Share

Chapter 2.2

Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, ramdam na pa rin niya ang panghihina ng katawan niya. Puting kisame ang sumalubong sa kanyang mga mata pagkamulat ng mga ito.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi iyon ang kwarto nila ng mga kapatid niya hanggang sa itaas niya ang kanyang kamay kung saan may nakatusok doong swero, at tyaka lamang niya napagtanto na nasa ospital pala siya dahil nang yukuin niya ang kanyang sarili ay nakasuot na siya ng hospital gown.

Gusto niyang bumangon ng mga oras na iyon ngunit nanghihina pa rin ang katawan niya. Walang- wala pa rin itong lakas. Gusto niyang hanapin ang mga magulang at kapatid niya, gusto niyang itanong sa mga tao kung nasaan sila. Pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasisiguro niya iyon, siguro sa sobrang lagnat niya ay iyon na ang naging epekto nito sa kanya.

Napalingon siya sa pinto nang may pumasok. Si Stacey ang pumasok sa loob ng silid kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Malungkot ang ekspresyon ng mukha nito at gulat na napatingin sa kanya pagkapasok nito. Mabilis na nagbago ang ekspresyon nito habang papalapit sa kanya. Nang makalapit na ito ng tuluyan sa kanya ay mabilis siya nitong niyakap, yakap na punong- puno ng pagmamahal.

Hindi siya agad nakagalaw upang suklian ang yakap nito at nanatili lamang siyang nakahiga doon, hanggang sa unti- unting gumalaw ang mga balikat nito tanda na umiiyak ito. Pahigpit ng pahigpit ang yakap nito sa kanya ng mga oras na iyon.

Hindi niya alam pero muli ay naramdaman niya na tila pinipigang muli ang puso niya. Wala man itong sinasabi habang yakap yakap siya nito ngunit ramdam na ramdam niya ang bigat na dinadala nito ng mga oras na iyon.

"Sorry..." Sambit nito at pagkatapos ay rinig na rinig niya ang bawat hikbi nito, hanggang sa naging hagulgul na ito.

Nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata. Nagsimulang umahon ang sakit sa dibdib niya. Napailing siya, pilit na inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kanya.

Nginitian niya ito ng mapakla habang ito ay nakatingin sa kanya nang naguguluhan at may mga luhang umaalpas sa mga mata nito.

"A- ano bang sinasabi mo?" Biglang nagkaroon ng bikig ang kanyang lalamunan nang mga oras na iyon. Kahit nanghihina ay pinilit niya ang maupo sa kamang kinalalagyan niya.

"Iuwi mo na ako, hinihintay na nila ako Stacey..." Pekeng ngiti ang pinakawalan niya ng mga oras na iyon habang ang kanyang mga luha ay unti- unti ng bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Nakita niya ang pag- iling ni Stacey habang nakatingin sa kanya. Kitang- kita niya ang awa sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya ng mga oras na iyon. Akala niya paggising niya ay okay na, akala niya ay panaginip lang lahat ng nangyari kagabi ngunit nagkakamali pala siya.

Ibinaba niya ang kanyang mga paa sa sahig at nang lumapat ang malamig na semento sa kanyang mga paa ay halos matumba siya, walang lakas ang katawan niya.

Agad na tumakbong muli si Stacey upang alalayan siya ngunit iwinaksi niya ang mga kamay nito kaya wala itong nagawa kundi ang lumayo sa kanya.

Ikinapit niya ang isang kamay niya sa kama, walang ibang maririnig sa silid na iyon kundi ang paghikbi ni Stacey.

Iniyuko niya ang kanyang ulo, ang kanyang mga luha ay walang humpay sa pagtulo.

Napahawak siya sa dibdib niya at pagkatapos ay humigpit ang hawak niya rito. Napakasakit.

Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol nang mga oras na iyon. Bakit? Napatanong siya sa kanyang sarili.

Hanggang sa unti- unti siyang bumagsak sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Nanatili siyang nakayuko habang umiiyak. Wala na siyang pakialam kung marinig pa siya ng ibang tao sa labas o sa kabilang silid dahil sa lakas ng pag- iyak niya ng oras na iyon.

Hanggang sa umupo na rin sa tapat niya si Stacey at hinawakan ang dalawang kamay niya ng mahigpit.

"Magpakatatag ka..." Humihikbing sabi nito habang pinipisil ang mga kamay niya.

Tanging pag- iyak ang naging sagot niya rito. Napakasakit sobra. Napakabata niya pa para maulila.

"Bakit? Bakit nangyayari ito Stacey?" Hilam ang mga matang tumingin siya rito.

Nagpunas muna ito ng mga luha bago sumagot sa kanya. Humugot din muna ito ng malalim na hininga bago inumpisahang magsalita.

"Walang nakakaalam kung bakit nangyayari ang lahat ng bagay Cassie. Wala kahit isa." Sagot nito at muli ay bumagsak na naman ang mga luha nito sa mga mata.

Yumuko siya, dahil ayaw niyang makita ang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Naaalala ko pa ang sabi sakin noon ng Mama ko na, kahit anong iwas mo sa isang bagay kung iyon ang nakalaang mangyari wala kang magagawa, kung iyon ang plano ng Diyos ay wala kang magiging laban doon." Dagdag pa nito at ramdam na ramdam niya ang sakit sa tinig nito ng mga oras na iyon.

"Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan Cassie, alam ko." Gumaralgal ang tinig nito. Mas lalo lamang siyang naiyak dahil sa mga sinasabi nito sa kanya.

"Alam ko kung anong sakit ang dala- dala mo lalo na at buong pamilya mo ang nawala. Pero Cassie, lagi mong iisipin na lahat ng bagay ay may dahilan----"

"Dahilan?" Puno ng sakit na tanong niya rito. Wala pa ring patid ang pag - agos ng luha mula sa kanyang mga mata. "Anong dahilan Stacey? Para pahirapan ako?" Puno ng sakit na tanong niya rito.

"Cassie, hindi mo kase naiintindihan----"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi Stacey! Nasasabi mo yan kase hindi ikaw." Humihikbing sambit niya rito. Wala na siyang pakialam kung panay na ang tulo ng luha sa kanyang mga mata dahil hindi na siya nag - abala pang punasan ito. "Hindi ikaw ang nawalan, hindi ikaw ang namatayan ng buong pamilya..." Puno ng sakit na sabi niya rito.

Wala namang imik ito sa sinabi niya ngunit katulad niya ay tumutulo pa rin ang mga luha nito sa mata.

"Bakit hindi na lang ako sinama para sama- sama na lang kami? Para wala na akong sakit na maramdaman hindi yung nabuhay ako pero puro sakit lang ang mararamdaman ko. Sana namatay nalang din ako Stacey kasama nila..." Sambit niya na halos namamaos na ang tinig niya dahil sa sobrang pag- iyak. Hindi niya mapigilan ang pagragasa ng sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Walang makakaintindi sa sakit na nararamdaman niya dahil hindi sila ang nasa lugar niya noong mga oras na iyon. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan ng kapamilya na hindi lang isa kundi apat pa.

"Sana kasama nalang ako..." Patuloy ang paghikbi niya habang sinasambit iyon. Hanggang sa muli niyang naramdaman ang mainit na yakap ni Stacey.

Nanghihina na siya, bakit parang sobra naman yata ganun kalupit ang tadhana sa kanya. Ang dami namang iba bakit mga magulang at mga kapatid pa niya?

Hindi niya namalayang napayakap na rin siya kay Stacey. Mas humigpit pa ang yakap sa kanya ni Stacey nang mga oras na iyon, napapikit siya.

"Andito lang ako lagi Cassie..." Bulong nito habang hinahagod ang likod niya at kino- comfort siya mula sa sakit na pinagdadaanan niya sa mga oras na iyon.

Ngunit kahit bali- baliktarin mo man ang mundo, kahit lagi pang nandyan si Stacey para sa kanya ay iba pa rin ang tunay niyang pamilya.

HINDI niya namalayan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Napakatagal ng panahon ang nakalipas ng mangyari ang bagay na iyon ngunit sa kanyang alaala ay napakasariwa pa rin nito, maging ang sakit na idinulot nito sa kanya at sa buong buhay niya ay nagkaroon ito ng malaking papel sa buhay niya.

Halos ilang buwan siyang hindi makatulog sa gabi noon, halos gabi- gabi siyang dinadalaw ng mga alaala ng mga magulang at kapatid niya at halos gabi- gabi rin siyang nagigising at umiiyak.

Ilang taon bago niya napaghilom ang sugat na dulot n'yon, ngunit habang buhay ay dala- dala niya iyon. Kaya siya nasa ganuong uri ng trabaho ay dahil iyon sa mga magulang niya. Nalaman niya noon na hindi aksidente ang lahat, hindi aksidente na bigla na lamang sumabog ang staduim na iyon kundi dahil meron talagang nagpasabog dito. Ngunit sa paglipas ng taon ay halos wala silang maipakitang ebidensiya at wala silang mahanap na lead kung sino ang may gawa ng karumal dumal na krimen na tulad n'yon na ikinasawi ng napakaraming mga tao.

Gusto niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang niya kaya nagsikap siya na makarating kung nasaan man siya ng mga oras na iyon. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang lead kung sino nga ba talaga ang may utak ng lahat ng iyon. Nasisiguro niya na konektado ang may gawa ng bagay na iyon at sa target niya sa kasalukuyan niyang misyon.

Naipikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay napahikab na. Sa muling pagmulat niya ng kanyang mga mata ay napatitig siya sa oras halos mag- aalauna na pala. Hindi niya namalayan na ganun kabilis ang oras. Agad na siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at mabilis na itiniklop ang kanyang laptop, kailangan niyang matulog na dahil maaga pa siya bukas upang maghanap ng magiging lead niya kung saan niya mahahanap ang kanyang target.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status