Share

Chapter 2.1

Napahawak si Cassie sa suot niyang salamin at napatitig sa oras na nasa ibabang bahagi ng kanyang laptop, alas onse na pala ng gabi at hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. Hanggang sa mga oras kase na iyon ay naghahanap pa rin siya ng magiging lead niya kung saan niya pwedeng mahanap ang kanyang target.

Humigop siya ng kanyang kape na nasa tabi ng laptop niya at wala sa sariling napatitig sa screen ng laptop niya. Binabasa niya kase ang isang artikulo na inilabas ng isang dyaryo tungkol sa isang lalaking lumabas at isiniwalat ang pinakamalaking prostitusyon na nagaganap sa buong bansa.

Ayon dito ay laganap ito sa buong bansa at hindi lamang sa iisang lugar meron ito, ayon din sa lumabas na tao na nagsiwalat ng lahat ng ito ay napakalaking pera ang kinikita ng mga taong nasa likod nito. Dagdag pa nito ay halos mga menor de edad ang kabilang sa prostitusyon na sinasabi nito kung saan ang iba ang naghuhubad sa harap ng mga camera habang may mga banyagang nanunuod sa kanila at binabayaran ito ng malaki ng mga banyagang ito.

Ang iba naman daw ay sadyang may mga bahay o buildings na malayo at doon nila isinasagawa ang prostitusyon kung saan ay nagagawa nilang hawakan at hipuin ang mga biktima, ang iba pa raw ay halos hindi na makalakad kiaumagahan pagkatapos nilang 'gamitin' ang mga ito.

Habang nagbabasa pa siya ay mas lalo lang siyang nawala sa kanyang inaaral na balita dahil ilang araw lamang mula nang lumabas ang star witness na nakatago pa ang pagkatao mula sa madla at nakasailalim pa sa protection ng pulisya ay bigla na lamang nawala.

Hindi niya tuloy alam kung dapat niya bang sisihin ang mga pulis na nagbabantay rito. Dahil kung tutuusin ay napakalaking tulong ng lalaking lumabas na ito para sa kanyang misyon. Ngunit ayon sa imbestigasyon ay maging ang mga pulis na nagbabantay sa star witness na ito ay pinatay lahat. Ayon sa balita ay nasa limang pulis ang nakatalagang magbantay rito at ni isa man sa kanila ay wala man lang pinalad na mabuhay.

Ang mga cctv sa bahay kung saan nangyari ang krimen ay sira na kinaumagahan kaya halos wala din maituro ang mga pulis na nag- imbestiga sa krimeng iyon. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay alam niya na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis.

Ang mga cctv na malapit sa bahay na iyon ay halos wala din makitang kakaibang mga sasakyan na nakitang dumaan. Sa isip isip niya ay napakalinis talaga gumawa ng mga taong iyon na halos hindi mag - iwan ng bakas sa kung anuman ang kanilang ginagawang mga krimen.

Nakatitig lang siya sa monitor ng kanyang laptop at nag iisip. Nag - iisip kung ano ang unang magiging hakbang niya bukas ng umaga upang matunton ang pinagtataguan ng kanyang target.

Nawala siya sa kanyang pag - iisip ng mag- vibrate ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa at umilaw ito. May nag pop- up na message galing sa kanyang kaibigan na si Stacey. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at binuksan niya ang mensaheng galing sa kanyang kaibigan.

'Many girls are reported to be missing these days. Always be careful, they choose beautiful ones to abduct.'

Awtomatikong napangiti siya nang mabasa ang mensahe ng kanyang kaibigan. Hindi naman na ito dapat pang mag- alala sa kanya dahil unang - una ay kayang - kaya niya ang sarili niya. Isa pa ay nag- aral siya ng self defense kaya kumpyansa siyang kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili kahit sa kanino man.

Si Stacey ay high school friend niya, ito ang naging karamay niya sa mga pagsubok na dumaan sa buhay niya, lalo na noong mga panahong hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya. May sakit niya noong mga panahong iyon, tandang tanda pa niya may isang kakilala ang kanyang mga magulang na nag- imbita sa kanilang pamilya na dumalo sa isang pagtitipon.

Dahil nga may sakit siya ay hindi siya nakasama at naiwan siyang mag - isa sa kanilang munting tahanan. Kasama ng kanyang mga magulang ang kanyang dalawang nakababatang mga kapatid na kaparehas niya ring babae, ang edad ay sampu at walo. Labing tatlong taong gulang na siya ng mga panahong iyon.

Halos magkombulsyon siya sa sobrang taas ng kanyang lagnat ng mga oras na iyon. Nasa utak niya pa noon na bakit mas ginusto pa ng kanyang mga magulang ang magpunta sa pagtitipon na iyon kaysa ang alagaan siya lalo na at napakataas ng lagnat niya ng mga oras na iyon.

Ngunit iwinaksi na lamang niya ang isiping iyon dahil ayaw niyang makaramdam ng pagtatampo sa kanyang mga magulang. Itinulog na lamang niya ang kanyang nararamdaman hanggang sa napaginipan niya ang kanyang mga magulang. It was odd, bulong niya sa kanyang sarili pagkatapos niyang magising dahil sa kanyang panaginip. Sa kanyang panaginip kase ay nakangiti ang mga ito sa kanya kasama ng dalawa niya pang kapatid papasok sa isang lugaw na punong- puno ng kulay puting bulaklak.

Hindi niya alam at hindi niya maintindihan ngunit bago tumalikod ang mga ito sa kanya ay sinabi pa nilang mahal na mahal nila siya, kaya nang magising siya ay may luhang sumungaw sa kanyang mga mata.

Napalingon siya sa orasan na nakasabit sa dingding ng kanilang silid at pagkatapos ay inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid kung saan nakikita niyang bakante pa rin ang dalawang kama na nasa kanyang tabi, tanda na wala pa ang kanyang mga kapatid at ang kanyang mga magulang pero ala una na ng madaling araw sa orasan.

Hindi niya maiwasan ang magtaka, dahil ang sabi ng kanyang Mama kanina ng magpaalam sa kanya ay hindi sila aabutin ng alas dose dahil mabilis lang naman daw ang dadaluhan nilang pagtitipon kaya muli ay napalingon siya sa orasan. Napakaimposible namang hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ang mga ito.

Kahit hirap at kahit nanghihina ay pinilit niya ang sariling tumayo upang lumabas ng kanyang silid at upang sa sala na niya hintayin ang mga ito. Kahit nanghihina siya ay pinaghirapan niya ang paglalakad para makaabot lamang sa kanilang salas kung saan niya ibinagsak ang kanyang sarili sa malambot na sofa at nahiga.

Napapikit siya ng kanyang mga mata, nahihilo siya at sobrang sumasakit ang ulo niya. Para ring umiikot ang paligid dahil sa nararamdaman niya hanggang sa iminulat niya ang kanyang mga mata at napalingon sa mesita na nasa harap lang niya. Nakalapag doon ang remote ng telebisyon nila kaya unti- unti niya itong inabot at wala sa sariling binuksan niya ang tv.

Dahil sa labis na pagkahilo ay hindi na niya nakuhang ilipat pa ang channel ng tv, awtomatiko na lamang pumikit ang kanyang mga mata at pinakinggan na lamang ang telebisyon.

"Isang kapapasok lamang na balita, isang pagsabog ang naganap sa isang staduim kung saan dinaluhan ng isang libo mahigit na katao. Ayon sa mga nag- iimbistiga ay walang natirang buhay kahit isa sa loob ng staduim..." Hindi na niya inintindi pa ang mga sumunod na sinabi ng tagapagbalita. Kahit sobrang sakit ng ulo niya ay pinilit niyang bumangon at iminulat niya ang kanyang mga mata upang makita kung saang staduim naganap ang pagsabog na sinasabi nito.

Sa baba ng screen ay naka- flash doon kung anong staduim ang sumabog at halos manlumo siya sa kanyang nakikita dahil ang staduim na nakalagay doon ay iyon ang pinuntahan ng kanyang mga magulang.

Napailing siya, unti- unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ito totoo, isang masamang panaginip lang ito. Bulong niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay napahawak sa kanyang ulo. Tila ba sasabog ang kanyang ulo dahil sa kanyang napanood. Halos parang may nakabara din sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang huminga.

Nag- unahan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata ng mga oras na iyon. Kakaibang sakit ang gumapang sa kanyang dibdib na halos humagulgol siya.

Bakit? Tanong niya sa kanyang isip. Bakit nangyayari sa kanya ang ganito? Nanaginip lang siya hindi ba? Pinilit niya muling ipikit ang kanyang mga mata ng mariin dahil baka panaginip lang ito at sa kanyang muling paggising ay kasama niya na ulit ang kanyang mga magulang.

Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil parang mawawalan na siya ng hininga, pagkatapos ay hindi niya namalayan na nahulog siya mula sa sofa at sa nanlalabo niyang mga mata ay nakita niya ang pares ng paa at nakarinig siya ng mga yabag palapit sa kanya.

"Mama, Papa..." Nanghihinang bulong niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status