Share

Chapter 3.5

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.

Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.

Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita.

"Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan.

"Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.

Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status