PINILIT ni Caroline na hindi ipakitang nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Herbert lalo pa sa narinig na pag-aakusa nito. Gusto niyang sampalin ito at itulak ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. She need to calm down. Hindi niya hahayaang ang galit ang sumira ng mga plano niya.“Ganiyan ba kasama ang tingin mo sa akin, ha? Herbert?”Nakita niya ang unti unting pagbabago sa reaksiyon ng lalaki. Maliit siyang ngumiti, pinapakita ang pekeng kalungkutan. Although, deep inside she really felt a bit hurt. Dahil sa kabila ng mga naging paghihirap niya at mga naging sakripisyo at kabutihang pinakita noon sa lalaki at sa pamilya nito, tila hindi parin nito nakita ang mga bagay na iyon. Tama nga ang desisyon kong saktan ka rin, Herbert. Dahil tila wala kapa ring pagbabago. Kaya naman sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat. Luluhod ka sa harapan ko kasama ang pamilya mo. Sa isipan ni Caroline.“Kung may higit mang taong mas nakakakilala sakin, ikaw iyon hindi ba? You know that I
PINANOOD ni Caroline ang paghagulgol ni Trina sa balikat ni Herbert na tanging umakyat sa stage para harangan ang kapatid mula sa mga matang mapanghusga. Ngunit bago iyon ay nakita ni Caroline ang pag alis ni Suzanna para iwanan ang anak at isalba ang sarili sa mga aakusasyon. Hindi siya makapaniwalang madali lamang ni Suzanna na tinalikuran ang anak. Bukod dito, maging si Shiela na kakambal pa ni Trina ay iniwan ang kakambal na tila hindi nito kilala ang binabato ng masasakit na salita. Sumunod ito sa kaniyang ina sa pag alis na parang walang nangyari.Gustong matawa ni Caroline. Ngunit hindi dahil natatawa siya sa nangyayari ngunit dahil naiinis siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kawalang puso si Suzanna at si Shiela.Nag e-expect siya na kahit papano ay ipagtatanggol ng mga ito si Trina. Ngunit walang ganoong nangyari.Huminga siya nang malalim bago naglakad para sundan na lamang si Herbert at si Trina. Sinundan din ang magkapatid ng mga reporter na nandoon sa event. Of course
NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na
PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya
TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
NAPAPIKIT si Eleanor sa sakit nang tumalsik ang niluto niyang sabaw direkta sa kaniya matapos ihagis iyon ng kaniyang biyenan na si Matilda. Dumiin ang hapdi sa balat niya at napaupo siya sa sakit. Gusto niyang maiyak ngunit agad niyang pinigilan ang sarili. Hindi niya maaaring gawin iyon sa harapan ng biyenan. Minsan niya na iyong nagawa at mas nagalit lamang ito sa kaniya para mas lalo din siyang pagbuhatan ng kamay. “Sa tingin mo ba talaga ay makakain namin iyan?! Ano, may binabalak ka? Gusto mo kaming lasunin, ha?!” Mangiyak ngiyak siyang tumingala dito. Nagpupuyos sa galit at nanggigigil ang nasa mid-forties na matandang babae. Hindi nito nagustuhan ang niluto niyang ulam, na madalas namang nangyayari. Sinusubukan naman ni Eleanor na galingan sa pagluluto at kuhain ang panlasa nito, at ng buong pamilya ng asawa niya ngunit kahit paglaan niya ng panahon at oras, hindi parin magustuhan ng mga ito. At obvious naman para sa kaniya ang rason. Hindi sa ayaw ng mga ito sa luto niya. S
“ANONG nangyayari dito?!” rinig niyang boses ng kaniyang biyenan ngunit hindi niya iyon inintindi. Mas nananaig ang sakit at awa sa sarili na pinaparamdam sa kaniya ng kaniyang asawa. “B-Buntis?” sumulyap siya sa tiyan ng babae. Gusto niyang matawa. Ayaw niyang maniwala na magagawa sa kaniya iyon ni Herbert. Umiling siya dito ng ilang beses ngunit malungkot lamng siyang sinuklian nito ng tingin. Natulala siya saglit bago nanginginig sa pag iyak na lumapit dito at lumuhod. Binalewala ang mga salitang narinig. Sa isip niya ay tatanggapin niya iyon. Kung totoo man. Huwag lang iwanan ng kaniyang asawa. “P-Please, Herbert. Wag ito…gagawin ko ang lahat. Wag mo lang akong hiwalayan. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita.” Ni hindi niya na maaninag ang mukha ng lalaki at kahit pa ang emosyon sa mukha nito. Nabubulag na siya sa sakit at sa mga luhang wala ng tigil sa pag apaw sa mga mata niya. “Eleanor?! Tumayo ka nga diyan! Anong kadramahan ito?!” sigaw ng biyenan niya pa ngunit mas kuma
UMAGA na nang magising si Eleanor. Masakit at mahapdi ang mga mata niya nang magmulat. Akala niya noong una ay nananaginip pa siya nang makita ang sarili sa kwarto nila ng kaniyang asawa dahil ang pagkakatanda niya ay nasa hospital siya ngunit nang bumukas ang pintuan at pumasok si Herbert, nakumpirma niyang hindi siya nananaginip. Nakauwi na siya. Magtatanong palang sana siya tungkol doon at sa mga taong tumulong sa kaniya nang naunahan siya ng asawa sa pagsasalita. “You're awake. Uh, I already…file our divorce paper.” Anito at inabot sa kaniya ang isang brown envelope. Ni hindi man lamang siya nito kinamusta. Ang pakay lang talaga ng lalaki ay ipakita ang papel sa kaniya. Muling dumagan ang bigat sa dibdib ni Eleanor. Akala niya ay magbabago ang isip ng asawa. Umaasa siyang hindi sila maghihiwalay, na siya parin ang pipiliin nito ngunit naglaho ang pag asa niya nang marinig ang mga salita nito. “Desigido kana talaga…”puna ni Eleanor sa garalgal na boses. Umiwas naman ng tingin