Share

Chapter 97

Florence point of view

Pagkalabas ng kwarto ni Connor at ng mga magulang niya ay saka lang siya tumihaya mula sa pagkakatagilid niya ng higa.

Sakto naman na pagtihaya niya ay ang pagbukas ng pinto ng hospital room niya. Pumasok ang isang naka-uniporme ng pang-hospital pero napakunot ang noo niya sa pagtataka dahil masyadong balot ang suot nito.

"Ikaw ba ang doctor na tumingin sa akin?" Tanong niya.

Tumingin ito sa kaniya pero hindi ito sumagot, bumaling ito sa pinto at sinarado iyon.

(Click!)

Mabilis siyang bumaling sa pinto bago kinakabahan na tumingin siya sa mukha ng staff ng hospital na pumasok.

"Bakit mo ni-lock yung pinto?" Tanong niya habang umuupo siya at mas idinidikit ang sarili sa dingding ng room niya.

Nagsimulang maglakad palapit sa kaniya ang staff, ang mga tingin nito ay nanunuot sa kaniya at para siyang sinasaksak dahil sa sobrang talim non.

"Tinatanong kita kung ano ang balak mo at kinandado mo ang pinto!?" Singhal niya.

Ramdam niya ang pag-ngisi nito sa likod ng fa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status