Share

Chapter 7

“MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng boss na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto.

"What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito.

Inihagis ng presidente ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. 

Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din.

Limang taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak.

Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso niya nang dumapo ang mata nito sa kaniya. Muli siyang napatungo. 

Limang taon na rin silang kasal ni Clarisse ngunit kahit kailan, kahit isang beses man lamang ay hindi niya ito nakitang ngumiti. Kahit ang asawa niyang si Clarisse ay hindi makuha ang loob nito. At kahit hindi mamutawi sa bibig nito, alam niyang hindi siya gusto nito para kay Clarisse. Napilitan lang itong ipakasal sila dahil nabuntis niya ang babae.

“Herbert!” dumadagundong na sigaw nito para mabilis siyang mapaangat ng tingin. Nakita niyang may binulong ang sekretarya nito dito. Tumango ito bago ibinaling muli ang mga matatalim na mata sa kaniya.

“S-Sir?” kabado niyang sagot dito. Hindi niya ito matawag na ‘pa' gaya ng tawag ni Clarisse dito o kaya naman ay ‘dad' gaya naman ng tawag niya sa kaniyang sariling ama. Hindi siya nagpapangahas na gawin iyon.

Mariin siyang tinignan ng matanda bago nagsalita. “Narinig kong ipapakilala ang fiance ni Noah Madrigal bukas ng gabi. Gusto kong pumunta ka doon kasama ni Clarisse. Makihalubilo kayo at kilalanin niyo ang mga kliyente nating dadalo doon. Gusto kong pagsisihan nila ang gagawin nilang pagbaliktad sa akin.” Mababakasan ang galit nito dahil sa ugat nitong lumilinya sa noo at leeg.

Herbert's lips parted. He pressed it in line before answering, “Yes, sir.”

Kahit ayaw niyang sundin ang matanda at pumunta sa mga Madrigal, wala siyang magagawa. Ayaw niyang mas sumama pa ang timpla nito sa kaniya. Isa pa, kailangan niyang maging masunuring son-in-law hanggang sa maisip nito ang halaga nila sa kanilang kumpanya at magdesisyong sa kaniyang kamay iwan iyon.

Dumating siya sa kanilang bahay. Naabutan niya si Clarisse na nakahilata sa sofa habang may katawagan. Tila kinikilig ito ngunit pinatay lamang iyon nang makita siyang dumating at pumasok sa pintuan.

“Nandiyan kana pala. Aga mo, ah?” anito at tinignan lang siya bago muling ibinaba ang tingin sa cellphone. Bumaba ang mata ni Herbert sa nginunguya nitong ubas bago umikot ang mata niya sa magulo at maduming salas. Nakakasigurado siyang hindi na naman ito naglinis ng kanilang kusina at kahit na magluto.

Mayroon silang katulong noon ngunit hindi mga nagtagal. Nilalayasan sila ng mga ito. Sa kadahilanang, malupit daw sa kanila ni Clarisse. Ayaw iyong paniwalaan ni Herbert noong una ngunit nang makailang beses na iyong nangyari, nakumpirma niyang totoo ang sinasabi ng mga ito. Kumalat pa iyon kaya hindi sila makakuha ng bago. Lahat ng agency na tinwagan nila ay pinatayan sila ng tawag. Muntikan pa ngang makasuhan ang babae kung hindi lamang ito sinalo ng ama. 

Kaya naman upang hindi na maulit pa iyon, sinabihan siya ng ama ni Clarisse na huwag nang kukuha pa ng katulong. Kung hindi, siya ang mayayari dito.

Kaya naman sinabihan niya si Clarisse tungkol doon, na kailangang ito na ang gumawa ng gawaing bahay dahil wala silang aasahan. Isa pa nasa bahay lang naman ito at hindi na nagtratrabaho dahil sa maselan nitong pagbubuntis, na pang ilang beses na dahil makailang beses na rin itong nakunan. Ngunit kahit ilang beses niya pa itong sabihan, hindi parin ito kumikilos. Tila prinsesa ito at siya naman ang alipin.

Napabuntong hininga na lamang si Herbert dahil sa pagod sa trabaho at sa asawa. Tuloy ay hindi niya maiwasang isipin ang unang asawa. Na kahit kailan ay hindi siya hinayaang gumawa ng mga gawaing bahay noon.

“May pupuntahan tayo bukas.” aniya sa iritadong boses.

Tumingin naman si Clarisse sa kaniya, tila walang gana. “I'm two weeks pregnant, Herbert. Hindi mo ba nakikita? Anong event ba iyan? Bakit kailangan pa ako? Mamaya duguin pa ako.” sarkastikong sagot nito sa kaniya.

Napailing si Herbert, dismayado sa asal ng babae. Hindi siya makapaniwalang nuknukan pala nang pagka spoiled ang pinakasalan. “Just two weeks, Clarisse.” Madiin niyang sabi. “Hindi pa malaki ang tiyan mo para hindi ka makalakad. Ni hindi na nga kita pinapagawa dito sa bahay. Hinahayaan na lang kitang mag cellphone maghapon.”

Pinanlakihan siya nito ng mata. Binato di nito sa kaniya ang babasaging baso sa harap nito. At kung hindi siya nakaiwas nang maaga, siguradong natamaan siya niyon.

“Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sakin iyan! Sino bang may gusto ng batang ito, huh? Sino bang ama nito? Hindi ba ikaw na lintik ka?!”

“Hindi mo alam kung gaano kahirap magbuntis kaya wala kang karapatang sabihin sakin iyan!” pagpatuloy nito sa pagsigaw.

Sa limang taong pagsasama nila ay doon nalaman ni Herbert ang totoong ugali nito, na sa kasamaang palay ay hindi niya nakita agad noon. Tamad ito dahil na rin siguro sa buhay na kinalakihan. Bukod doon, mainitin ang ulo nito at mapanakit. At kung nakita lamang iyon ni Herbert noon, siguro ay hindi niya na ito pipiliin pang pakasalan.

Ngunit huli na para pagsisihan pa iyon. Hindi niya na maibabalik pa sa dati ang lahat. Isa pa, wala na rin naman ang una niyang asawa. Hindi niya na ito nakita pa, kahit isang beses. Tila bulang naglaho na ito. Sinubukan niya noong paimbestigahan ang mga Madrigal para malaman kung nasa mga ito ang babae ngunit sa huli ay walang nakita ang mga inutusan niya. Wala doon si Eleanor.

Nilapitan niya si Clarisse at pilit na pinakalma ito. Napapagod na siya sa babae ngunit hindi niya ito pwedeng iwan dahil buntis ito. Dagdag pa doon, siguradong papahirapan siya ng ama nito, gaya nang naging banta nito sa kaniya noong bago sila magpakasal. 

“Okay, sorry. Hindi na mauulit. Please calm down, okay? Baka makasama sa bata—”

Tinampal ni Clarisse ang kamay niya na hahawak palang sana dito. Nanunusok ang mga mata nito sa kaniya. Wala na ang dating mapang akit na mga mata nito.

“Kaya nga tigil tigilan mo ako, Herbert. Kung ayaw mong may mangyari sa aming dalawa ng anak mo.”

Kumunot ang noo niya. “Anong sabi mo?”

Maarteng inirapan lamang siya nito bago tatalikuran. Mabilis namang hinawakan ni Herbert ito sa braso. 

“Huwag na huwag mong sasaktan ang anak natin, Clarisse.” 

Iritadong itinulak siya nito. Umatras na lamang siya at pinagbigyan ito.

“Pinagbabantaan mo ba ako, Herbert? Baka gusto mong makarating ito kay papa?”

Bahagyang kinabahan si Herbert ngunit kalaunan ay ginantihan niya rin ang madilim na pinupukol nitong tingin sa kaniya. Nabasag lamang iyon nang marinig nila ang pagdating ng kaniyang ina.

“Anong nangyayari dito? Nag aaway na naman ba kayo? Aba, rinig na rinig ko ang sigawan niyo kahit nasa gate palang ako.” tanong ni Suzanna pagkapasok na pagkapasok ng pintuan. 

“Ma…” bati ni Clarisse at lumapit dito para humalik sa pisnge. “Iyan kasing si Herbert. Pinipilit akong sumama sa kung saan mang lupalop, kahit na alam naman niyang buntis ako.”

Napangiwi ang ginang bago ibinaba ang mata sa buntis. Umiling na lamang siya kay Herbert bago nagsalita. “Nakarating na rin pala ang sa inyo. Kahit ako ay hindi rin naman pupunta sa event na iyon. Kahit na pinadalhan pa ako ng invitation letter ng lintik na Noah Madrigal na iyon.”

Mababasa sa mukha nito na hindi nito ikinatutuwa iyon. Napasinghap naman si Clarisse bago tumingin kay Herbert, na nag aalis ng neck tie at pagod lamang siyang tinignan pabalik.

“Noah Madrigal? B-Bakit? Anong meron?” gulat at kuryosong tanong ni Clarisse sa kaniya. Ngunti bago pa man siya sumagot, inunahan na siya ng kaniyang ina.

“Invitation letter para sa engradeng pagpapakilala ng fiance niya! Akala mo naman kung sinong royal blood para magpaka espesyal! Sus! Sigurado namang hindi iyon kagandahan!” Lait ni Suzanna.

Napanganga si Clarisse sa narinig at kitang kita ni Herbert ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mukha nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya na bahagya naman niyang ikinagulat. Mahigpit pa siya nitong hinawakan sa kaniyang mga braso.

“Pupunta tayo! We need to be there, Herbert!” tila atat na atat na sigaw nito sa kaniya.

Nagkatinginan si Herbert at ang ina niya. Parehong gulat sa biglaang pagiging agresibo ni Clarisse dahil lang sa narinig. 

“S-Sige…” sagot na lamang ni Herbert. Kabaligtaran ng asawa ay wala siyang gana at interes na makilala ang fiancé ni Noah ngunit dahil kinakailangan iyon, wala siyang choice kung hindi ang pumunta. Lingid sa kaalaman nila, isang malaking pasabog ang madaratnan nila doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status