Share

Chapter 7 Found

Third person point of view

"Mr. Sullivan, what brings you here!?" Gulat na tanong ni John habang nakatingin kay Connor na matikas na naglalakad papasok sa opisina nito.

Pagala-gala ang mga mata ni Connor sa buong paligid sa pagbabaka-sakali na makita niya si Hastiana, it is their restaurant anyway.

"I was in the area, checking some important things so I decided to visit," sagot niya na malayo sa katotohanan.

Ngumiti ito sa kaniya, "sayang hindi mo inabutan ang team ko. Nakilala ka sana nila, nakauwi na kasi sila," paliwanag nito.

Nagulat siya, "nagtatagalog ka!?" Gulat na tanong niya.

Tumawa ito ng malakas, "parehas na parehas kayo ng reaksiyon ni Florence," natatawang wika nito.

Nanigas siya sa kinatatayuan niya, kaagad na kumuyom ang kamay niya kasabay ng malalim na paghinga pagkarinig sa pangalan na binanggit nito.

"Florence?" Patanong na inulit niya ang pangalan na sinambit nito habang pilit na kino-kontrol ang paghinga niya.

"Yes, one of the employee under my department, why?" T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status