Share

Chapter 6 Finding her part 2

Third person point of view

"Saan ba kita hahanapin?" 

Napahinga ng malalim si Connor at nawawalan ng pag-asa na naupo sa isang bench. Isang linggo na niyang nililibot ang buong metro lahat ng pwedeng puntahan ni Hastiana mula sa mga shopping malls ay pinuntahan na niya maging ang lahat ng kaibigan nito ay binisita niya pero ang lahat ng ito ay tanging pag-iling lang ang naging sagot sa kaniya. 

Habang nakaupo siya ay naalala niya ang best friend niya. Ito nalang ang pag-asa niya kaya naman gagawin niya ang lahat para malaman kung nasaan si Hastiana at ang anak niya.

Mabilis na naglakad siya papunta sa pinagparadahan niya ng kotse niya at nung malapit na siya sa kotse niya ay nakita niya ang kaibigan niya na nakatayo sa tapat niyon.

"Blake," mahinang tawag niya sa pangalan nito.

Napatingin ito sa kaniya at kaagad na tumalim ang mga mata nito at nagsimulang tumalikod.

"Help me, please." Pakiusap niya.

Tumigil ito at dahan-dahan na humarap sa kaniya.

"Ani ang gagawin mo kapag nahanap mo siya?" Nanghahamon na tanong nito.

Ano nga ba ang gagawin niya? That question never cross his minds basta ang alam niya ay gusto niya nasa poder niya si Hastiana at ang magiging anak nila.

"Bakit hindi ka makasagot? Ano ang gagawin mo kapag nakita mo na si Florence?" Nakangising tanong nito.

Umigting ang panga niya pagkarinig ng second name ni Hastiana mula dito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayaribsa kaniya pero hindi siya natutuwa na Florence ang tawag ng mga ito kay Hastiana.

Mas lumawak ang pagkakangisi nito habang nakikita siyang nagagalit.

"Are you planning on making my cousin your mistress or are you gonna drop Calixta, just to be with my cousin? Mag-isip ka muna Connor bago ka magdesisyon!" Sambit nito at tuluyan na siyang iniwan na nakatulala sa gitna ng parking lot.

Ano nga ba ang gagawin niya? Iiwanan ba niya si Calixta just to be with Hastiana? Paano ang anak nila ni Calixta?

Wala sa sariling naglakad siya papunta sa kotse niya at nilisan ang lugar.

After thirty minutes, pagod na ibinagsak niya ang katawan sa mahabang sofa bago nagpakawala ng magkakasunod na pagbuntong hininga.

"Where have you been. Hindi ka na naglalagi dito sa bahay, nakakalimutan mo ba na buntis ako at mayroon akong mga pangangailangan!?" Matalim na tanong ni Calixta sa kaniya.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga kasabay ng paghilot sa sentido niya dahil Bigla itong sumakit.

"I'm sorry Calixta, promise babawi ako," paghingi niya ng paumanhin at tumayo na para maligo.

Hindi pa siya nakakalayo ng muli itong magsalita.

"Babawi ka, ganiyan din yung sinabi mo three days ago pero nasaan ang ipinangako mong babawi ka!?" May halong pagtatampo ang boses nito.

"What do you want me to do!? I'm tired already, hindi lang ikaw ang pino-problema ko!" He can't help but shout. Naghahalo-halo na ang nararamdaman niyang galit, pagod at frustration.

Nangilid ang luha nito hanggang sa naging mahihinang hikbi, "pagod ka na pala. Bakit hindi mo pa tigilan ang paghahanap sa kaniya, kasi sa totoo lang ay nakakapagod ka!" Matalim na wika nito at tinalikuran siya.

Fvck!

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin at naglakad pasunod dito para amuhin ito.

Pagdating niya sa kwarto nila ay nakita niya itong parang bata na nagpupunas ng luha.

Naglakad siya palapit dito at lumuhod sa harapan nito. Hinawakan niya ang kamay nito pero iniwas nito iyon. 

"Forgive me please, hindi ko na kayo pababayaan ng anak natin."

Suminghot-singhot ito at umupo sa kandungan niya at mahigpit siyang niyakap.

"Miss na miss ka na namin!" May pagtatampo parin na sambit nito.

Ginantihan niya ang mahigpit nitong yakap. Pero hindi niya makuhang tugunin ang sinabi nito.

_______

Versailles, France

4:00 in the afternoon

 

"Ano!?" Sigaw ni Hastiana na umalingawngaw sa buong palapag ng opisina niya.

 

Kaagad nagtinginan ang mga kasamahan niya sa kaniya ng may pagtataka.

 

Kaagad na nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tinakpan niya ang bibig niya. Napapahiyang nagyuko siya ng ulo. Dang it, Hastiana! Nasa opisina ka at wala sa bahay mo! Pagalit niya sa sarili habang nakayuko.

 

Pinukol niya ng masamang tingin ang cellphone niya dahil dinig na dinig niya ang malakas na halakhak ng kaibigan niya.

 

"I am gonna kill you Brent!" Mahinang bulong niya bago pinatay ang cellphone.

 

Magtataas na sana siya ng tingin nung matigilan siya dahil sa malamig na boses nung head ng branch ng BDC Chains.

 

"Est-ce tout va bien, Miss Dela Constancia?"

 

Nanigas siya sa kinauupuan at hindi alam kung titingin ba siya dito. Sa huli ay apologetic siyang tumingin at alanganin na ngumiti dito, "yes, Sir John, I apologize," paghingi niya ng paumanhin.

 

John Bryant is the head of marketing department in france-based ng BDC Chains. Malamig itong makitungo sa iba kaya naman takot ang lahat dito, maging siya kahit na kasi siya ang anak ng may-ari ay matalim pa rin siya nito kung pagsalitaan lalo na kapag nagkakamali siya.

 

Akala niya ay okay na ang lahat pero mukhang may iba pang pakay ang head nila dahil bigla nalang tumalim ang tingin nito.

 

"In my office!" Mas malamig na sambit nito at dire-diretsong lumabas ng department nila.

 

Nagkaroon ng katahimikan sa buong floor nila at ang lahat ay nakatingin sa kaniya ng may pakikisimpatya. Umigting ang panga niya dahil hindi niya gusto ang mga tingin na ipinupukol sa kaniya na akala mo ay sobrang kaawa-awa siya.

 

Naiiling na tumalikod siya para sundan ang head nila. Pagkasarado niya ng pinto ng opisina ay kaagad na kumuyom ang mga kamay niya dahil alam niyang kaniya-kaniya na ng komento ang mga kasamahan niya sa trabaho.

 

Naglakad siya pakaliwa kung saan naka-locate ang opisina ng head nila. Pagkarating niya sa tapat ng pinto ng opisina nito ay mahina siyang kumatok ng tatlong beses bago buksan ang pinto.

 

Pagkapasok niya sa loob ng opisina nito ay kaagad siyang binalot ng lamig.

 

"Jeez! Magkaka-hypothermia pa yata ako dito!" Komento niya habang yakap ang sarili at iginagala ang paningin sa kabuoan ng office.

 

"Mas ma-a-appreciate ko kung uupo ka na at hindi na magko-komento pa!' Malamig muling sambit nito.

 

Napangiwi siya dahil kasing lamig ng opisina nito ang kwarto nito pero unti-unting nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat.

 

"Marunong ka magtagalog!?" Bulalas na tanong niya. Kaagad siyang napatakbo papunta dito.

 

"Tch!" Tugon nito.

 

Napangiwi na naman siya dahil sa tugon nito.

 

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong niya habang umuupo sa silya na nasa harapan ng table nito.

 

"Tch!" Muli ay ingos nito.

 

Kumunot ang noo niya at nakaramdam siya ng inis, "sir, with all due respect may trabaho pa ako kaya sabihin mo na po ang mga dapat mong sabihin," puno ng otoridad na wika niya dito.

 

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito pero kaagad din sumeryoso bago bumulanghit ng tawa.

 

Hindi niya alam kung may nakakatawa ba sa sinabi niya pero mukhang aliw na aliw ito and it somehow calms her down.

 

"Chill Florence, pinatawag kita para sabihin na hinahanap ka na ng parents mo!" Walang kaabog-abog at natatawang imporma nito.

 

"What!?" Gulat na tanong niya.

 

Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Hindi alam ng mga magulang niya kung nasaan siya ang tanging nakakaalam lang ay si Brent. Pinukol niya ng masamang tingin ang head ng marketing, "kapag sinabi mo sa mga magulang ko kung nasaan ako ay malilintikan ka sa akin!" Singhal niya dito.

 

Nagtaas ito ng kamay, "relax! Wala akong sinabi na kahit na ano, sinabihan na rin ako ni Blake na huwag magsabi sa parents mo in case na hanapin ka ng mga ito," paliwanag nito.

 

Nagulat siya dahil kilala nito ang pinsan niya, "you know my cousin?" Tanong niya dito.

 

Tumango ito, "anyway, I just informed you na hinahanap ka na ng parents mo. Aisht! Ang hirap niyong kasama kayong magpinsan, mawawalan ako ng trabaho ng dahil sa inyo," sagot nito.

 

"No you are not. So quiet," sagot niya at tumalikod na para umalis.

 

"Siya nga pala-!"

 

Napatigil siya sa paglalakad at nagtatanong ang mata na humarap dito.

 

"May meeting tayo sa isa sa mga representative ng Dela Vega Chains sa susunod na buwan kailangan na mapaghandaan natin ito," seryosong sambit nito.

 

Naguguluhan siya sa pagkatao ng kaharap niya kanina lang ay napakalamig nito parang office nito tapos one moment natatawa, ngayon naman seryoso.

 

Napailing nalang siya bago tumango at tuluyan ng umalis. Habang naglalakad siya pabalik ng opisina nila ay nakita niya ang mga ka-trabaho niya na nagsisilabasan na kaya naman napatingin siya sa orasang pambisig niya at doon niya nakita na alas sinco na pala.

 

Nagmadali na siya sa pagbalik sa opisina dahil malayo pa ang apartment na tinutuluyan niya. Itinabi niya ang lahat ng gamit niya at nakipagsabayan na siya sa mga natira pang kasamahan niya.

 

Sakto na palabas na siya ng office ay siya namang pagpasok  sa opisina ng head nila ng isang imahe na sobrang pamilyar sa kaniya.

 

"C-Connor?" wika niya.

 

Napahawak siya sa dibdib niya dahil kumakabog iyon ng sobrang lakas.

 

"There is no way na pupunta si Connor dito," napapailing na wika niya at nagpatuloy.

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status