Share

Chapter 27

PINANOOD ni Caroline ang paghagulgol ni Trina sa balikat ni Herbert na tanging umakyat sa stage para harangan ang kapatid mula sa mga matang mapanghusga. Ngunit bago iyon ay nakita ni Caroline ang pag alis ni Suzanna para iwanan ang anak at isalba ang sarili sa mga aakusasyon. Hindi siya makapaniwalang madali lamang ni Suzanna na tinalikuran ang anak. Bukod dito, maging si Shiela na kakambal pa ni Trina ay iniwan ang kakambal na tila hindi nito kilala ang binabato ng masasakit na salita. Sumunod ito sa kaniyang ina sa pag alis na parang walang nangyari.

Gustong matawa ni Caroline. Ngunit hindi dahil natatawa siya sa nangyayari ngunit dahil naiinis siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kawalang puso si Suzanna at si Shiela.

Nag e-expect siya na kahit papano ay ipagtatanggol ng mga ito si Trina. Ngunit walang ganoong nangyari.

Huminga siya nang malalim bago naglakad para sundan na lamang si Herbert at si Trina. Sinundan din ang magkapatid ng mga reporter na nandoon sa event.

Of course
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status