Share

Chapter 3 Pregnant

Third person point of view

Three months later...

"Congratulations, you are pregnant!"

Natigilan siya at namutla pagkarinig sa sinabi ng doctor.

She's pregnant and Connor is the father. Ano na ang gagawin niya ngayon.

"S-Sigurado po ba kayo doc?" Naninigurado na tanong niya. "Baka po delay lang ang menstruation ko or baka hormonal imbalance lang?" Dugtong niya na umaasa sa sagot na nais niyang marinig.

Pero sino ang niloloko niya kaya nga siya nandito sa hospital ay dahil sa mga sintomas na nararanasan niya. Vomiting, nausea and cravings, idagdag pa ang delayed na menstruation na never nangyari.

Naguluhan ang kaharap niyang doctor, "yes I am certain, pero kung gusto mo na makasigurado ay bumalik ka dito after a month para makapagsagawa ako ng ultrasound," suhestiyon nito.

Tumango siya habang unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang problema na kinakaharap niya ngayon.

Wala sa sarili na tumayo siya at kinamayan ang doctor, "pakiusap ko lang po na wala muna sana makaalam ng napag-usapan natin ngayon doctora," wika niya.

Nagtataka man ay walang nagawa ang doctor kung hindi ang tumango at respituhin ang desisyon niya.

Tulala na naglakad siya palabas ng clinic. Habang naglalakad siya ay isa-isang tumutulo ang luha niya.

Ano ang gagawin niya? Tanong niya sa sarili.

Wala sa sarili na nagpatuloy siya sa paglalakad kaya naman hindi niya napansin na may makakasalubong na pala siya.

"Hanggang dito ba naman ay makikita ka pa rin namin. Sinusundan mo ba kami!?" Dinig niyang maarteng singhal.

Nagtaas siya ng tingin dahil pamilyar ang boses na narinig niya at nagulat siya dahil hindi lang basta pamilyar ang boses na narinig niya, kasi kilalang-kilala niya talaga ito.

"C-Connor," mahinang nasambit niya ang pangalan nito.

Kaagad na tumalim ang mga mata ni Calixta, "dalawa kaming nandito pero si Connor lang ang nakita mo? May gusto ka ba sa boyfriend ko!?" Galit na tanong nito.

Hindi siya nakakibo.

"Calixta, that's enough, male-late na tayo sa appointment natin kay Doctora Narca," saway ni Connor habang nakayapos ang kamay sa baywang ng kasintahan nito.

Kumirot ang puso niya. May appointment din sila ibig sabihin ay buntis si Calixta. Wala sa sariling napahawak siya sa tiyan niya. Anak hindi ka na kayang bigyan ng Daddy ni Mommy.

Bigla siyang kinabahan dahil kitang-kita niya ang pagbaba ng tingin ni Connor sa kamay niya na nasa tiyan niya bago tumingin sa pinto ng clinic at muling bumalik sa kaniya.

Nagtatanong ang mga mata nito, kaya naman bago pa ito makapagtanong ay nag-iwas na siya ng tingin at nilagpasan ang mga ito.

"Where do you think you are going? I am not done with you!" Singhal ni Calixta at mariin siyang pinigilan sa tangkang pag-alis.

"A-Aw!" D***g niya dahil ramdam niya ang kuko nito na bumabaon na sa balat niya.

"Calixta!" Puno ng kaba na sigaw ni Connor at mabilis na inalis ang kamay ng kasintahan nito na mahigpit na nakakapit sa braso niya.

"What!?" Singhal ni Calixta at ibinaling ang matalim na tingin kay Connor.

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Connor at apologetic na tumingin sa girlfriend nito.

"Male-late ka na sa appointment mo," mahinahon na sambit nito.

Kaagad naman na bumitaw sa kaniya si Calixta at tumalikod na pero bago ito tuluyang umalis ay masamang tingin ang iniwan nito sa kaniya.

Maglalakad na sana siya paalis ng muli na naman siyang napatigil dahil isang kamay na naman ang muling pumigil sa kaniya pero ang kaibahan ay natagpuan niya ang sarili na nanlalamig.

"Buntis ka ba?" Diretsong tanong ni Connor.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya at dinig niya iyong ume-echo sa tainga niya. Winaksi niya ang kamay ni Connor na nakahawak sa palapulsuhan niya, "hindi ako buntis," seryosong sagot niya at naglakad na palayo.

"Kung ganon ay ano ang ginagawa mo dito?" muli ay tanong nito dahilan para mapahinto siya.

Nagtaas siya ng kilay "why do you ask?" nanghahamon na tanong niya.

Tumalim ang mga mata nito pero hindi sumagot Napailing siya at nagdesisyon ng muling umalis.

Akala niya ay magiging madali nalang para sa kaniya ang pag-alis pero nagkakamali siya dahil pinangko siya ni Connor na parang sako ng bigas at dire-diretso na naglakad pabalik sa clinic at padarag na binuksan ang pinto nito.

"Connor, what are you doing, carrying that woman!?" Galit at hindi makapaniwalang tanong ni Calixta pagkapasok nila sa loob ng clinic.

Gulat na napatingin sa kanila ang doctor pero kaagad din napalitan ng pag-aalala ang mga mata nito pagkakita sa kaniya.

"Ibaba mo siya, Mr. Sullivan!" Sigaw ni Doctora Leila.

Nakita niya ang mabilis nitong paglapit sa gawi nila. Dahan-dahan naman siyang ibinaba ni Connor.

Pagkababa ni Connor sa kaniya ay mabilis niya itong tinabig at tumayo siya ng tuwid pero dahil sa pagbubuntis niya at sa medyo matagal na naka-elevate ang katawan niya ay nakaramdam siya ng pag-ikot ng paningin and the next thing she knew ay nanghina na ang katawan niya at namalayan nalang niya na pabagsak na siya.

"Hastiana!" Sigaw ni Doctora Leila at mabilis na sinubukan siyang iligtas pero hindi ito umabot.

"Florence!"

"Connor!"

Dinig niyang sabay-sabay na sigaw ng mga nasa loob ng clinic. Nagdasal siya na sana ay walang mangyaring masama sa anak niya.

Bumagsak ang katawan niya sa matipunong bisig ni Connor na puno ng pag-aalala ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

Takot na napaupo ng tiled floor si Doctora Leila habang nakatingin sa kanila ni Connor.

"Papatayin ninyo ako sa nerbyos!" Bulalas ng doctor habang nakahawak sa puso at malalim ang paghinga.

Pinakalma niya ang nagwawalang sarili bago umalis sa pagkakahawak ni Connor at lumayo dito dahil habang tumatagal siya na nakalapit dito ay natutunaw ang conviction niya.

"Nandito ako Connor, ano itong ginagawa ninyong paglalandian sa harapan ko. Hindi ka ba naaawa sa magiging anak natin!?" Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Calixta.

Natauhan si Connor at naglakad palapit sa kasintahan na masama ang titig sa kanilang dalawa.

"Kailan mo ba kami titigilan ha!?" sigaw nito at naiiyak na dinuro siya.

Kaagad na niyakap ni Connor si Calixta at pinatahan ito.

Para siyang sinasaksak ng paulit-ulit habang nakikita niya ang pinakamamahal na may kayakap na iba.

Nangingilid ang luha na nag-iwas siya ng tingin at walang lingon na lumabas ng clinic.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng clinic ay parang ilog na bigla nalang rumagasa ang mga luha niya sa pag-agos.

Napasandal siya sa pader at nanghihinang napaupo sa sahig. Ano na ang gagawin niya ngayon?

"Kanina pa kita hinihintay sa labas nitong hospital."

Napatingin siya sa nagsalita at hindi niya napigilan ang sarili na dambahin ng yakap ang kaibigan niya.

"Brent, ano na ang gagawin ko ngayon?" Pagpalahaw niya.

"Everything will be fine," he assured er.

"Wow! You seem to have a lot of free time flirting with my man and now this guy? What a slut!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang malduta mo nmn calixta kay conor ba tlga yang pinagbubuntis mo?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status