Share

Chapter 98

Florence point of view

Sorry love, na-late ako," puno ng pagsisisi na wika ni Connor habang yakap siya.

"L-Late k-ka na t-talaga."

Sabay silang napatingin ni Connor sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng mas mahigpit na pagyakap niya kay Connor.

Sa harapan nila ay nakatayo at nakangising nakatutok ang baril nung lalaki na nagtangkang pumatay sa kaniya.

"Nooooooo!" Sigaw niya para patigilin ito sa tangka nitong gawin pero;

BANG!

Huli na ang lahat dahil isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa loob ng kwarto niya. Namutla siya kasabay ng pagtakas ng lahat ng dugo na mayroon siya.

Nanginginig na pinagmasdan niya ang dahan dahan na pagbagsak ng lalaki na nagtangka sa kaniyang pumatay. Isa-isang pumatak ang dugo mula sa bibig nito. Natutop niya ang bibig niya dahil sa halo-halong emosyon.

Dahan-dahan siyang umalis sa kama para puntahan ang lalaki na kasalukuyang naghahabol ng hininga habang nasa kisame lang ang tingin. Bumubuka ang bibig nito na para itong n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status