her life ay ginugol niya para lang sa kanyang trabaho tapos ay ganito. Hindi niya kailangan ang tulong nito never in her life.

Aalis na siya. Wala ng silbi na narito pa siya. Tatayo na sana siya ngunit napatigil siya ng mag- ring ang cellphone nito na nasa bulsa nito. Dali- dali nitong kinuha iyon at sinagot pagkatapos ay kunot ang noong napatingin sa kanya.

"What?!" Inis na tanong nito sa kausap at pagkatapos ay nakita niya ang pagkuyom nito ng kamay.

"Stacey Perez?"

Napalaki ang kanyang mata ng marinig ang pangalang iyon. Nanlamig siya sa kanyang kinuupuan at umahon ang kaba sa dibdib niya ng mga oras na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status