“ANONG nangyayari dito?!” rinig niyang boses ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya iyon inintindi. Mas nananaig ang sakit at awa sa sarili na pinaparamdam sa kaniya ng kaniyang asawa.
“B-Buntis?” sumulyap siya sa tiyan ng babae.Gusto niyang matawa. Ayaw niyang maniwala na magagawa sa kaniya iyon ni Herbert. Umiling siya dito ng ilang beses ngunit malungkot lamng siyang sinuklian nito ng tingin. Natulala siya saglit bago nanginginig sa pag iyak na lumapit dito at lumuhod. Binalewala ang mga salitang narinig. Sa isip niya ay tatanggapin niya iyon. Kung totoo man. Huwag lang iwanan ng kaniyang asawa.
“P-Please, Herbert. Wag ito…gagawin ko ang lahat. Wag mo lang akong hiwalayan. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita.”
Ni hindi niya na maaninag ang mukha ng lalaki at kahit pa ang emosyon sa mukha nito. Nabubulag na siya sa sakit at sa mga luhang wala ng tigil sa pag apaw sa mga mata niya.
“Eleanor?! Tumayo ka nga diyan! Anong kadramahan ito?!” sigaw ng biyenan niya pa ngunit mas kumapit lamang siya sa binti ng asawa. Yumakap siya doon habang umiiyak at nagmamakaawa. Natigil nga lamang nang magsalita muli ang lalaki.“Tama na, Eleanor. Hindi na kita mahal. Si Clarisse na ang mahal ko. Tigilan mo na ito. I'm sorry.”
Umalis siya matapos marinig iyon. Mabibigat ang hakbang na lumabas siya ng gate ng mga Jimenez kahit na umaambon at lumalakas pa iyon. Hindi siya tinawag ng asawa o kahit ng kaniyang biyenan. Hindi na rin naman siya umasa pa.
Lumakad siya sa gilid ng kalsada na walang saplot ang mga paa at nababasa sa ilalim ng pagbuhos ng ulan. Nahihilo siya sa sakit ng dibdib niya. Nagpapaulit ulit and mga narinig niyang masasakit na salita mula sa asawa niya. Pinepeste ang tainga niya at mas dinidiin ang hiwa sa puso niya.
Tumingin siya sa kalsada at sa mga parating na sasakyan. Sa isip niya, baka bumalik ang asawa niya sa kaniya kapag pisikal siyan masasaktan? Baka maisip nitong mahal siya nito at hindi si Clarisse kapag naghihingalo na siya? Na maaaring magsisisi ito at maiisip ang mga pangako nito na binitawan sa araw ng kasal nila noon kapag may mangyaring masama sa kaniya?
Sa iisiping iyon ay humakbang siya ng isa, dalawa, tatlo papagitna. Hindi na gumagana ng tama ang isip niya. Wala ng pakealam sa kung anong mangyari sa kaniya. Kasabay nang malakas na pagtunog ng preno ng sasakyang papalapit ay ang pagkawala ng kaniyang malay.
NAGISING si Eleanor at nakita ang sarili sa puti at malinis na kwarto. Saglit pa siyang natulala. Naalala niya ang nangyaring pag uusap nila ng kaniyang asawa at ng kabit nito, at ang ginawa niyang walang pagdadalawang isip na pagpapakamatay.Napapikit siya para pigilan ang butil ng luha. Naaawa siya sa sarili at natatangahan.
Naimulat nga lamang niya ang mga mata nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Dumapo ang tingin niya doon. Pumasok ang isang may katandang babae na nananatili parin ang ganda bagamat may edad na, kasunod ang isang mas batang lalaki na tantsa niya ay kasing edad ng asawa niya o higit pa. May pinag uusapan ang mga ito ngunit natigilan lang nang makita siyang mulat na ang mga mata.
Mabilis na lumapit sa kaniya ang ginang na may ngiti sa labi at pag alaala.
“Hi, sweetheart. How are you? May masakit paba sayo?” nilingon nito ang lalaki sa likuran at inutusan. “Noah, call the doctor.”
Sumulyap pa muna sa kaniya ang malalalim at malalamig na mga mata ng lalaki bago ito tumango sa matandang babae at lumabas.
“The doctor said you're safe now. Pero nag aalala parin ako sayo. Mataas ang lagnat mo kanina.” Ani ng matanda at hinawakan siya sa kamay. “I'm sorry hija. Muntikan kana naming mabangga kanina.”
Tinitigan ni Eleanor ang may sinseridad na mga mata ng matanda bago siya umiwas at inilayo ang mga kamay. Ayaw niyang makita at mabasa nito ang kalungkutan niya.
“O-Okay lang po. Kasalanan ko din iyon.” Nilunok niya ang bukol sa lalamunan upang hindi muling umiyak. “Salamat sa pagdala sakin dito ngunit aalis na po ako.” Dugtong niya bago ibinaba ang mga paa para tumayo.
“Huh?” Gulantang ang matanda. Agad siya nitong pinigilan sa pagtayo bago pa makaalis. Ayaw niya namang maging bastos kaya hindi niya ito maitulak.
“I'm sorry hija, but I won't allow you to just leave yet.” Matigas at madiing sabi ng babae sa kaniya bago muling bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang doctor, nurse at ang lalaking kasama ng matandang babae kanina. Sabay sabay na napatingin ang tatlo sa kaniya.
Mahina siyang itinulak ng matanda para mahiga muli bago inilahad sa doctor na natawa naman sa nakita. Wala na siyang nagawa kundi manatili.
Tanging tango na lamang ang sinagot niya sa doctor sa mga katungan nito. Wala siyang maintindihan dahil nililipad ang isip niya.
“I guess right, you still haven't eating anything kaya nahimatay ka kasabay pa ng lagnag mo.” Ani ng matandang babae matapos makaalis ng doctor.
Pwede na raw siyang umuwi ngunit nang marinig naman iyon ay parang ayaw niya ng kumilos papaalis ng kama. Wala siyang lakas ng loob harapin ang katotohanan at bumalik. Ayaw niyang makita ang asawa niya at ang kabit nito. Bukod doon ayaw niyang makarinig na naman ng masasakit na salita dahil baka hindi niya na kayanin pa.
“Hija, do you want to eat anything? We have fruits here but if you want something, we can order it. But it must be healthy.”
Nanatili lang ang mata niya sa gilid, blanko at walang gana sa lahat.
Narinig niya ang buntong hininga ng matanda. Bago ang baritonong boses ng lalaki.
“Let's go, grandma. Sobra sobra na ang ginawa mo sa kaniya kahit wala naman talaga tayong responsibilidad sa kaniya. If she can't see your gratitude, then it's her bad. Let's just go. You need to go home now and I am already late on my meeting. Maraming oras na ang naubos natin dito” Prankang rinig niya mula doon.
“Noah, I don't like your words and tone!” The old woman hissed.
Bumuntong hininga si Eleanor at pinahid ang mata bago pumihit papaharap sa mga ito at bumangon. Aalalayan sana siya ng matanda nang umiling siya at bahagyang ngumiti.
“P-Pasensiya na po kayo uh…babayaran ko na lang po ang pinagbayad niyo dito…” lumunok siya at napatungo nang makita ang mga mata ng lalaki. Nahihiya siya sa dalawa. “Salamat po…pasensiya na talaga hindi ko lang talaga uh…” paputol putol niyang sabi hanggang sa yakapin siya ng matanda. Ikinagulat niya iyon at siguradong kitang kita iyon sa mukha niya.
“It's okay hija, just cry.”
Tila kulbit iyon para kusang bumuhos ang tinatago niyang sakit. Umiyak siya at humagulgol sa balikat ng matandang babae. Sa wakas ay may naramdaman siyang karamay. Hinayaan naman siya ng matandang umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog na lamang siyang muli.
Nilingon ng matanda ang tinuturing nitong apo na si Noah na nasa likuran parin at nakasandal sa pader. Tumango ito at tinulungan siyang ihiga si Eleanor ng maayos. Hinaplos ng matanda ang mukha ni Eleanor, na mayroong magang magang mga mata dahil sa kakaiyak. Hindi man niya alam ang nangyari kay Eleanor, ramdam niya at kitang kita niya naman ang pinagdaanan nitong sakit na gumuguhit sa mukha at mga mata nito. She's feel pity for her.
“Don’t you think, she looks like my Elizabeth?”
Ngumiwi si Noah habang magka krus ang mga braso. Nakatutok din ang mata sa natutulog na si Eleanor.
“Here we go again. Ilang beses ko na bang narinig iyan?” Iniwas nito ang tingin sa babae at ipinako sa matandang natatawa. “Grandma, hindi kamukha ng inyong namayapang anak ang bawat babaeng makikita niyo.”
Umirap ang matanda sa kaniya bago pinisil ang kamay ni Eleanor.
“Ngunit iba ang pakiramdam ko sa batang ito, Noah. Parang may lukso ng dugo.”
Umiling na lamang si Noah dahil sa kabaitan ng kaniyang lola.
“I don't think so. Baka manggantso iyan, grandma. Nakita mo ba kung paano siya tumawid kanina kahit na kita niya namang padating ang sasakyan natin?”
Tinaliman ng tingin ng matanda ang lalaki dahil sa narinig.
“Stop being heartless, Noah!”
Napanguso na lamang ang isa.
Binalingan muli ng matanda si Eleanor. “Wala siya sarili noon. Mukhang may pinagdadaanan siya at siguro'y hindi na nakayanang labanan ang emosyon. And I know that well. I've been through that kind of pain too, once. Noong mamatay ang anak ko at asawa.”Pinahid niya ang luha na lumandas sa pisnge ni Eleanor kahit pa natutulog, bago tinignan ang apo.
“And so, if she needs someone to lean on, I'm very willing to open my arms for her. Who else should be with her aside from me?”
Umiling si Noah para pigilan ito. “Grandma, just let her go. Wala kang responsibilidad sa kaniya. Pinatawag ko na rin naman ang asawa niya. That's enough, okay?”
Nagtagal ang tingin ng matanda sa apo bago binalikan si Eleanor.
“So, may asawa na siya? Pero bakit nandoon siya kanina at tila basang sisiw? Bakit hinayaan ng asawa niyang mag isa siya?”
Napahinga ng malalim si Noah bago ipinako ang tingin kay Eleanor.
“Who knows? Maybe her husband is stupid. Well, he really is.” Tiim bagang sagot ni Noah. “That assh*le. I knew he's good for nothing." Bulong niya pa.
“Who? Kilala mo?” muling lingon ng matanda.
Napabuntong hininga si Noah. “You won't believe it, grandma. It's the first son of the Jimenez. Si Herbert Jimenez.”
Kumibot ang kilay ng matanda bago napatinging muli sa babae. Akala ni Noah ay guguhit ang pandidiri at galit sa mga mata ng matanda para sa babae matapos malaman kung sino ito ngunit ikinagulat na lamang niya ang sunod niyang narinig.
Ngumiti ng maliit ang matanda sa kaniya bago nagsalitang muli. “Sundan mo siya kung ganoon. At kapag kailangan niya ng tulong, dalhin mo sakin.”
UMAGA na nang magising si Eleanor. Masakit at mahapdi ang mga mata niya nang magmulat. Akala niya noong una ay nananaginip pa siya nang makita ang sarili sa kwarto nila ng kaniyang asawa dahil ang pagkakatanda niya ay nasa hospital siya ngunit nang bumukas ang pintuan at pumasok si Herbert, nakumpirma niyang hindi siya nananaginip. Nakauwi na siya. Magtatanong palang sana siya tungkol doon at sa mga taong tumulong sa kaniya nang naunahan siya ng asawa sa pagsasalita. “You're awake. Uh, I already…file our divorce paper.” Anito at inabot sa kaniya ang isang brown envelope. Ni hindi man lamang siya nito kinamusta. Ang pakay lang talaga ng lalaki ay ipakita ang papel sa kaniya. Muling dumagan ang bigat sa dibdib ni Eleanor. Akala niya ay magbabago ang isip ng asawa. Umaasa siyang hindi sila maghihiwalay, na siya parin ang pipiliin nito ngunit naglaho ang pag asa niya nang marinig ang mga salita nito. “Desigido kana talaga…”puna ni Eleanor sa garalgal na boses. Umiwas naman ng tingin
Chapter 4 MAINIT na haplos ng sikat ng araw ang gumising kay Eleanor. Dahan dahn siyang nagmulat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Agad na bumungad sa kaniya ang di pamilyar na lugar. Saglit niya pang inilibot ang tingin. Mula sa mga muwebles hanggang sa mga dekorasyon bago agarang napabalikwas ng kama matapos mapagtantong hindi iyon ang kwarto nila ni Herbert. “Nasaan ako?” aniya sa sarili. Tulala siya nang magbukas ang pintuan. Mahigpit na napayakap siya sa kumot bago inabangan ang papasok sa kwarto. Isang babaeng dalagita na nakaunipormado bilang katulong ang nakita niya. Napatigil ito sa paghakbang papasok nang makita siyang nakamulat na ang mga mata. Bumulaga ang mata ng babae bago agarang tumungo sa kaniya at nagsabing, “Magandang umaga po! Kanina ko pa po kayo hinihintay magising. Ako nga po pala si Rita. Hayaan niyo po akong pagsilbihan po kayo!” Saglit na nangapa ng sasabihin si Eleanor. Nagugulat parin siya at nalilito sa nangyayari. Ang naalala niya ay nakikipag agawan
Chapter 5 “AKO NGA. May problema ka?” wala mang ekspresyon ang mukha ngunit mahihimigan naman ang yabang sa boses ng lalaki. Napayukom ng mga kamay si Eleanor bago sila kapwa nagtagisan ng tingin. Hindi niya alam kung bakit simula palang ay tila may tinatago na agad na galit sa kaniya ang lalaki kahit dalawang beses pa lamang silang nagkikita. Hindi niya maintindihan ang ugali nito at wala rin naman siyang balak intindihin pa. Tuloy ay unti unti niya nang naiisip na masasama lahat ng lalaki dahil lahat ng nakikilala niya ay ganoon ang trato sa kaniya. “Op! Tama na iyan! Hindi kayo dapat mag away.” Singit ng matanda. Tumingin ito sa lalaki sa paraang may nagbabantang tingin. Bahagyang napanguso ang lalaki bago nag iwas ng tingin. Inilipat naman ng matanda ang tingin kay Eleanor. “Pasensiya kana hija dito sa apo ko. Wala pa kasi itong nagiging matinong girlfriend kaya ganito ang ugali.” “Grandma?!” iritadong sabi ng lalaki ngunit tinalikuran laman siya ng matanda bago iginayang
MARIING binasa ni Herbert ang pirma ni Eleanor sa kanilang divorced paper. Hindi niya alam kung bakit imbes na masiyahan ay tila may pait siyang nararamdaman dahil doon. Matapos ang nangyaring pagdating ni Noah Madrigal ay hindi niya na nahabol pa ito at ang asawa niya. Pinigilan din siya ng kaniyang ina at ni Clarisse para gawin iyon. Hindi niya maintindihan kung anong koneksyon ng dalawa. Wala siyang maalalang magkakilala ang dalawa kaya nagtataka siya kung paano at bakit kinuha ng lalaki ang asawa niya. Palaisipan sa kaniya ang nangyaring iyon. Wala namang telepono si Eleanor para sana matawagan niya kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa mansion ng mga Madrigal. Asawa pa rin niya ito at nag aalala siya kahit papano dahil nakita niya kung paano ito nawalan ng malay habang dumudugo ang ulo. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito. Pero ang higit ay kailangan niyang malaman kung bakit dinala ito nang kaniyang katunggali noon pa man na si Noah Madrigal. Ng
“MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng boss na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto. "What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito. Inihagis ng presidente ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din. Limang taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak. Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso ni
SA ISANG five star hotel gaganapin ang most anticipating event. Lahat ng prominenteng tao at mga negosyante sa bansa ay nandoon at imbitado. Lahat ay kuryoso sa ipapakilalang fiance ng magaling at matalinong apo ng mga Madrigal. Parang isang engrandeng ball ang event dahil sa mga nagsososyalan at naggagandahang mga gowns and luxury items na suot ng mga bisita. Well, they just aren't there to know about the mystery woman of Noah Madrigal. Most of the guests are there to make a good impression, to show off and to build a network. Ang mga Madrigal ay kilala sa larangan ng negosyo at engineer. From then on, they are known for building and controlling of multi millionaire and billionare empires. Kung kaya naman, hindi na nakakagulat na sila'y hinahangaan ng mga small and big time business men. Everyone wants to become one of their circle. Ngunit, hindi lahat… Naunang bumaba sa itim na sedan si Herbert Jimenez, na nakasuot ng isang itim na formal tailored suit. Kasunod ay inalalayan nit
“PLEASE meet Caroline Dizon, my future wife.” Pakilala ni Noah sa lahat. Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga bisita. Halong kuryoso at pagkamangha ang nasa mata ng mga ito habang pinapanood si Eleanor o Caroline na ngayon. She accepted the hand of Noah and stretch her lips for a friendly smile sa mga matang nakatingin. Nawala nga lamang iyon nang madapuan ang table nina Herbert at Clarisse. The two seems shock. Nagulat sila sa narinig na pangalan. They are expecting na siya parin ang dating Eleanor ngunit malaki na ang pinagbago niya at isa na nga doon ang pagpapalit niya ng pangalan. Sinunod niya ang payo ni Noah at ng lola nito na magbago ng pangalan. Upang maging tanda ng kaniyang pagbabagong buhay. Nilapitan siya at pinuri ng mga bisita. That event was just supposed for a welcome party para kay Noah dahil sinamahan siya nitong mamalagi ng ilang taon sa ibang bansa ngunit ikinagulat niya na lamang nang sabihan siya ni Noah bago ang araw na iyon nang, “Ipapakilala kitang fiance
DIRE diretsong pumasok si Clarisse sa kanilang bahay pagkababang pagkababa ng sasakyan. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa nangyari at namamanaag iyon sa kaniyang mukha at mga nanginginig na mga kamay.Napahiya siya at dahil iyon kay Eleanor. Gustong gusto niyang pisikal na saktan ito kanina upang gantihan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Ngunit dahil naroon ang press at ang mga socialite na mga bisita, hindi niya nagawa.Hindi niya matandaan kung kailan siya nasagot ng ganoon ni Eleanor. Ang tanging alaala niya sa babae ay ang mga pag iyak nito at ang pagiging tanga nito para sa dating asawa. Kaya naman kahit ayaw mang aminin ni Clarisse, totoong nagulat siya sa naging pagbabago ng babae lalo na sa paraan nito nang pagsasalita. Tumigil siya sa may salas at muling humarap sa asawa na papalapit naman habang nag aalis ng suot na neck tie. Gaya niya ay halatang nawala na rin sa mood si Herbert. Nasira na rin ang gabi nito. Ngunit walang pakealam si Clarisse dito at sa kung anumang mar