Share

The Fierce Comeback of the Ex-Wife
The Fierce Comeback of the Ex-Wife
Author: Rixxxy

Chapter 1

NAPAPIKIT si Eleanor sa sakit nang tumalsik ang niluto niyang sabaw direkta sa kaniya matapos ihagis iyon ng kaniyang biyenan na si Matilda. Dumiin ang hapdi sa balat niya at napaupo siya sa sakit. Gusto niyang maiyak ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Hindi niya maaaring gawin iyon sa harapan ng biyenan. Minsan niya na iyong nagawa at mas nagalit lamang ito sa kaniya para mas lalo din siyang pagbuhatan ng kamay.

“Sa tingin mo ba talaga ay makakain namin iyan?! Ano, may binabalak ka? Gusto mo kaming lasunin, ha?!”

Mangiyak ngiyak siyang tumingala dito. Nagpupuyos sa galit at nanggigigil ang nasa mid-forties na matandang babae. Hindi nito nagustuhan ang niluto niyang ulam, na madalas namang nangyayari. Sinusubukan naman ni Eleanor na galingan sa pagluluto at kuhain ang panlasa nito, at ng buong pamilya ng asawa niya ngunit kahit paglaan niya ng panahon at oras, hindi parin magustuhan ng mga ito.

At obvious naman para sa kaniya ang rason. Hindi sa ayaw ng mga ito sa luto niya. Sadyang ayaw lang talaga ng mga ito sa kaniya. Manhid na lamang ang hindi makakaramdam ng bagay na iyon sa paraan nang trato ng mga ito.

“Kadiri! Hindi ko talaga alam kung anong nakita sayo ng kapatid ko! Pangit kana nga, wala ka pang silbi!” sigaw naman sa kaniya ng kapatid ng kaniyang asawa na si Trina. 

“Sinabi ko naman na sayo Trina, siguradong ginayuma ng babaeng iyan si kuya Herbert. Kasi imposible namang magkagusto siya sa tulad niyan.” dagdag naman ng kambal nito na si Shiela.

Hindi na lamang inintindi ni Eleanor ang narinig kahit na mas masakit iyon kaysa sa pisikal na pananakit ng mga ito na ginagawa nila sa kaniya tuwing wala sa paligid ang kaniyang asawa.

Tatlong taon na simula nang pakasalan siya ng asawa niyang si Herbert ngunit kahit na ilang taon na, hindi parin siya matanggap ng mga Jimenez. Para sa kanila ay isa lamang siyang hamak na utusan at ilusyunada na binihisan at nagkaroon ng pagkakataon na makatapak sa kanilang pamilya.

Minamaliit ng mga ito si Eleanor dahil sa estado nito sa buhay. Hindi kasi siya galing sa marangyang pamilya o mas maiging sabihin na wala talaga siyang naging pamilya kung hindi ang bahay ampunan. Hindi niya alam kung sino ang tunay niyang mga magulang at hanggang sa paglaki ay hindi parin niya kilala at nakikita ang mga ito. Ang tanging nalalaman niya lamang ay iniwan siya sa bahay ampunan noon suot suot ang damit niyang may burdang Eleanor na siya namang ipinangalan sa kaniya nang mga madre.

Bukod pa doon, minamaliit din siya ng mga Jimenez dahil hindi siya nakapagtapos ng pag aaral. Hanggang high school lamang kasi ang natapos niya. Nakatuntong man siya ng college sa unang taon, napurnada naman iyon nang makilala niya ang unang pag ibig at nabuntis. Kaya imbes na magtapos ay minabuti na lamang niya na tumigil muna pansamantala para tanggapin ang inaalok noong pagpapakasal ni Herbert at para na rin maalagan ang kanilang magiging anak. Subalit ang batang dinadala niya ay namatay matapos lang ang kanilang kasal.

“Hindi ko alam kung bakit hindi parin natatauhan ang anak ko! Dapat matagal kana niyang iniwan!”

Napatungo si Eleanor. Kung meron man mas higit na may galit sa kaniya, iyon ay ay kaniyang biyenan. Para kay Matilda ay winasak ni Eleanor ang pangarap nito para sa anak. 

Sikat na beauty queen kasi ito noong araw at naging artista din sa ilang palabas na mga sumikat. Galing pa sa marangyang pamilya kaya naman ang gusto niya para sa mga anak, lalo na kay Herbert ay isang maganda, talented at galing rin sa prominenteng pamilya ang mapangasawa. Kaya naman nang pinakilala si Eleanor ng kaniyang anak, nadismaya na agad siya at hindi na agad pumabor kay Eleanor.

Kaya naman, ang tatlong taon na pagtira ni Elenor sa mga Jimenez na inakala niyang magiging mabulaklak at masaya ay tanging poot at sakit lamang ang ibinunga sa kaniya.

Walang araw na hindi pinapakita at pinaparamdam nang mga ito sa kaniya kung gaano siya kaliit at kawalang kwenta dahilan para maging mababa din ang tingin niya sa kaniyang sarili at maging matamlay.

Sinubukan man niyang sabihin sa asawa na bumukod sila, ngunit hindi ito pumapayag hanggat wala siyang rasong maibibigay. Hindi naman niya masabi dito na sinasaktan siya ng kaniyang ina at ng  mga kapatid nito sa kadahilanang ayaw niyang maging dahilan pa iyon para sa pag aaway nilang mag asawa. Isa pa, naging malamig na din ito sa kaniya at ayaw niyang mas lumayo pa ang loob ng lalaki. Kaya sa huli, tinitiis niya na lamang ang lahat huwag lang mapahiwalay sa asawa.

“Magluluto na lang po ako ng bago—”

Napasinghap siya at hindi na natuloy pa ang sasabihin nang batuhin siya ng isang mangkok ng kanin ng kaniyang biyenan. Tumama iyon sa mukha niya at kumalat ang kaning mainit pa sa mukha niya at ibaba.

“Myerda! Kahit magluto kapa ng ilang beses, hindi namin makakain iyan! Linisan mo iyan at umalis ka sa harapan ko!”

Isang tango bago walang imik na pinili niya na lamang sundin ang biyenan. Sinimulan niya nang linisin ang sahig. Puno ng luha ang mata niya kaya hindi niya inalis ang tingin sa baba hanggang sa marinig na lamang niya ang pagdating at boses ng kaniyang asawa. Ilang sandali pa siyang natulala nang maiwan sa kusina bago pa napatayo at lumapit sa siwang ng pintuan para makita ang mga ito.

Nakita niyang may kasama ang asawa niya at ito ay si Clarisse. Anak ng boss ng asawa niya at isa ring civil engineer. Sinalubong ang dalawa ng mag iina at rinig na rinig niya ang tuwa nang mga ito para sa presensiya ng mga dumating lalo na ang sa babae na madalas na ang pagbisita sa kanila.

Napayukom ng kamay si Eleanor.

Kakaiba ang trato ng pamilya Jimenez sa babae at kaya niyang ilatag ang mga dahilan. Bukod sa anak ito ng boss ng asawa niya, maganda at matalino din ang babae. Matangkad pa at may magandang kurba ang katawan. Kaya naman nagm-modeling din ito at madalas nakikita ang mga larawan sa mga magazine. Ilan sa mga bagay na hinahanap ng kaniyang biyenan sa babaeng gusto nitong maging asawa ni Herbert. Na hindi nangyari dahil si Eleanor nga ang pinakasalan.

“Good to see you, Clarisse hija. Sinabi ko naman kasi sayong dalasan mo ang dalaw mo dito. Huwag ka ng mahiya dahil hindi kana naman iba samin.” Rinig ni Eleanor na untag nang biyenang si Matilda.

“Oo nga naman Clarisse. By the way, you look stunning, huh? Blooming ka yata these days?” si Shiela naman.

Tumawa ang babae bago sumulyap kay Herbert na sumulyap din naman sa kaniya.

“Thank you. Maybe dahil na-eenjoy ko lang talaga ang team up namin nitong si Herbert sa bagong project namin. Right, Herbert?”

Ngumiti ang lalaki dito at tumango.

Napatungo si Eleanor at pinisil pisil ang daliri upang pigilan ang emosyong rumaragasa. Hindi man niya kayang aminin pero ramdam niyang nagseselos siya sa dalawa. Pinipilit man niya ang sarili na huwag maramdaman iyon ngunit hindi niya parin maiwasan. Kusa niya talagang nararamdaman. Lalo na't nakikita niyang mas napapalapit pa ang dalawa sa isa't isa. 

“By the way, kumain na kayo? Nag take out kami ni Herbert ng pagkain sa favorite restaurant niyo, tita. Napadaan kasi kami kanina.”

“Oh really? Alam mo talaga ang gusto ko, hija.”

Agad nag panic si Eleanor. Ayaw niyang makita siya ng kaniyang asawa sa maruming itsura lalo na ang namumula niyang braso at ilang parte pa na napaso. Kaya naman dali dali siyang umalis ng kusina gamit ang likurang pintuan bago umakyat sa kanilang kwarto. Nagpalit siya ng damit at ilang beses pang nagtagal doon bago bumaba muli. Wala man siyang ganang batiin ang bisita,hindi niya pwedeng gawin iyon. Ayaw niyang manaig ang selos sa kaniya at lalong ayaw niyang magkagalit na naman sila ng lalaki.

Nga lang, may mga panahong mahirap magtimpi.

Nakita niya ang mga itong kumakain sa malawak na dining table. Nakaupo ang asawa niya at pinagsasandukan ang pinggan ng babe, na nakapwesto naman sa gilid nito. Ang mag iina naman ay panay sulyap lamang sa dalawa at halatang nasisiyahan sa natatanawan.

Saglit na napatigil sa paghakbang si Eleanor. Lalo na nang makita ang ngiti nang babe at ng kaniyang asawa sa isa't isa. Ngiti na hindi niya na makita sa asawa lalo na kung siya ang dahilan.

Tila isang torture iyon para kay Eleanor ngunit kahit masakit, mas pinili parin niyang magpakita sa mga ito at isantabi ang pagseselos. Bagay na pagsisisihan niya.

Isang beses siyang huminga ng malalim bago humakbang. Doon lamang siya nakita ng kaniyang asawa na hindi man lamang siya hinanap sa pagdating kanina. Nag angat din ng tingin sa kaniya ang katabi nito na nawala naman ang ngiti sa labi. Ang natitira naman ay mga sumimangot nang makita siya.

Binaba ng kaniyang asawa ang sandok at itinuon ang pansin kay Eleanor.

“Saan ka galing?” tanong nito. 

Napalunok si Eleanor at sinulyapan ang babae na tumingin din sa kaniya. Hindi niya mabasa ang ekspresiyon ng mukha nito. 

“Eleanor!” Madiing tawag ng asawa niya nang napatagal ang tingin niya sa babae, na nakitaan niya naman ng multo ng ngiti.

“Sa—”

“Saan paba? Edi sa kwarto. Nandoon lang siya simula umaga at walang ginawa. Pinapakiusapan kong magluto pero ayaw. Kaya ayan, wala kaming makaing matino. Mabuti na nga lang at dumating kayo nitong si Clarisse.” Singit ng biyenan niya bago pa siya makasagot.

Nakita niya ang pagdaan ng dismaya kay Herbert dahil sa narinig kaya kinabahan siya. Gusto man niyang itama ang sinabi ng biyenan, ayaw naman niyang mapahiya ito at mas magalit pa sa kaniya.

“May sakit kaba? Bakit hindi ka man lang nagluto? ” tanong ng lalaki sa iritadong boses.

Napatameme si Eleanor at hindi na nakahakbang pa nang isang beses.

“Herbert don't be too harsh to your wife. Hindi madaling maging full time housewife.” singit ng babae na tumingin pa sa kaniya ng ilang saglit bago hinawakan sa braso si Herbert.

“Kung ako ba ang asawa mo ay papagalitan mo rin ba ako ng ganiyan?” tanong pa nito kay Herbert.

“O-Ofcourse not. Gusto ko lamang malaman ni Eleanor ang mga obligasyon niya, Clarisse.”

Natulala si Eleanor. Lalo na sa sinagot nang asawa niya na may pagkislap pa ang mga mata sa babae. Ni hindi man lamang nito siya tinignan at inisip ang nararamdaman niya. Natuon lamang ang buong pansin nito sa katabi.

Napadiin ang kamay niya. Ramdam niya ang kuko sa palad na gumuguhit sa pagdiin. “Ngunit hindi ikaw ang asawa niya. Ako ang asawa niya.” Aniya. 

Matalim siyang tinignan ng kaniyang asawa at ganun din ang tatlo pa sa lamesa. Ngunit pinatili niya ang tingin sa babae na natatawa naman.

Ramdam niyang may gusto ang babae sa asawa niya. Malakas ang kutob niya. At sigurado siya doon dahil kailanman ay hindi siya binigo ng kutob niya.

“It's just a joke, Leanore don't take it too seriously.” Sagot ng babae na tinawag pa siya sa maling pangalan.

“It's Eleanor.” 

“Eleanor! Bastos ka!” sigaw ng kaniyang biyenan para matauhan siya sa inasal.

Doon na tumayo ang asawa niya na halatang hiyang hiya din sa babae.

“Please excuse us for a minute. I think I need to talk to my wife.” 

Hinila siya ng asawa niya papuntang kwarto na walang lingunan. Kabado si Eleanor. Nawala ang saglit na galit na naramdaman niya at napalitan ng takot. Ayaw niyang nagagalit at nadidismaya ang asawa niya sa kaniya ngunit heto at nakagawa na naman siya ng dahilan.

Sinarado ng asawa niya ang kwarto nang makapasok sila. Tinalikuran siya nito at niluwagan ang neck tie na suot. Si Eleanor naman ay nanatiling nakatayo parin malapit sa pintuan habang nagsisising pinapanood ang asawa na halatang naiinis sa kaniya.

“I'm sorry…”

Tinignan siya ni Herbert sa malamig na mga mata na hindi na nagbago simula nang maagasan siya.

“Yes, you should be sorry. Pinahiya mo ako.”

Hindi niya mahanap kung paano niya ito napahiya pero dahil ayaw niyang magtalo pa sila, muli na lamang siyang nagpakumbaba at humingi ng tawad.

“S-Sorry, Herbert. Nadala lang ako.”

Nakangiwi siya nitong tinignan. “Kilala mo ba iyon, ha, Eleanor?”

Nilapitan siya nito. “For pete's sake! She's the daughter of my boss! No, she's my boss now at dahil sa pambabastos mo, baka mawalan pa ako ng trabaho!”

Napapikit si Eleanor at madiing pinagdikit ang mga labi bago pa nag angat muli ng tingin sa asawa.

“I-I'm sorry—ulit niya ngunit natigil nang mariin siyang hinawakan sa magkabilang braso ng lalaki. Sa parte pa kung saan mayroon parin siyang pasa. Dumaan ang sakit sa mukha niya ngunit pawang walang pakealam ang lalaki.

“Stop saying sorry! Nakakarindi na! Just stop being f*cking exaggerated, Eleanor. Naiintindihan mo ba ako?”

Tumango na lamang siya at inintindi ito habang pinipigilang maiyak. Gusto niyang sabihin sa asawa ang nararamdaman niya ngunit alam niyang wala na itong pakealam.

Iniwan siya ng asawa sa kwarto pagkatapos. Hindi naman na siya bumaba muli. Nakatulugan niya na lamang ang mabigat na dibdib. Nagising na lamang siya nang makaramdam ng gutom. Alas dyes na iyon. Tinignan niya ang tabi ng kama ngunit wala doon ang anino ni Herbert. 

Suminghap siya bago bumaba. Wala ng tao sa dining area at dim na rin ang ilaw doon maging sa sala. Naisip niyang hanapin muna ang asawa doon, maging sa labas ngunit hindi niya ito makita. Nakarating na siya ng garden maging sa garahe ngunit wala parin doon. Natigilan nga lamang siya nang makita ang kotse nitong nakaparada. Sa isip niya ay imposibleng aalis iyon na hindi dala ang kotse nito. Dumapo ang mata niya sa isa pang di pamilyar na kotse, isang talbog ang narinig niya sa dibdib.

Humakbang ng kusa ang mga paa niya papalapit sa hindi tinted na kotse. Dahan dahan, ngunit ilang hakbang lamang iyon dahil bumagsak ang puso niya nang maanigan ang asawa niya sa loob niyon habang kahalikan si Clarisse. 

Bumagsak ang luha niya. Sunod sunod. Tila gripong pinindot at rumagasa ang laman. Kasabay noon ang pagdapo ng mata ng kaniyang asawa sa kaniya. Na agad namang pinanlakihan ng mata at agad nailayo ang kahalikan sa katawan. Lumabas ang lalaki ngunit hindi ang babae. At kahit medyo madilim doon at nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luha, kitang kita niya parin ang paglandas ng ngisi sa labi ng babae.

“E-Eleanor…bakit nandito ka sa labas?” tanong ni Herbert.

Umiwas ng tingin si Eleanor. Gusto niyang sugudin ang dalawa. Gusto niyang sampalin at saktan ang asawa, ipamukha ang mga bagay na ginawa niya para dito at isumbat ang mga pagtitiis niya. Ngunit wala siyang lakas para gawin ang mga bagay na iyon. Sa huli, ang tangi niya na lamang nasabi ay, “Pumasok na tayo sa loob.”

Humabang siya ngunit hindi kumilos ang lalaki. Binalikan niya ito nang tingin. Tumunog ang pintuan ng kotse at bumaba ang babae mula doon bago lumapit sa asawa niya at kumapit pa sa braso nito.

“Herbert, tayo na sa loob.” Matigas niyang sabi habang unti unti nang nawawasak at nagpipigil.

“Herbert!” sigaw niya at lalapitan sana ito ngunit madali siyang tinulak ni Clarisse. Natumba siya sa medyo putikan pang bermuda grass. Matalim niyang tinignan ang babae sa kabila ng mga tubig sa mga mata niya.

“Not too fast.” Ani Clarisse tsaka tinignan si Herbert. “Bakit hindi mo na sabihin sa kaniya ngayon, Herbert? Tutal nakita niya na rin tayong naghahalikan? Ayoko ng magtagu taguan pa dito. I don't deserve this, so you better tell her now, and settle this once and for all.”

Pumikit nang mariin si Herbert bago tinignan nang diretso sa mga mata si Eleanor na nalilito naman sa sinasabi ng babae. Nagkatinginan sila at bumalatay ang sakit sa mukha ng kaniyang asawa.

“I-I'm sorry, Eleanor. Ngunit wala ng hahantungan pa ang relasyong ito. Maghiwalay na tayo.”

Tila hampas iyon ng isang mabigat na bagay sa likuran ni Eleanor. Bumagsak ang balikat niya bago binuka ang bibig. “Ano…anong sinabi mo?” pilit siyang ngumiti kay Herbert ngunit nag iwas lamang ito ng tingin. “Hindi…hindi mo sakin magagawa ito, Herbert. Hindi pwede—"

“Didn’t you hear him?” Clarisse chimed in. 

Nailipat niya ang mata dito. Humakbang ito papalapit sa kaniya na may matagumpay na ngiti sa labi. Ang tingin nito ay may halong insulto. 

“Gusto niya nang makipaghiwalay sayo at siguro naman obvious na ang dahilan? O gusto mo pang mas malinaw na makita? I can kiss him again. In front of you.”

Nagtiim bagang siya. Noon pa lamang ay hindi na siya kumportable sa babaeng ito at tama nga ang pakiramdam niya. Ahas na pala ang pinapapasok nila sa kanilang tahanan. 

“Mag asawa kami. Ganun kaba kakati para kahit may asawa na, papatulan mo parin?”

“Eleanor!” sigaw ni Herbert ngunit inignora niya ito.

Kumibo ang labi ni Clarisse bago natawa na may halong sarkastiko. “Oh dear, binigay ko lang sa asawa mo ang bagay na hindi mo mabigay. At kahit sino naman yatang lalaki, kung ikaw ang asawa, maghahanap talaga ng iba.”

“Just look at yourself. You look so pathetic and worthless. Kaya sinong magtatagal sayo? Mabait pa nga itong si Herbert at hindi ka agad hiniwalayan kahit na hindi mo siya mabigyan bigyan ng anak. Bagay na silbi mo na lang sa relasyon niyo bilang mag asawa.”

Namuo ang galit ni Eleanor. Tumayo siya at mabilis na hinablot ang buhok ng babae, tumili ito at muntikan nang madulas kung hindi lang nasalo ni Herbert. Inilayo pa ng lalaki ang babae sa kaniya na parang kristal na bagay na dapat ingatan, samantalang siya ay muling napasadlak na lamang sa lupa matapos maitulak. Humahangos at umiiyak niyang pinanood ang dalawa.

“Walanghiya kang babae ka! Lumapit ka dito!” tatayo pa sana siya para sugudin muli ang babae. Gusto niyang iparamdam dito ang nararamdaman niyang galit at sakit.

Hinarangan siya ng asawa na may pagbabanta sa mga mata. 

“Don't lay your hands against her again, Eleanor! Buntis si Clarisse at kapag may nangyaring masama sa kaniya hinding hindi kita mapapatawad! ” sigaw ni Herbert sa galit na galit na boses. Tila kulog iyon sa tenga ni Eleanor na nagpaulit ulit. Hindi siya nakagalaw.

Rixxxy

Hi! Please enjoy my first story!

| 1

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status