Share

Chapter 1

Walang anumang bakas na pagkatakot ang makikita sa kanyang mukha ng mga oras na iyon. Nasa harap siya ng kanilang commander na nasa pinakamataas na palapag sa building na iyon. Ipinatawag kase siya nito dahil muli ay meron na naman siyang misyon.

Isang itim na envelope ang nasa ibabaw ng mesa ng mga oras na iyon. Ang ibig sabihin lamang nito ay isang napakadelikadong misyon ang muling iniatas sa kanya.

Nasa sampung taon na siya sa serbisyo at ilang beses na rin naman siyang nabigyan ng ganitong klaseng misyon na halos itaya pa niya ang kanyang sariling buhay para lamang matapos at maisagawa niya ng maayos ang kanyang misyon.

"This is not like others before Cassie." Saad nito sa seryosong tinig. Sa sampung taon niya sa serbisyo ay ni minsan ay hindi niya pa nakita ang mukha nito. Ni kahit isang anggulo lamang ng mukha nito ay hindi niya pa rin nakikita hanggang sa mga oras na iyon dahil ang silid kung nasaan ang opisina nito ay napakadilim na halos wala ka ng makita.

Ang tanging liwanag na nagsisilibing ilaw ay isang tila night lamp sa ibabaw ng lamesa nito. Hindi niya alam kung ano ang malalim na dahilan kung bakit ayaw nitong ipakita ang mukha nito. Ayon sa kanyang mga katrabaho ay maging sila man ay hindi pa rin nila nakikita ang mukha nito kaya maging ang mga ito ay walang anumang ideya kung ano ang itsura nito.

Ang kanilang organisasyon ay binubuo ng tatlong pangkat, ang Alpha Squad kung saan siya kabilang, ang Beta Squad at ang Omega Squad. Pare- parehas lamang sila ng trabaho ngunit ang may mga nasa Alpha Squad ay mas may mga hindi pangkaraniwang mga misyon na hindi katulad nang dalawa pang Squad.

Kapag may mga malalaking personalidad na kailangan nilang arestuhin o kailangan nilang manmanan ay ang mga nasa Alpha Squad ang kanilang tinatawagan.

Sa pagkakaalam niya ay ang organisasyon kung saan siya kabilang ay konektado sa gobyerno. Ilang matataas na opisyal na nasa panunungkulan sa gobyerno ang nag- uutos ng mga misyon nila ngunit hindi niya alam o hindi niya nasisiguro kung sino ang utak sa bawat misyon na ibinibigay sa kanila.

Sa kanyang tantiya ay ang Presidente ang may utos ng lahat, ngunit nasisiguro niya na bukod dito ay may mga taong kasama pa ito na nagdedesiyon ng mga bagay bagay dahil hindi naman nito pwedeng iutos iyon ng basta - basta.

Wala siyang sagot sa sinabi nito. Nang pasukin niya ang kanyang trabaho sa kasalukuyan ay tinanong muna sila kung handa ba talaga silang pumasok sa ganoong klase ng trabaho. Una pa lang ay ipinaliwanag na sakanila kung ano ang klase ng mga trabaho nila. Sa kanilang bawat misyon ay wala dapat ni isa man ang makaalam na nasa misyon sila. Wala kahit isa.

Walang emosyon niyang dinampot ang kulay itim na envelope na nasa lamesa. Dahan- dahan niya itong binuksan upang makita niya kung ano ang nasa loob nito at kung sino a ng susunod na magiging target niya.

Sa kanyang pagtataka ay walang litrato sa loob ng envelope kung hindi papel lamang na may nakasulat. Napakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa nakasulat sa maliit na papel.

Ethan Phoenix Dios ang nakasulat sa papel. Nanatili siyang nakatitig sa papel at pilit na inaalala kung saan niya nakita ang pangalang nakasulat sa papel. Alam niyang nabasa na niya ito at narinig na niya ang pangalang ito ngunit hindi niya maalala kung saan na nga ba niya narinig ito.

Naipikit niya ang kanyang mga mata. Alam niya sa sarili niya na narinig na niya iyon, kilala niya ang taong nakasulat sa papel na iyon. Ilang saglit pa ay narinig niya ang boses ng commander niya na nagpabalik sa kanya sa kanyang sistema at nagpamulat ng kanyang mga mata.

"Will you take the mission Cassie?" Seryosong tanong nito na tila nanantiya. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang ang kamay nito ay nasa mga labi nito.

Ilang sandali siyang hindi nakaimik dahil unang - una ay hindi siya makahagilap ng salita upang maisagot dito.

Ngayon ay naalala niya na kung sino ang taong nakasulat doon. Ito ang nabalitaan niya noong pangalan ng Mafia King na nagmamay ari ng pinakamalaking bentahan ng shabu sa bansa. Ito din ang napapabalitang supplier ng mga armas ng mga rebelde kaya patuloy pa ring lumalaganap at dumadami ang mga rebelde sa bansa.

"Again, I am asking you will you take the mission?" Muling tanong nito sa kanya. Napatitig siya sa papel na hawak niya. Nasisiguro niya na hindi magiging ganuon kadali ang iniaatang na misyon sa kanya. Hindi ganun kadali at hindi basta bastang tao ang kailangan niyang patumbahin.

Kaya ba niya? Isa lamang siyang babae. Nasisiguro niya na ilang daan ang mga tauhan nito na kailangan niyang lampasan bago niya makaharap ito. Isa pa ay halos walang  ganun kadaming impormasyon na nakasulat doon kaya nasisiguro niyang mahihirapan siya.

"Kung hindi mo kaya ay pwede ko namang ipasa sa iba-----"

"No sir. I will take the mission." Matatag at taas noo niyang sagot dito. Hindi siya basta basta umaayaw at sumusuko sa kanyang  mga misyon.

Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito sa mga oras na iyon. Kitang- kita niya rin sa mga mata nito ang kakaibang kislap ng mga ito ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin pa.

"You know how dangerous that man is so be careful. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin, he could kill you if he found out the truth so you need to be very careful with your actions." Mahabang lintaya nito sa kanya. Isang tango lamang ang naging sagot niya rito dahil alam niya naman sa sarili niya na talagang dapat lang siyang mag - ingat.

"So that's all for today good luck for your mission." Sabi nito at pagkatapos ay iniikot na nito ang swivel chair nito paharap sa likod nito.

Siya man ay tumalikod na rin habang dala ang envelope, pagkatalikod ay mabilis niyang isinilid sa loob ng envelope ang maliit na papel at pagkatapos ay isinilid niya din sa kanyang suot na black coat ang kulay itim na envelope. Hindi maaaring ipagsabi kahit kanino kung ano ang kulay ng envelope ang natanggap mo kaya mabilis niya itong itinago sa kanyang bulsa.

Ngunit bago pa man siya makarating sa pinto at bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto upang tuluyan ng makalabas ay napatigil siya ng marinig ang tinig ng kanyang commander.

"Always remember our only rule Cassie, no matter what happens do not utter any word when you were caught." Seryosong sabi nito. Siya ay nanatili lamang na nakatayo habang nasa tapat ng pinto. Bilang isang miyembro ng Alpha Squad ay alam na alam na niya iyon. Nakailang misyon na rin naman siya at ni isa sa mga iyon ay hindi pa siya nahuhuli kahit minsan sa buhay niya, ngunit sa misyon niyang iyon ngayon ay alam niyang hindi magiging ganun kadali ang lahat.

"I know Sir." Magalang niyang sagot dito. Wala na siyang narinig na sagot pa rito kaya tuluyan na siyang lumabas mula sa silid nito. Pagkalabas niya ng opisina nito ay napabuga siya ng hangin. At pagkatapos ay tinanong niya ang kanyang sarili kung kaya nga ba niya ang ibinigay na misyon sa kanya.

Alam niya kung ano ang kapasidad niya, at hindi sa nawawalan siya ng kumpyansa sa kanyang sarili ngunit ibang- iba ito sa mga nakaraang mga misyon niya.

Hindi niya namalayan na lumilipad na pala ang isip niya at tyaka lamang bumalik ang kanyang pag - iisip ay noong may nakabanggaan siya mula sa kanyang paglalakad.

Napapikit siya at napamura ng mahina dahil sa malakas na pagbangga niya mula sa matigas na dibdib ng kung sino man. Awtomatikong napatingala siya sa kanyang nabangga at nasalubong ng kanyang mga mata ang nakangising si Ayden na nasa Alpha Aquad din kasama niya.

Halos tumirik ang kanyang mga mata dahil sa pag- irap. Hindi niya alam ngunit napaka init ng dugo niya dito dahil habang nakikita niya ito na nakangiti ay mas lalo lamang kumukulo ang kanyang dugo.

Palibhasa ay napakayabang nito sa pananalita at sa mga gawa. Hindi niya naman masisisi ito lalo na at may itsura naman ito kaya may ipagmamayabang talaga ngunit sa kanya ay wala man lang ka appeal appeal ito.

Hindi na siya nagsalita pa at umiwas na lamang rito. Ayaw niyang sayangin ang oras niya para lamang sa taong ito dahil kailangan na niyang maghanda para sa kanyang misyon dahil bukas na bukas ay kailangan na niyang gumawa ng kanyang hakbang upang matunton ang kanyang target. .

Kailangan niya ng matinding pananaliksik para malaman ang mga lugar kung saan ito pwedeng matagpuan at kung sino ang mga taong kasabwat nito.

Nilampasan niya ito at hindi pinansin, wala siyang pakialam kung ano ang mga sinabi nito at tila wala nalang siyang naririnig. Nagtuloy- tuloy siya sa elevator upang makababa na sa ground floor kung saan matatagpuan ang parking area. Pagbukas ng elevator sa ground floor ay mabilis siyang naglakad papunta sa parking area kung saan matatagpuan ang kanyang kotse.

Mabilis siyang sumakay dito at mabilis na inalis ang kanyang suot na coat at maging ang envelop na nasa bulsa nito ay inilabas niya at ibinababa sa tabi niya at mabilis na pinasibad ang kanyang kotse paalis doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status