Share

Chapter 4

Chapter 4

MAINIT na haplos ng sikat ng araw ang gumising kay Eleanor. Dahan dahn siyang nagmulat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Agad na bumungad sa kaniya ang di pamilyar na lugar. Saglit niya pang inilibot ang tingin. Mula sa mga muwebles hanggang sa mga dekorasyon bago agarang napabalikwas ng kama matapos mapagtantong hindi iyon ang kwarto nila ni Herbert.

“Nasaan ako?” aniya sa sarili.

Tulala siya nang magbukas ang pintuan. Mahigpit na napayakap siya sa kumot bago inabangan ang papasok sa kwarto.

Isang babaeng dalagita na nakaunipormado bilang katulong ang nakita niya. Napatigil ito sa paghakbang papasok nang makita siyang nakamulat na ang mga mata. Bumulaga ang mata ng babae bago agarang tumungo sa kaniya at nagsabing, “Magandang umaga po! Kanina ko pa po kayo hinihintay magising. Ako nga po pala si Rita. Hayaan niyo po akong pagsilbihan po kayo!”

Saglit na nangapa ng sasabihin si Eleanor. Nagugulat parin siya at nalilito sa nangyayari. Ang naalala niya ay nakikipag agawan siya ng mga gamit niya sa kaniyang biyenan at sa mga anak nito ngunit natigil iyon nang mauntog ang ulo niya sa sahig. Dumating man ang asawa niya ngunit tandang tanda niya na kasama ng lalaki ang kabit nito. Ang sumunod doon ay hindi niya na matandaan.

Napakagat siya sa labi upang pigilan ang luha dahil sa mga huling memorya. 

“N-Nasaan ako?” tanong niya sa dalagitang katulong. Kailangan niyang malaman kung paanong bigla siya napunta sa lugar na ito.

Nag angat ng tingin ang kausap bago maingat na ngumiti sa kaniya. 

“Siguro po ay si senyora na lamang po ang tanungin niyo. Hinihintay niya na po kayo sa baba. Pero hali na po muna kayo. Maligo na po muna kayo. Naihanda ko na po ang bathtub niyo hehe.”

Tinitigan niya pa muna ang halatang masigla at masayahing katulong. Nanatili namang nakangiti ang isa sa kaniya. Napabuntong hininga siya bago napatango na lamang at ginawa ang gusto nito. Hindi man siya sigurado sa nangyayari, gusto niyang malaman kung sino ang nagdala sa kaniya sa lugar na iyon at kung bakit nandoon siya. 

“Ito po ang susuotin niyo Miss!”

Sa unang pagkakataon ay may tumulong kay Eleanor na mag ayos ng sarili. Ayaw man niya at ilang beses man niyang pilitin si Rita na huwag na siyang tulungan ngunit ayaw siyang iwanan nito. Idinadahilan nitong trabaho niya iyon. Wala siyang nagawa at tinanggap na lang ang mga tulong nito kahit nakakaramdam siya ng hiya sa palaisipang pag aasikaso nito sa kaniya. Kahit na hindi niya naman ito kilala.

Tinulungan siya nitong magbihis ng simpleng bestida. Yumakap ang putting puti nitong tela sa katawan niya. May mahaba iyong manggas at hanggang tuhod naman ang haba ng palda. Hindi na siya nagreklamo dahil kumportable din naman siya.

Maging sa pagsusuklay ng buhok ay tinulungan siya ni Rita. Nasa likuran niya ito habang pokus na pokus ang mga mata sa may kahabaan niya ng buhok. Pinapanood naman ni Eleanor ang galaw nito.

 

Ang totoo ay linakabahan siya na may punahin ito o laitin siya dahil sa mga pasa at sugat niya sa katawan na nakita nito, ngunit sa halip na tungkol doon ang marinig ay pinuri pa siya nito. Na hindi naman niya inaasahan.

“Ang ganda po ng buhok niyo, Miss! Ang haba at ang ganda ng pagkakakulot sa dulo!”

“May contact lense po ba kayo, Miss? Ang ganda po kasi ng kulay ng mata mo. Parang abo po. Rare po iyan, diba?”

“Miss, ang ganda po ng mukha niyo! Ang liit at ang amo! Parang anghel!”

Sunod sunod nitong papuri at hindi naman makapaniwala si Eleanor sa mga salitang naririnig. Tiniklop niya ang bibig at nag iwas na lamang ng tingin mula sa sariling repleksiyon sa salamin. Hindi niya mapaniwalaan ang katulong kahit na sinsero ang mga mata nito dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakarinig ng papuri sa kahit na kanino. Sa halip ay pulos panglalait ang tinatapon sa kaniya lalo na nang pamilya ng kaniyang asawa.

“Siguro po… kaya lalong gumagwapo si Ser Noah dahil kayo po ang girlfriend niya? Bagay na bagay po kayo Miss, hehe.”

Napaangat siya ng tingin sa babae habang inaayusan parin siya nito ng buhok. Bumuka ang bibig niya sa gulat matapos ang narinig dito.

“Noah? Anong…sinasabi mo? Gilfriend ako?”

Napatuptop ng bibig ang isa habang pinanlalakihan din ng mga mata. “Ay! Sorry po! Hindi po ba kayo girlfriend ni Ser N-Noah? N-Nakita ko po kasi kayong  buhat buhat niya. Siya nga po ang nagdala dito sa kwarto. A-Ako din po ang tumawag ng doctor kaya—ay!”

Mabilis na napatayo si Eleanor at hinawakan ito sa braso. Natumba ang inuupuan niyang upuan at nahulog naman ang suklay na hawak ni Rita ngunit wala siyang pakealam sa mga bagay na iyon. “Sinong Noah ang sinasabi mo?”

“P-Po?” takot na tanong ng katulong.

“Ang sabi ko, sinong Noah ang sinasabi mo?! Bakit ako dinala ng lalaking iyon dito?!”

Medyo pamilyar kay Eleanor ang pangalang iyon. Tila narinig niya na iyon sa kung saan ngunit hindi niya lang maalala. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung paanong ang estranghero ay dinala siya sa lugar nito.

“Pasensiya na po! P-pero si Senyora po nasa b-baba na po.” Dahilan ng katulong na tulirong tuliro na dahil sa mga tanong ni Eleanor.

Mapasensiyang binitawanan ito ni Eleanor. Hinilot niya ang gilid ng noo dahil kumikirot iyon. “Samahan mo ako sa kung sino mang nagdala sakin dito.” sambit niya.

Aligagang tumango naman ang isa sa kaniya bilang sagot bago iginaya siya papalabas ng kwarto. Sumunod siya at doon niya mas nakita kung gaano kaaliwalas at kaganda ang classic style na mansion. Pagkalabas na pagkalabas ng pintuan ay tila yelong natunaw ang pagkairita niya para sa nakakalitong sitwasyon.

Nilipad ang isip niya sa dahil sa magadang disenyo ng malapalasyong lugar, lalo pa nang makita ang mga antique na gamit at mga paintings sa malalapad na pader. 

Dumaan sila sa mahabang hallway na mayroon red carpet sa sahig bago sila bumaba ng engrandeng hagdanan. Humigpit ang kapit niya sa may bandang dibdib. Kinakabahan siya.

Napunta nga lamang ang mata niya sa itaas kung saan may mga naglalakihang chandelier bago sa kisame na mayroong detalyadong guhit at ukit naman ng mga tila anghel na nagsasayaw. Natigilan siya at namangha sa kaakit akit na larawan. 

Muli nga lamang bumaba ang mata niya nang makarinig ng bagong boses.

“Mabuti naman at mukhang maayos kana hija.”

Nahanap niya ang pamilyar na mga mata ng matandang babaeng nakita niya sa hospital at siya ring tumulong sa kaniya.

Ngumiti ito sa kaniya at marahang nilapad ang mga kamay na tila naghihintay ng isang yakap.

Napakurap kurap ng mga mata si Eleanor bago dahan dahang humakbang pababa. Nag aalinlangan siyang lumapit sa matanda. Wala rin naman talaga siyang balak na gawin ang tila nais nito ngunit ikinagulat niya na lamang nang ito na ang kusang lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit.

“I know we are bound to meet again.” Ani ng matanda sa kaniya matapos siyang yakapin. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitigan nang may kislap sa mga mata at maliit namang kurba sa mga labi.

Pinisil ni Eleanor ang mga daliri bago naghihiyang nagsalita. “B-Bakit po ako nandito? Ano pong ibig sabihin nito?”

The old woman stared at her for few more seconds bago napabuntong hininga. Ang mga naghihintay na katulong sa gilid ay sinenyasan nitong umalis bago siya iginaya nitong maupo sa mga sofa doon.

“I guess we shouldn't still eat yet.” Medyo natatawang sabi ng matanda bago umupo sa single sofa. Si Eleanor naman ay hindi pa muna naupo. Nakatayo siya hindi banda kalayuan sa matanda. Nang tumingin ito sa kaniya ay saka lamang niya naisipang maupo na rin.

Napatitig sa kaniya ang matanda bago napahinga ng malalim. “Alam mo bang pinag alaala mo ako nang dumating ka ditong duguan? Lalo pa nang ilang araw kang walang malay?” 

“P-Po?” bulalas ni Eleanor. Tumango naman ang matanda bilang sagot habang may pag aalala parin sa mukha.

“Tatlong araw kang walang malay hija at dahil iyon sa lagnat mo. At dahil na rin sa pagkakauntog mo?”

Pinagdikit ni Eleanor ang mga labi bago nagsalita. “Paano po ako napunta dito?” 

Hindi niya alam kung paanong alam ng matanda ang nangyari sa kaniya at kung paanong naging posible na magkita silang muli at ngayon nga ay nasa harapan na naman ng isa't isa.

Pinaglapat at pinagtiklop ng matanda ang mga kamay bago ngumiting muli kay Eleanor. “Before I answer your questions. Hayaan mo munang magpakilala ako sayo, hija.”

“Ako nga pala si Lucianna. Ngunit gusto kong tawagin mo akong Lola Lucy, hija."

Dahan dahang tumango si Eleanor dito. Lumapad ang kurba sa labi ng matanda bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

“Alam kong nalilito ka ngayon Eleanor. Ngunit gusto ko munang malaman kung ano ba ang huli mong natatandaan?”

Kumuyom ang mga kamay niya sa binti bago napababa ng tingin. Napatitig siya sa nakikitang pasa sa kaniyang binti. 

Nanginginig ang labi niya. Ayaw niyang sabihin dito. Ayaw niya ng magtiwala pa kahit na kanino.

“Eleanor, hija?”

Dahan dahan niyang itinaas ang tingin sa matanda. Nawala ang ngiti ng isa nang makita ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni Eleanor. Napaiwas si Eleanor at agad na napatayo.

“P-Pasensiya na po sa abala. Aalis na po ako—” aniya ngunit hindi natuloy nang putulin siya ng matanda.

“Bakit? Saan ka pupunta? Babalik ka bang muli sa asawa mo? Ngunit hindi ba't maghihiwalay na kayo?”

Umurong nag luha niya at nakita naman ng matanda ang pagkagulat niya. Medyo nataranta ito.

“P-Paano niyo po nalaman iyan?”tanong ni Eleanor.

Tumayo ang matanda na mayroong malungkot at guilty na ekspresyon ang mukha. “Pasensiya kana hija. Hindi ko sinasadyang pa imbestigahan ka—”

Suminghap siya.

“Pinaimbestigahan niyo po ako? Pero bakit? Sino ba kayo?”

Ngunit na imbes na ito ang sumagot at ibang boses ang narinig ni Eleanor. Napatuptop ng noo ang matanda na tila dismayado at stress. Si Eleanor naman ay napako ang mata sa bagong dating.

“Jusmiyo naman Noah.” rinig niyang d***g ng matanda.

“Hindi ba dapat magpasalamat ka? Kailangan pabang laging ipaalala sayo iyan?” sagot ng lalaki.

Napatikom siya ng bibig at dumiin ang kamao niya nang makita ang apo ng matanda. Natatandaan ni Eleanor na ito ang kasama ng matanda sa hospital. At natatandaan niya na ring Noah ang pangalan ng lalaki.

Gumilid ang tingin ng lalaki sa kaniya mula sa kaniyang paa hanggang sa ulo bago nagsalitang muli. 

“Mukhang magaling kana nga.” Sarkastiko nitong sabi. 

Ginaya ni Eleanor ang pagtingin dito mula sa ibaba paitaas. Nakasuot lamang ng jogging pants ang lalaki habang pawisan. Wala itong pang itaas na suot kaya kitang kita niya ang kurba at ukit sa bandang tiyan nito. May hawak itong baso ng tubig at nakasampay naman ang isang malinis na face towel sa balikat nito.

 

Napalunok si Eleanor nang magtamang muli ang mga mata nila. Napaayos siya ng tayo nang magtaas ito ng isang kilay sa kaniya.

“Ikaw ba ang nagdala sakin d-dito? Bakit?” tanong niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status