TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
NAPAPIKIT si Eleanor sa sakit nang tumalsik ang niluto niyang sabaw direkta sa kaniya matapos ihagis iyon ng kaniyang biyenan na si Matilda. Dumiin ang hapdi sa balat niya at napaupo siya sa sakit. Gusto niyang maiyak ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Hindi niya maaaring gawin iyon sa harapan ng biyenan. Minsan niya na iyong nagawa at mas nagalit lamang ito sa kaniya para mas lalo din siyang pagbuhatan ng kamay. “Sa tingin mo ba talaga ay makakain namin iyan?! Ano, may binabalak ka? Gusto mo kaming lasunin, ha?!” Mangiyak ngiyak siyang tumingala dito. Nagpupuyos sa galit at nanggigigil ang nasa mid-forties na matandang babae. Hindi nito nagustuhan ang niluto niyang ulam, na madalas namang nangyayari. Sinusubukan naman ni Eleanor na galingan sa pagluluto at kuhain ang panlasa nito, at ng buong pamilya ng asawa niya ngunit kahit paglaan niya ng panahon at oras, hindi parin magustuhan ng mga ito. At obvious naman para sa kaniya ang rason. Hindi sa ayaw ng mga ito sa luto niya. S
“ANONG nangyayari dito?!” rinig niyang boses ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya iyon inintindi. Mas nananaig ang sakit at awa sa sarili na pinaparamdam sa kaniya ng kaniyang asawa. “B-Buntis?” sumulyap siya sa tiyan ng babae. Gusto niyang matawa. Ayaw niyang maniwala na magagawa sa kaniya iyon ni Herbert. Umiling siya dito ng ilang beses ngunit malungkot lamng siyang sinuklian nito ng tingin. Natulala siya saglit bago nanginginig sa pag iyak na lumapit dito at lumuhod. Binalewala ang mga salitang narinig. Sa isip niya ay tatanggapin niya iyon. Kung totoo man. Huwag lang iwanan ng kaniyang asawa. “P-Please, Herbert. Wag ito…gagawin ko ang lahat. Wag mo lang akong hiwalayan. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita.” Ni hindi niya na maaninag ang mukha ng lalaki at kahit pa ang emosyon sa mukha nito. Nabubulag na siya sa sakit at sa mga luhang wala ng tigil sa pag apaw sa mga mata niya. “Eleanor?! Tumayo ka nga diyan! Anong kadramahan ito?!” sigaw ng biyenan niya pa ngunit mas kuma
UMAGA na nang magising si Eleanor. Masakit at mahapdi ang mga mata niya nang magmulat. Akala niya noong una ay nananaginip pa siya nang makita ang sarili sa kwarto nila ng kaniyang asawa dahil ang pagkakatanda niya ay nasa hospital siya ngunit nang bumukas ang pintuan at pumasok si Herbert, nakumpirma niyang hindi siya nananaginip. Nakauwi na siya. Magtatanong palang sana siya tungkol doon at sa mga taong tumulong sa kaniya nang naunahan siya ng asawa sa pagsasalita. “You're awake. Uh, I already…file our divorce paper.” Anito at inabot sa kaniya ang isang brown envelope. Ni hindi man lamang siya nito kinamusta. Ang pakay lang talaga ng lalaki ay ipakita ang papel sa kaniya. Muling dumagan ang bigat sa dibdib ni Eleanor. Akala niya ay magbabago ang isip ng asawa. Umaasa siyang hindi sila maghihiwalay, na siya parin ang pipiliin nito ngunit naglaho ang pag asa niya nang marinig ang mga salita nito. “Desigido kana talaga…”puna ni Eleanor sa garalgal na boses. Umiwas naman ng tingin
Chapter 4 MAINIT na haplos ng sikat ng araw ang gumising kay Eleanor. Dahan dahn siyang nagmulat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Agad na bumungad sa kaniya ang di pamilyar na lugar. Saglit niya pang inilibot ang tingin. Mula sa mga muwebles hanggang sa mga dekorasyon bago agarang napabalikwas ng kama matapos mapagtantong hindi iyon ang kwarto nila ni Herbert. “Nasaan ako?” aniya sa sarili. Tulala siya nang magbukas ang pintuan. Mahigpit na napayakap siya sa kumot bago inabangan ang papasok sa kwarto. Isang babaeng dalagita na nakaunipormado bilang katulong ang nakita niya. Napatigil ito sa paghakbang papasok nang makita siyang nakamulat na ang mga mata. Bumulaga ang mata ng babae bago agarang tumungo sa kaniya at nagsabing, “Magandang umaga po! Kanina ko pa po kayo hinihintay magising. Ako nga po pala si Rita. Hayaan niyo po akong pagsilbihan po kayo!” Saglit na nangapa ng sasabihin si Eleanor. Nagugulat parin siya at nalilito sa nangyayari. Ang naalala niya ay nakikipag agawan
Chapter 5 “AKO NGA. May problema ka?” wala mang ekspresyon ang mukha ngunit mahihimigan naman ang yabang sa boses ng lalaki. Napayukom ng mga kamay si Eleanor bago sila kapwa nagtagisan ng tingin. Hindi niya alam kung bakit simula palang ay tila may tinatago na agad na galit sa kaniya ang lalaki kahit dalawang beses pa lamang silang nagkikita. Hindi niya maintindihan ang ugali nito at wala rin naman siyang balak intindihin pa. Tuloy ay unti unti niya nang naiisip na masasama lahat ng lalaki dahil lahat ng nakikilala niya ay ganoon ang trato sa kaniya. “Op! Tama na iyan! Hindi kayo dapat mag away.” Singit ng matanda. Tumingin ito sa lalaki sa paraang may nagbabantang tingin. Bahagyang napanguso ang lalaki bago nag iwas ng tingin. Inilipat naman ng matanda ang tingin kay Eleanor. “Pasensiya kana hija dito sa apo ko. Wala pa kasi itong nagiging matinong girlfriend kaya ganito ang ugali.” “Grandma?!” iritadong sabi ng lalaki ngunit tinalikuran laman siya ng matanda bago iginayang
MARIING binasa ni Herbert ang pirma ni Eleanor sa kanilang divorced paper. Hindi niya alam kung bakit imbes na masiyahan ay tila may pait siyang nararamdaman dahil doon. Matapos ang nangyaring pagdating ni Noah Madrigal ay hindi niya na nahabol pa ito at ang asawa niya. Pinigilan din siya ng kaniyang ina at ni Clarisse para gawin iyon. Hindi niya maintindihan kung anong koneksyon ng dalawa. Wala siyang maalalang magkakilala ang dalawa kaya nagtataka siya kung paano at bakit kinuha ng lalaki ang asawa niya. Palaisipan sa kaniya ang nangyaring iyon. Wala namang telepono si Eleanor para sana matawagan niya kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa mansion ng mga Madrigal. Asawa pa rin niya ito at nag aalala siya kahit papano dahil nakita niya kung paano ito nawalan ng malay habang dumudugo ang ulo. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan nito. Pero ang higit ay kailangan niyang malaman kung bakit dinala ito nang kaniyang katunggali noon pa man na si Noah Madrigal. Ng
“MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng boss na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto. "What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito. Inihagis ng presidente ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon. Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din. Limang taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak. Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso ni