Share

Chapter 3.6

Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.

Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari.

Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhobe Ramirez Rotia
update plss Ang ganda Ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status