Share

Chapter 8 Second thoughts

Third person point of view

Pinipiga ang puso ni Hastiana habang naririnig niya ang malungkot na boses ni Connor habang nakikiusap sa kausap nito sa cellphone.

Tinutop niya ang bibig para pigilan ang paghikbi pero kumawala pa rin iyon.

Mabilis siyang umalis sa pagkakasandal sa likod ng pinto para pumunta sa kama at doon umiyak.

Nagtatalo ang puso at isip niya, isinisigaw ng isip niya na hindi deserve ni Connor ang kapatawaran para sa nagawa nito pero ang sigaw ng puso niya ay kasiyahan dahil sa wakas nagawa na siyang pansinin ng lalaking mahal niya.

Hindi niya na alam kung gaano na siya katagal na umiiyak basta ang alam lang niya ay nakatulugan na niya iyon pero bago siya tuluyang makatulog ay nakarinig siya ng mahinang pagkanta mula sa labas ng kwarto niya.

Kinabukasan ay maaga siyang bumangon dahil may trabaho pa siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit maaga siyang nagising.

Tumayo siya at kaagad ng naghanda para pumasok, nag-apply lang siya ng light make-up and all set na siya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status