Share

The Billionaire's Unrequited Love
The Billionaire's Unrequited Love
Author: LichtAyuzawa

Chapter 1 Painful Reality

Third person point of view

"This is Calixta Dela Vega, a business partner and a girlfriend of mine," buong pagmamalaking pinakilala ni Connor ang magandang babae na nasa tabi nito.

Natigilan si Hastiana sa tangkang pag-inom ng alak at nanginginig ang kamay na naibaba ang baso.

Girlfriend? Yeah, how stupid of her to not think na walang kasintahan si Connor. Nangilid ang luha niya kasabay ng paninikip ng dibdib niya pero hindi niya hinayaan na tumulo ito.

Nanatili siyang kalmado habang pinapanood ang may malaking ngiti na si Calixta habang tinitignan sila isa-isa.

"Hi! My name is Calixta and I am Connor's girlfriend. It's a pleasure to meet you guys!"

She has the sweetest smile like a candy, hindi kagaya niya na mukhang nakakain ng maasim na candy.

Kinuha niya ang baso na nasa harapan niya para muling lumagok ng alak.

"I didn't catch your name, are you one of my boyfriend's employee?" Tanong nito na hindi niya alam kung para kanino dahil ang tingin niya ay nasa baso lang na hawak niya.

Nanatili siyang tahimik at tinuloy ang paglagok pero nung malapit na sa labi niya ang baso ay may kumalabit sa kaniya. Nagtatakang napatingin siya sa katabi niya at nakita niya ito na may itinuturo.

Tinignan niya ang itinuturo nito at doon niya nakita si Calixta na matamis na nakangiti sa kaniya pero ang mga titig ay iba ang ipinapakita.

Bumaling siya sa mga kasama niya sa table at nakita niya ang mga ito na nakatitig sa kaniya at tahimik na naghihintay.

"Oh!" Gulat na aniya at itinuro ang sarili, "are you talking to me?" Dugtong niyang tanong.

Mas tumamis ang ngiti nito pero kaibahan sa sinagot nito, "ikaw lang ang wala ang profile sa list of employee na ibinigay ni Connor."

Ngumiti siya dito bago nag-isip ng isasagot, "about that, I am not an employee. I am here on behalf of my cousin who couldn't attend this gathering," paliwanag niya.

Tumingin sa kaniya ang katabi niya at kunot na kunot ang noo nito. Kinambatan niya ito na huwag ng magsalita.

Ang totoo ay hindi naman talaga dapat siya nandito at yung pinsan niya sana pero nagmakaawa siya dito para lang mapagbigyan siya sa kahilingan niya.

Tumango-tango naman si Calixta at tumingin kay Connor. Malanding yumapos ang mga kamay nito sa braso ni Connor.

Umigting ang panga niya at kumuyom ang kamay niya sa nasaksihan.

"Hon, can you ask her to leave, I am not comfortable around her, please?"

Mahina ang pagkakasabi nito pero nadinig niya iyon. Mabilis siyang bumaling kay Connor na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

Akala niya ay apologetic itong titingin sa kaniya pero kaibahan ang nakita niyang isinisigaw ng mga mata nito.

"You should leave, Hastiana," may talim sa boses ni Connor nung nagsalita ito.

Napasinghap ang mga kasama nila sa table habang namula naman siya ng dahil sa kahihiyan.

"No," mahinahon na pagtanggi niya.

Hindi nagustuhan ni Connor ang naging sagot niya base na rin sa pagtalim ng mga mata nito at sa mga titig nitong puno ng disgusto.

"You are not an employee to my business."

Mas lalong namula ang mukha niya dahil sa maatinding pagkapahiya. Masakit pala yung harap-harapan na ipakita at iparamdam na hindi ka gusto ng taong mahal mo. Pero hindi siya susuko, ilang taon na niyang pinangarap na mahalin ng isang Connor Sullivan, kaya naman hindi ang pamamahiya nito ang magpapatigil sa kaniya na ipakita at patunayan dito ang nararamdaman niya.

"Blake ask me to be here, he said that I can rely the meeting to him," giit niya.

Tumigas ang expression ni Connor at umigting ang panga nito.

"Surely I can tell to your cousin every pieces of information that he needs to know," sagot nito na pinagdidiinan ang bawat kataga na binitawan.

"N-No-!"

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ng boyfriend ko na siya na ang magsasabi ng mapagmi-meetingan sa pinsan mo!?" Galit na tanong ni Calixta na pinutol ang dapat sana ay sasabihin niya.

Huminga siya ng malalim bago hinarap si Calixta, "Blake Jenkins instructed me very clearly na kailangan ako ang magsabi ng mga information sa kaniya, hindi lang bilang pinsan niya kung hindi bilang financial advisor niya," mahabang sagot niya dito.

Financial Advisor saan galing iyon? Fvck siguradong papatayin siya ni Blake sa mga pinagsasasabi niya ngayon.

"I told you to lea-!" Singhal ni Calixta na papasugod na sana sa kaniya pero mabilis na pumagitna sa kanila si Connor at pinigilan ang kasintahan.

"Let me talk to her," seryosong sambit ni Connor habang pinipigilan si Calixta na makalapit sa kaniya.

Tumango si Calixta.

Bumitaw si Connor sa pagpigil sa girlfriend nito para harapin siya.

Nagngangalit ang panga na hinawakan nito ang braso niya at saka siya kinaladkad.

Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, hindi niya makita ang lugar dahil madilim na sa bahaging ito ng bar.

Makalipas ang ilang minuto ay padarag siya nitong binitawan.

Nawalan siya ng balanse dahil sa malakas na pagkakabitaw nito kaya naman nasaldak siya sa sahig.

"Aw!" D***g niya dahil sa sakit na naramdaman nung pagkakabagsak niya.

Galit na tinignan niya si Connor pero ang galit na iyon ay parang bula na natutunaw habang nakatingin siya sa mga mata nito.

"Why did you do that, you hurt me?" Mahinang tanong niya na tuluyan ng nawala ang galit.

"Ano ba ang problema mo, mahirap ba intindihin ang gusto ng girlfriend ko na umalis ka!?" Galit na tanong nito.

Gusto ng girlfriend niya? Tama kaya ang dinig niya na ang girlfriend lang nito ang gusto siyang umalis pero si Connor? Mahirap magtake ng risk pero hindi niya maiwasan na umasa.

"I told you, Blake ask me to be here," giit niya.

"No!" Bulalas nito. "Blake didn't as you. You insisted, you literally begged him to be here!"

Natigilan siya at pinanginigan ng katawan.

Gulat na napatingin siya dito habang hindi makapaniwala na sinabi ng pinsan niya ang mga ginawa niya makasama lang sa meeting na ito.

"Tigilan mo na itong ginagawa mo dahil may girlfriend na ako," pakiusap na sambit nito.

Parang pinipilipit ang puso niya habang naririnig niya ang pagmamakaawa sa boses ni Connor.

"Mahirap ba akong mahalin?" Tanong niya.

Natigilan ito sa naging tanong niya pero kalaunan ay tumango ito dahilan para mapapikit siya ng mariin.

"Nakikiusap ako, layuan mo na ako dahil hindi kita gusto."

"Hindi ako naniniwala na hindi mo ako gusto!" Matalim na giit niya.

Napahilamos ito dahil sa frustration.

"Umuwi ka na at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin!" Sigaw nito at nagsimulang tumalikod.

Nakaramdam siya ng kaba kaya naman hindi na siya nakapag-isip pa ng tama.

"Take me!" Nanghahamon na wika niya kasabay ng pagbaba niya ng bestida na suot niya.

Gulat na napatingin ito sa kaniya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
story po nung kapatid niya bali Dela Constancia series po
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
hi author karugtong ba ng story ni arisson at joana mei?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status