Share

Chapter 4 Leaving

Third person point of view

"What a slut!" 

"Tch!"

Ramdam niya ang paninigas ni Brent habang yakap siya dahil sa mga komento na narinig nila. 

"You need to learn to restrain your pet!" Ganting komento ni Brent. 

Natigilan siya at napatingin sa kaibigan niya dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito.

"What did you just call me!?" Galit na singhal ni Calixta.

Napatingin siya sa gawi ni Calixta dahil sa biglaan nitong pagsasalita. 

Galit. Iyon ang nakikita niya ngayon sa mga mata ni Calixta, habang nakatingin ito kay Brent. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nag-uutos sa kaniya na tignan si Connor kaya naman iyon ang ginawa niya pero sana ay hindi nalang niya ginawa dahil puno ng pandidiri ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at kay Brent.

Saka lang niya na-realize kung ano ang sitwasyon nila ni Brent. Humiwalay siya kay Brent pero hindi siya nito hinayaan.

"You are a pet. Nothing more, nothing less," pang-iinsultong wika ni Brent.

Mas lalong nagalit ang mga mata ni Calixta at binalingan nito si Connor, "hindi mo ba ako ipagtatanggol Connor? He is insulting me!" 

Natauhan si Connor at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kaniya para balingan ang girlfriend nito.

"Let's just go Calixta, bawal sa iyo ang ma-stress at makakasama sa bata."

Umugong ang boses ni Connor sa tainga niya, para siyang mabibingi sa lakas niyon.

"So you are saying na hahayaan mo nalang ang lalaking ito na insultohin ako!?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang galit na galit ang tono ng boses.

Calixta is pregnant and Connor is the father this is enough confirmation na wala ng natitirang pag-asa para sa kanila.

Hinila niya ang manggas ng damit ni Brent para kuhanin ang atensyon nito. Tinignan siya nito at kaagad na tumulo ang isang butil ng luha niya pagkakita sa malungkot na tingin nito sa kaniya.

"L-Let...s g...go, B-Brent," pinilit niyang patatagin ang boses niya pero nabasag pa rin iyon.

Mabilis na kumilos si Brent para hilahin siya palayo kila Connor.

Pagkatalikod na pagkatalikod nila ay hindi na niya napigilan ang pag-iak ng dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"You can't just go away without paying for what you have done!"  Dinig niyang sigaw ni Calixta pero I bet kung makahabol pa ang mga ito dahil nakalayo na sila dito.

Pagdating sa sasakyan ay hindi niya alam kung saan siya pupunta, ayaw niyang makita ang mga magulang niya dahil alam niya na hindi niya kakayanin ang magsinungaling sa mga ito.

"Saan tayo?" Tanong ni Brent habang pinapaandar ang sasakyan.

"I-I don't want to go home, Brent. I don't want them to see me like this, so broken and pathetic," mas lalong bumuhos ang mga luha niya.

Nagbuntong hininga si Brent bago pinatakbo ang sasakyan. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero may tiwala siya kay Brent na hindi siya nito dadalhin sa bahay nila.

Makalipas ang halos isang oras na byahe ay inihinto ni Brent ang sasakyan sa tapat ng The Elite, isang exclusive na condominium para sa mga mayayaman.

Sabay silang bumaba ni Brent sa kotse at naglakad papasok sa condo.

"Stay here, kukuha lang ako ng makakain," sambit nito pagkatapos siyang alalayan paupo sa sofa.

Gumala ang paningin niya sa kabuuan ng sala ng unit ni Brent.

Namangha siya dahil sa ganda ng lugar. Likas na mayaman si Brent at ang pamilya nito kaya hindi na nakapagtataka na ganito kaganda ang tinitirhan nito.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nito habang ibinababa sa coffee table ang tray na puno ng prutas at isang baso ng gatas.

Inabot nito sa kaniya ang isang baso ng gatas bago naupo sa tabi niya.

Kinuha niya ang inaabot nito at uminom doon bago nagkibit-balikat.

"What about your parents?" Tanong nito.

Nanlaki ang mga mata niya at magkakasunod siyang napailing.

"I can't tell them. They'll despise me!" 

Lumambot ang expression ni Brent. He knows kung ano ang kayang gawin ng mga magulang niya.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Kumuha siya ng isang piraso ng ubas ng isang ideya ang pumasok sa isip niya.

"What if umalis nalang ako?" tanong niya sa kaibigan.

"What!?" Gulat na tanong nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"It's a bad idea, isn't it?" 

"Tch!" Umiiling na anito at natatawang ipinatong ang kamay sa ulo niya at ginulo ang buhok niya. "You sisters are really troublesome. But whatever you wanted to do, I'll support and help you."

Naiiyak na tinignan niya ang kaibigan, "darating ba ang araw na makakabayad kami sa mga tulong na ginagawa mo para sa amin?"

Nagulat ito sa sinabi niya at natigilan pero nakabawi din ito at mahina siyang tinuktukan.

"Kumain ka nalang diyan at mag-isip ng dapat mong gawin!" Maarteng saad nito at pinaypayan ang sarili.

Napailing siya at natawa. Brent will always be Brent.

Nagpatuloy sila sa pagkain ng may maalala siya, "France," wala sa sariling sambit niya.

"France?" Pag-uulit naman ni Brent.

Tumango siya.

"I am going to France, tonight." 

"Are you sure about that?" May pag-aalalang tanong nito sa kaniya.

"Yeah, can you help me?" Tanong niya dito.

Tumango ito at tumayo na.

Naiwan siyang mag-isa sa sala na walang ibang iniisip kung hindi si Connor lang. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang lahat ng larawan na magkasama sila ni Connor. 

Naninikip ang dibdib niya habang tinititigan niya ang bawat isang larawan.

"Bakit ang hirap mong mahalin?" Naiiyak na tanong niya habang nakatingin sa larawan.

_____

Meanwhile pabalik na sana sa sala si Brent mula sa pag-book ng ticket ni Florence ng matigilan siya dahil sa naririnig niyang hikbi.

Huminto siya para panoorin ito at kaagad na kumuyom ang mga kamay niya nung makita niya itong umiiyak.

Muli siyang naglakad pabalik sa kwarto bago pa siya makita ni Florence.

Pagpasok niya sa kwarto niya ay kinuha niya ang cellphone para tawagan si Blake.

Nagriring ang cellphone nito pero walang sumasagot kaya naman nagtipa nalang siya ng mensahe para dito at sinabihan niya rin ito ng plano ni Florence.

"Hindi mo na siya mababawi Connor dahil hindi ko na hahayaan na may manakit pa sa mga importante sa akin!" Matalim na sambit niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status