Share

LUCAS, the playboy billionaire

HINDI pa man nasisiyahan sa paghalik sa magandang babaeng basta na lamang kumandong sa kanya ay may panibago na namang babae ang lumapit kay Lucas. The girl is as equally as beautiful as the one who just kissed him a while ago. “Hey, do I know you?” tanong niya sa babae pagkatapos na mabilis na binuhat ang babaeng nakakandong sa kanya at ibinaba sa katabi niyang upuan sa harapan ng counter ng bar na iyon. Pinakatitigan niya ang mukha ng babae at pilit na hinalungkat sa isip ang pangalan nito. The girl looked familiar, sadyang hindi lang niya maalala kung saan at kailan niya ito nakilala…or maybe, naikama.

            “Tagaytay, last week?” sabi ng babae na may hindi masupil na ngiti sa mga labi. Her eyes are sparkling. Tila may naaalala itong isang napakasayang experience. Suddenly, he felt so proud. Hindi na kailangang magpaliwanag pa ng babae. Based on her expressions, sigurado si Lucas na isa ito sa mga babaeng nabaliw sa kanya sa ibabaw ng kama. Ganoong-ganoon kasi ang anyo ng mga babaeng nakakaulayaw niya, they looked satisfied. Sinisigurado naman kasi niya na palaging masisiyahan ang mga babaeng ikinakama niya.

“Oh! Candice?” walang katiyakang usal niya. Sa dami na ng mga babaeng naikama niya ay sadyang isang malaking hamon na para sa kanya ang maalala pa ang mga pangalan ng mga ito. Madalas ay napagpapalit na niya ang pangalan ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya. Well, masisisi ba naman siya ng mga babaeng iyon? Never siyang nag-initiate ng sex o ano man mula sa kung sino mang anak ni Eva. Sa totoo lang, ang mga ito ang kusang-loob na lumalapit sa kanya. Blame it on his looks, on his irresistible charm and not to mention his family’s wealth and influence. He was just enjoying the blessings that his name was offering to him. Wala siyang sapat na lakas ng loob na tanggihan ang mga babaeng iyon. Palay na ang lumalapit sa manok ang sabi nga ng marami kaya naman sino siya para tumanggi pa, ‘di ba?

“It’s Alice,” pagtatama ng babae. Napansin niyang dagling nabawasan ang saya sa mukha nito. Napalitan iyon ng hinanakit.

Kaagad na naalarma si Lucas. Kung mayroon man siyang iniiwasan, iyon ay ang makapanakit ng damdamin ng babae. Kaya naman sa umpisa pa lang, palagi niyang nililinaw sa mga ito na hindi uso sa kanya ang salitang kaseryosohan. Hindi niya ipagpapalit ang kalayaan sa isang relasyon na alam niyang sakit lamang ng ulo. Call him nuts or a douchebag but he can’t offer something serious to a girl but a wild and unforgettable sex. Kasalanan ba niya na kung sa sobrang galing niya sa aspetong iyon ay hinahabol siya ng mga babae?

As long as the girl is not demanding more of his attention or time ay okay sa kanya. Pero kapag nakikita niyang may mas malalim nang emosyong involve sa pagitan nila ng isang babae ay kaagad na siyang umiiwas sa babaeng iyon. Ayaw niya ng sakit ng ulo. At sa kasamaang palad, ganoon ang tingin niya sa salitang commitment kaya naman kahit minsan ay hindi siya nakipagcommit sa kung sino mang anak ni Eva. He’s not capable of nurturing a serious relationship kaya naman ni minsan ay hindi siya sumubok na pumasok sa bagay na iyon. Isa pa, bakit pa siya papasok sa relasyon kung nakukuha naman niya ang satisfaction na kailangan niya sa mga babaeng buong-buo na iniaalay ang sarili sa kanya. Madalas ay higit pa nga sa inaasahan niya ang handang gawin ng mga ito mapasaya lang siya.

“What are you doing here, Clarisse?” tanong niya sa babae.

Nadoble lamang ang lungkot sa mukha ng babae. Tumatawid na hanggang sa mga mata nito ang kalungkutang iyon ngayon. “It’s Alice and please, spend the night with me. Or maybe we could go on a date?”

“I’m sorry, Alice but I can’t give you what you want,” deretsahang sabi niya sa babae. Sanay na sanay na siya sa ganoong eksena kaya naman hindi na ‘yon bago sa kanya. Mas mabuti nang hindi niya paasahin si Alice sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo kaisa naman bigyan niya ito ng false hope at masaktan sa huli.

“But why?” umiiyak ng tanong nito.

Lihim siyang napamura nang mapansin niyang gumagawa na sila ng eksena. Maraming parokyano na ng bar na iyon ang napapatingin sa kanila. Sa kabila ng malakas na tugtugan at sigawan ng mga taong naroon ay kakatwang tila naririnig niya ang mga hikbi ni Alice. Isa ito sa mga iniiwasan niyang mangyari. Ayaw na ayaw niyang may isang babae ang umiiyak sa harapan niya dahil lang hindi niya kayang seryosohin ang mga ito. Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa tuwing ay isang babae ang magmamakaawa sa kanya.

Mabilis siyang nag-isip ng magandang dahilan. Kung alam lamang niyang mahina palang pumick-up ang babaeng ito ay hindi na niya ito pinatulan pa, tuloy ay nasa bingit siya ng isang alanganing sitwasyon ngayon. Pero dahil maingay ang paligid at masyadong magulo sa lugar na iyon ay hindi siya makapag-isip ng magandang dahilan.

“Wala akong maisip na dahilan para hindi mo ako magustuhan. I know I’m beautiful. Mayaman ang pamilya namin and I’am a career woman. I can be a good wife if you’ll give me a chance,” si Alice na mukhang desidido naman ngayon na kumbinsihin siya. “What we have is precious, Lucas. Alam kong masyadong mabilis pero sa tingin ko ay mahal na kita. And I know, you only need time to think kaya bakit sinasabi mo na hindi mo kayang ibigay ang mga gusto ko? I’m sorry but I can’t really find a reason not to like you unless you’re…gay? Which is very impossible dahil napatunayan ko na hindi ka gan…”

“I am,” putol niya sa paglilitanya ni Alice. Lihim niyang minumura ang sarili dahil umabot pa siya sa puntong gagawa ng ganoong dahilan para lang iwasan ng isang babae. Mula ngayon ay ipinapangako niyang mas magiging maingat na siya sa mga babaeng ikakama niya. Kung kinakailangang magpapirma ng non-disclosure agreement ay gagawin niya.

“You’re what?” tigagal si Alice pati na rin ang babaeng nakakandong sa kanya kanina. “You’re kidding, right?”

“I’m not,” sabi niya sa mas convincing na paraan. “In fact, I realized that when we had sex. Kinailangan ko pang isipin na lalaki ka para lang makapagperform ako nang mahusay and thank you, Alice,” kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinisil iyon. Pinasaya niya ang anyo at tinig. Tiyak na tatawanan siya ng mga pinsan niya oras na malaman nito ang ginagawa niya iyon. Humugot siya nang malalim na buntong hininga. “Thank you for making me realize that I’m gay.”

“What?” laglag ang balikat ni Alice. “What did you say?”

Inilakas niya ang tinig sa pagkakataong iyon dahil hindi sila magkaintidihan lalo at todo na ang mga speakers sa paligid sa mga sandaling iyon. “I’m gay!”

Kaya lang ay biglang tumigil ang tugtog.

At narinig ng buong mundo ang sinabi niya.

Huli na para bawiin pa niya iyon dahil ang lahat ng mga naroon ay nakatingin na sa kanyang direksiyon. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Siguradong maputlang-maputla siya nang mga sandaling iyon. Napaupo siya sa malapit na stool habang nakatulala.

Tiyak na magiging isang malaking balita sa lahat ng pahayagan ang mga nangyari at nasabi niya ngayong gabi. He was about to speak and take back all the words he said nang magsimulang maglapitan sa kanya ang mga taong naroon. Kilala na kasi siya sa lugar na iyon dahil katulad niya ay mga miyembro ng mayayamang angkan ang halos lahat ng mga naroon.

“Oh, it’s okay, bro. I got you,” sabi ng isang lalaking lumapit sa kanya.

“Know that you’re valid, dude,” sabi naman ng isa pang lalaki na madalas niyang makita doon.

“Atleast you’re free now to be yourself. Spread your wings and fly away, Lucas,” sabad naman ng manager at may-ari ng bar na iyon na si Winston –isa sa mga matatalik niyang kaibigan na naging saksi kung paano siyang umiiwas sa mga babaeng naghahabol sa kanya.

I am really dead!

“THAT is not true, mamita,” sa hindi na mabilang na pagkakataon ay mariing sabi ni Lucas sa kanyang abuela na si Doña Maristella Imperial. Masahol pa ito sa kabute na bigla na lang sumulpot sa condo unit niya sa Alabang.

            “Then let me hear your explanations about this issue,” she handed him a newspaper.

As expected, nakabalandra sa isang pahina niyon ang pagmumukha niya. Talaga namang nakakagimbal ang headline niyon kaya hindi na nakapagtatakang napasugod sa unit niya ngayon ang abuela. Idagdag pang laman na rin ng mga balita sa radio at t.v. ang bagay na ‘yon. “Look, Mamita, it’s just a scheme you know? There was a girl who wants to be my girlfriend. Pinuntahan niya ako sa bar and asking more of my time and attention. Ang kulit niya. Ayaw niyang tanggapin na what we have shared in Tagaytay was nothing but a pure sex. It was just a one night st…”

“Lucas?!” napaupo ang matandang Imperial sa kanyang couch.

Mabilis na dinaluhan ni Lucas ang abuela. Nanginginig ang tuhod niya sa takot at kaba. Matanda na ang mamita niya at hindi ito puwedeng atakhin sa puso dahil sa kanya. Siguradong siya ang sisisihin ng buong pamilya kung may mangyayaring hindi maganda sa matanda at doon pa mismo sa loob ng unit niya!

“M-mamita, are you alright?” the word worried was an understatement to describe his feeling right now.

“Well I’m obviously not, Lucas!” mahinahon man ay nakakatakot pa ring sabi nito. Bilang isa sa mga apo nito ay kilalang-kilala niya ang abuela. Ayaw na ayaw nito ng disappointments and so was he. Kung mayroon man siyang pinaka-iniiwasang mangyari ay ang magalit sa kanya ang abuela hindi lang dahil sa inaasahang mamanahin mula rito kung hindi dahil mula pagkabata ay ito lang ang matatawag niyang kakampi.

Anak siya sa labas ng kanyang amang si Leandro Imperial –ang panganay sa tatlong anak ni Doña Maristella. Baog ang legal na asawa ni Leandro at iyon ang madalas na pinagsisimulan ng hindi pagkakasunduan ng mga ito. Dala ng frustrations na magkakanak at ng pressure na kaakibat ng pagiging vice-president ng isa sa pinakamalakling negosyo ng kanilang pamilya ay minsang naisipan ng kanyang ama na magpakalayo-layo muna. Napadpad ito sa Palawan kung saan nito nakilala ang isang prostitute. Isang gabi, dala ng kalasingan at kalungkutan ay may nangyari kay Leandro at sa bayarang babaeng iyon.

Nine months later ay may isang sanggol ang iniwanan sa harapan ng gate ng mga Imperial. Nakalagay ang bata sa isang basket at may kasamang sulat na nagsasabing Lucas ang pagalan ng bata at anak iyon ni Leandro Imperial. Dala ng labis na sama ng loob ay hindi kinaya ng legal na asawa ni Leandro ang pangyayaring iyon. Gabi-gabi na itong umiinom hanggang sa igupo ng colon cancer. Ayon pa sa mga kuwentong narinig ni Lucas mula sa mga kasambahay nila ay hindi na raw nagkasundo ang mag-asawa buhat nang dumating siya sa bahay na iyon.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit kahit minsan ay hindi rin nagkaroon ng amor sa kanya ang ama. Siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng asawa. Siya raw ang araw-araw na paalala ng pinakamatinding kasalanan na nagawa nito sa tanging babaeng minahal nito. To his father, he was nothing but a fruit of the greatest sin he had ever committed.

Simula pagkabata ay palagi na lamang nitong ipinaparamdam sa kanya na kung bibigyan lang ito ng pagkakataon ay hinding-hindi nito gugustuhing balikan ang sandali kung kailan siya nabuo. Napaka-ironic lang din na kung kailan ito nagkaroon ng anak ay saka naman ito hindi naging handa para sa bagay na iyon. Hindi sa iilang pagkakataon na ipinaramdam nito sa kanya na wala siyang halaga para rito. Good thing, naroon si Mamita para sa kanya. Ito ang nagpuno ng lahat ng pagkukulang ng kanyang ama. Unlike his own father, Mamita wholeheartedly accepted him. Ibinigay nito sa kanya ang apelyidong nararapat para sa kanya. Tinanggap siya nito at minahal katulad ng pagmamahal nito sa apat pang mga apo nito. Dahil doon ay naging malapit siya sa matanda. Isinumpa niyang hinding-hindi siya gagawa ng ano mang bagay na makakapagpasama ng loob nito –bagay na hindi naman niya nagawa. Dahil sa halip na matuwa, madalas ay nagiging sanhi pa siya ng sama ng loob nito.

When he was in elementary, Mamita wants him to take a piano lesson. Pero dahil aksidente niyang narinig noon na gusto ng daddy niya noon na maging swimmer ay swimming lesson ang inuna niya. Noong high school ay mas naging aktibo siya sa sports kahit pa ang sabi ni Mamita ay malaki raw ang potential niya sa arts. Iniisip niya kasi na baka iyon ang makakapagpasaya sa daddy niya kaya naman kahit pa gustong-gusto rin niya ang arts ay iniisang tabi niya ang bagay na iyon.

When he was in college, Mamita wants him to pursue a degree in Architecture but he ended up taking a business course dahil hindi man siya deretsohin ng ama ay iyon naman ang ipinaparamdam nito. Naisip niya rin kasi na baka isang araw, makita siya nito bilang nag-iisang anak na puwede nitong sanayin para sumunod sa yapak nito.

Sa kagustuhan na mapansin ng ama, madalas ay nalilimutan niya ang sarili at ang mga taong nagpapahalaga sa kanya. Ilang beses man niyang gustuhing unahin ang sarili at makinig sa desisyon ni mamita, palagi siyang natatalo ng pagnanais na patunayan sa kanyang ama ang sarili niya.

“Napakatigas talaga ng ulo mo, Lucas. Hindi ko na alam kung paano ka pang makikinig sa akin,” sabi nito bago siya pinaghahampas sa kanyang braso. Iyon ang palaging ginagawa nito kapag may nagagawa siyang kasalanan.

“Stop it, Mamita. I’am no longer a child,” aniya. Masuyo niya itong niyakap. Kagaya nang palaging nangyayari, nakaramdam siya ng kaginhawahan ng himasin nito ang likod niya. To the world outside his condo unit, he is one of the luckiest people in the world for being one of her heir. Para sa lahat ng mga kababaihang nababaliw sa kanya ay siya ang pinakamaningning na bituin sa langit. Para naman sa kanyang ama, isa siyang kasalanang hindi nito matatanggap kahit kailan. To Mamita, isa siyang apo na nangangailangan ng higit na atensiyon at pagmamahal.

Buong buhay niya, parang wala naman talagang tao na nakakakita kung sino at ano talaga siya kaya naman madalas, kahit ang sarili niya ay parang hindi na niya kilala. Sa edad na trenta y uno ay hindi pa rin malinaw sa kanya ang gusto niya sa buhay. Wala siyang plano dahil lahat na lang ng bagay na gusto niyang gawin ay parang wala rin namang halaga sa kanyang ama. Kung magiging totoo lang siya sa kanyang sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya ay hindi mahirap sabihin na hindi niya alam ang purpose niya sa buhay. He doesn’t really know what life is all about.

“I’m planning of giving you the Hacienda Imperial,” walang babalang sabi ni mamita.

Tigagal si Lucas. Ang Hacienda Imperial lang naman kasi ang pinakamalaking hacienda sa Nueva Ecija. It was his father’s ultimate dream of having that property in any possible way. “W-what? Are you serious, Mamita?

Humiwalay siya mula kay Mamita. Nakita niyang nakangiti ang abuela sa kanya. “Iyon lang ang paraan para mapansin ka ng daddy mo. Iyon lang rin ang paraan para mapilit kitang seryosohin ang buhay mo, Lucas. Pero may kondisyon,” tiningnan siya nito sa mga mata. Kahit minsan ay hindi pa niya nakitang ganoon kadesidido ang abuela pagdating sa pagpapatino sa kanya.

“Maghanap ka ng matinong babaeng mapapangasawa,” sabi nito sa tonong hindi nagbibiro.

Doon mas natigagal si Lucas. Dahil paano niyang gagawin ang gusto gayong ang pag-aasawa ang isa sa mga bagay na pinaka-iniiwasan niya? Sa dami ng babaeng nagdaan sa buhay niya ay hindi magiging mahirap para sa kanya ang maghanap ng babaeng ihaharap kay Mamita. But looking at her now, alam niyang hinding-hindi ito magpapaisa sa kanya. Si mamita na nga siguro ang pinakamabait na taong nakilala niya pero ito rin ang pinakamatalinong miyembro ng kanilang pamilya. Hindi ito magiging ganoon kayaman at kaimpluwensiya nang walang dahilan.

“Anim na buwan, Lucas. Mayroon ka lang anim na buwan para makahanap ng matinong babaeng ihaharap sa akin.”

Hanggang sa makaalis ng unit niya ang matanda ay tulala siya. Gusto niyang tumanggi sa gusto nito kagaya ng madalas niyang gawin pero paano niyang tatanggihan ang bagay na iyon kung iyon ang tanging paraan para sa wakas ay mapansin siya ng kanyang ama?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status