Share

Elainne, the instant fiancée

IPINARADA ni Lucas ang kanyang bagong-bagong Nissan 3707 sa malawak na parking space ng The Billionaire’s Hub.  Literal na billionaire’s hub ang five star coffee shop na iyon na matatagpuan sa Alabang dahil kung hindi milyonaro ay bilyonaryo ang lahat ng mga parokyano niyon. Dali-dali siyang umibis mula sa sasakyan. “Nice ride,” tinapik-tapik pa niya ang makinis na hood niyon pero nang maalalang wala pa palang pangalan ang nasabing sasakyan ay dagli siyang tumayo sa tabi niyon. Isinandal niya ang katawan sa mismong sasakyan at pinagkrus ang mga binti. Hinawakan niya ng kanyang kanang kamay ang kanyang baba habang ang kaliwang braso ay nakahalukipkip sa harapan.

Kung ang halos lahat ng simpleng tao sa Pilipinas ay pinoproblema ang maraming bagay gaya ng pagkain, electric bills, at kung ano-ano pa, si Lucas naman ay palaging isa lang ang itinuturing na problema. Iyon ay kung ano ang magandang ipapangalan sa mga sasakyan niya. In total, he has already ten cars and all of them are very expensive. Pero sa lahat ng iyon ay ang gamit niyang sasakyan ngayon ang pinakapaborito niya hindi dahil sa katotohanang iyon ang pinakamahal kung hindi dahil iyon ang latest birthday gift ni Mamita sa kanya.

Ano nga ba ang magandang ipangalan sa isang pulang sports car na nagkakahalaga lang naman ng kulang apat na milyong piso? Well its name should sound very expensive. Nasa ganoong pag-iisip si Lucas nang marinig niya ang pamilyar na tunog ng mga tawanan sa malapit. Nang igala niya ang paningin ay nakita niya ang mga pinsang sina Klay at Trevor sa ‘di kalayuan at halatawang pinagtatawanan siya.

“Let me guess, you are having a hard time thinking of a name for your car,” sabi ni Klay habang papalapit ang mga ito sa kanya.

Na-amazed siya sa husay ng pagkakahula nito sa problema niya nang mga sandaling iyon. “Wow! You’re really great in guessing, dude. Paano mong nalaman ‘yon?”

Malakas na tawa ang naging sagot ni Klay sa kanya. “It’s pretty obvious, dude. Wala ka naman kasing ibang pinoproblema kung hindi ang pag-iisip ng pangalan sa mga collections mo,” anito nang makahuma sa pagkakatawa.

“Klay’s right, dude and I’m sure, people are wondering how someone like you can afford to have those expensive cars,” sabad ni Trevor. Sa kanilang magpipinsan ay ito ang pinakaseryoso sa buhay –kung negosyo at ari-arian ang pag-uusapan. Dahil ibang usapin na kapag kaseryosohan sa babae ang pag-uusapan. Sa kanilang lima kasi ay si Ashton ang pinakaseryoso pagdating sa kaseryosohan sa babae.

Ikinibit niya ang balikat kasabay nang paglayo sa kanyang sasakyan. Mamaya na lamang niya pag-iisipan kung ano ang magandang ipangalan doon. “I’m an Imperial, you know.”

“Yeah, the only bum among us –the Imperials,” may pinaghalong panunukso at pagsasabi ng totoo na sabi ni Trevor. Kung hindi lang niya kilala ang pinsan ay baka napikon na siya rito. Pero dahil kilalang-kilala niya ito at totoo naman ang sinasabi nito ay alam niyang hindi siya dapat ma-offend.

Lumapit siya kay Trevor at pinakatitigan ito. Huminto siya sa mismong harapan ng pinsan nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito. Trevor did the same thing. Nagsukatan sila ng tapang pero walang gustong bumitaw. Kung  mayroon mang isang bagay na masasabing common sa kanilang magpipinsan, iyon ay ang katotohanang wala silang inuurungan.

 “Come on, don’t you dare making a scene here,” bago pa man may maunang magbawi ng tingin sa kanilang dalawa ni Trevor ay pumagitan na sa kanila si Klay. “Tiyak na magiging laman na naman ng balita sa radio at t.v. ang binabalak n’yong away at hindi ‘yon maganda especially on your part, Lucas. Hindi pa nabubura ang issue ng kabaklaan mo para gumawa na naman ng panibagong issue,” dagdag pa ng pinsan na naging dahilan para matawa silang tatlo nang sabay-sabay.

Just like that, bigla na silang naging normal ulit ni Trevor. “Why did you make that fiasco, dude?” tanong nito sa kanya.

Sumama ang mukha ni Lucas hindi sa inis kay Trevor kung hindi dahil sa katotohanang ilang araw na siyang ligalig dahil sa napakalaking pagkakamaling iyon. Hanggang ngayon ay laman pa rin ng balita sa mga tabloids ang “kabaklaan” niya at wala siyang maisip na magandang paraan para itama iyon na hindi lalabas sa publiko ang pagkababaero niya. Dahil kung magpapatawag siya ng press con para lang sabihing kaya niya lang nagawa iyon ay upang iwasan ang isang babae ay hindi malayong malaman ng mundo kung gaano siya kapalikero pagdating sa mga babae. He can’t afford other mistakes that may cause harm to Mamita. Kahit naman pasaway siya ay mahal na mahal niya ang abuela at hindi niya ito gugustuhing magkasakit o mapahamak dahil sa kanya.

“That’s really sucks, you know,” sabi na lang niya habang naglalakad silang magpipinsan papasok sa loob ng coffee shop. “That kabaklaan issue really gives me headache. Iniisip ko ngayon kung paanong lilinisin ang pangalan ko lalo na at gusto ni Mamita na makahanap na ako ng mapapangasawa sa loob ng anim na buwan.”

Biglang natigilan sa paglalakad sina Klay at Trevor. “W-what? Ikaw rin?” magkasabay na tanong ng mga ito bago nagkatinginan. “Pati ikaw?!” ang sabi ng mga ito sa isa’t isa.

Napakunot-noo siya sa mga ito. “What do you mean?” tanong niya, naguguluhan. “Wait, don’t tell me you are also asked to look for a wife?”

Sabay na nalaglag ang balikat ng dalawa. Kung pati sina Klay at Trevor ay sinabihan ni Mamita na maghanap ng mapapangasawa sa loob ng anim na buwan, hindi malayo na pati sina Ashton at Sebastian na siyang nagpatawag ng ‘emergency meeting’ na ‘yon ay humaharap rin sa parehong dilemma.

What are you into this time, Mamita? Tanong niya sa kanyang isip.

Ngayong nagretiro na si Mamita sa pamamahala sa mga negosyo ng pamilya nila ay ang mga buhay naman ba nilang magpipinsan ang tatrabahuhin nito?

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa tanong na iyon.

“SINASABI ko na nga ba at isang malaking gunggong ‘yang James Mathew na ‘yan. Unang kita ko pa lang sa kanya ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya,” kumukulo ang dugo na paglilitanya ni Elainne habang naglalakad sila ng umiiyak na kaibigang si Elle sa labas ng isang halatang pangmayamang coffee shop sa Alabang. Naroon raw ang manlolokong ex-boyfriend ng kaibigan niya. Ang kapal-kapal ng mukhang magtaglay ng pangalan ng santo ng lalaking iyon gayong isa naman pala itong impakto.

“W-wait lang, friend. A-ano bang ginagawa natin dito?” tanong ng luhaang kaibigan niya. Napakamiserable nitong tingnan. Gusot-gusot ang buhok nito na parang hindi nausuhan ng suklay. Nakaguhit sa pisngi nito ang mascara na tanda ng pag-iyak nito.

Kasalukuyan siyang nag-dadasal ng six o’clock parayer kanina nang makatanggap siya nang tawag mula rito. Kaagad siyang nakaramdam ng pag-aalala nang habang umiiyak sa kabilang linya ay idinitalye nito ang kalokohang natuklasan nito na ginagawa ng gagong boyfriend nito.

“Ano pa? Edi gaganti tayo!” tila isang malaking giyera ang idinideklarang sabi niya. Patawarin siya ng Diyos dahil alam niyang maling-mali ang gumanti pero kailangan siya ng kaibigan. Kailangang turuan ng leksiyon ang JM na iyon para hindi na nito gawin sa iba ang ginawa nito sa kaibigan niya. “Napakawalang-puso niyang JM na ‘yan. Imagine? Kasal na pala siya at may dalawang anak pagkatapos ay niligawan ka pa at jinowa? Hindi na iginalang ang sakramento ng kasal!” nanggagalaiti sa galit pa ring sabi niya. Kung nakakapatay lang ang maaanghang na salita, tiyak na kanina pa nangingisay ang JM na ‘yon. Pero sa laki ng kasalanan ng tinamaan ng magaling na lalaking iyon sa kaibigan niya, duda siyang tatablan iyon ng maanghang na salita. Ang dapat sa mga ganoong klase ng lalaki ay pinapatakbo ng h**o sa EDSA.

Pinigilan siya ng kaibigan. Sumisinghot-singhot itong tumingin sa kanya. “Hayaan na lang natin siya. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari ‘to,” litanya ng martir na kaibigan niya.

Tigagal siya sa sinabi nito. Hayaan? Hindi pwede ‘yon. Dahil kung hahayaan lang nila ang mga lalaki na gawin ang mga kalokohan nito sa kanilang mga kababaihan ay hindi magdadalawang isip ang mga ito na paulit-ulit gawin ang hindi makamundong gawi ng mga ito. “Alam mo kung ano ang tawag sa’yo? Gartir. Pinaghalong gaga at martir. Niloko ka na nga. Ginawang kabit at balak gawing past-time ‘tapos ay hahayaan mo lang? Aba, Elle, new millennium na. Hindi na uso ang mga martir ngayon. Hashtag woman empowerment na ang isinisigaw ng mga kababaihan sa buong mundo. At bilang bahagi ng woman empowerment, ibabangon natin ang pride mong dinurog ng lintik na JM na ‘yon,” kaagad niyang inihingi ng tawad sa langit ang mga mura at masasamang salitang binitiwan niya.

Sorry po, Lord, nagpapakakaibigan lang po.

Hinintay nilang umalis sa puwesto nito ang guwardiyang nakabantay sa entrada ng lugar na iyon bago sila papuslit na pumasok. Sa unang tingin pa lang ay gusto na niyang mamangha sa bumungad na ganda ng lugar na iyon. True to its name, that coffee shop seems to be so expensive. Duda niya ay kaya na silang pakaining magtitiyahin ng isang linggo ng halaga ng isang tasa ng kape doon. Animo hindi gabi nang mga sandaling iyon dahil sa napakaliwanag na ambiance ng paligid. Malawak ang parking space na natataniman ng mga punong-kahoy na noon lang niya nakita. Tingin niya ay napakamahal ng mga puno na ‘yon. Nagparada sa paligid ang makalaglag pangang mga luxury cars. Naroon ang mga pinakalatest na brand ng sports car. Pakiramdam niya, pati ang hangin sa lugar ay may bayad. Natatakot na rin siyang ihakbang ang mga paa dahil baka singilin sila sa bawat hakbang na gagawin nila ng kaibigan.

Pero mas masidhi ang kagustuhan niyang turuan ng leksiyon ang JM na ‘yon.  Alam niyang puwede siyang makatanggap ng minus five sa langit sa kung ano mang kasalanan ang nakaamba niyang gawin pero kailangan niyang turuan si Elle na maging mas matapang. Hindi dahil pangarap niyang maging madre ay hahayaan lang niya na saktan ng mga kalalakihan ang mga taong malapit sa kanya.

Kaagad silang kumubli sa mga nakaparadang sasakyan nang matanaw nilang pabalik na ang guwardiya. Maingat silang humakbang habang hinahanap sa loob ng malawak na coffee shop ang impaktong ex-boyfriend ni Elle. Salamin ang majority ng pinaka-coffee shop. Kitang-kita ang mga nasa loob niyon mula s akung nasaan sila ng kaibigan ngayon. “Paano tayong makakapasok sa shop na ‘yan? Mukhang twelve thousand ang entrance fee, friend,” helpless na tanong ni Elle. “Pagtatawanan lang tayo diyan kaya ang mabuti pa ay umalis na tayo.”

Tama si Elle. Hitsura pa lang ng coffee shop ay halatang hindi na pinahihintulutang makapasok ang mga kagaya nilang hampas lupa. Mukhang gatas ang ipinapaligo ng mga tao sa loob kaya naman tila hindi na mga tao ang mga iyon. They looked like more of Gods and Godesses. Akmang magpapatianod na siya sa kaibigan nang may isang mabangis na ideya siyang naisip. “Kilala mo ba kung alin sa mga ‘yan ang sasakyan ni JM?” she asked. A demonic smile was flashing on her lips.

Tumango si Elle. “Yeah, it’s a red-expensive sports car,” sabi nito na mukha pa ring kawawa. Iginala nito ang paningin. Mayamaya, itinuro nito sa kanya ang isang magarang sasakyan.

Hinila niya ang kaibigan palapit sa kotse. Tila nalalasahan na niya ang tamis ng tagumpay. Malalasap ng JM na ‘yon ang ganti ng isang nun to be. May nadaanan silang galon ng pintura patungo sa kotse. Napangiti si Elainne nang isang ideya ang pumasok sa isip niya.

Paglapit na paglapit sa sasakyan ay binuksan niya ang galon ng pintura. Isinawsaw niya roon ang kanang hintuturo. Luminga-linga siya sa paligid para siguruhing walang ibang tao roon. Kumakabog ang d****b niya sa kaba dahil siguradong ibibitin siya ng patiwarik ni JM kapag nahuli siya nito. Nang masigurong walang ibang taong naroon ay basta na lamang iginuhit iyon sa body ng sports car. “Doon ko sa bandang harapan, friend. Tingnan mong maigi ang paligid habang nagpepaint ako rito.”

“Tama na ‘yan, Elainne. Ako ang kinakabahan sa’yo, eh” tila hindi maihing puso si Elle. Pinagkikiskis pa nito ang mga palad. Nanginginig kasi ang mga kamay nito sa matinding kaba.

“Huwag kang mag-alala dahil mabilis lang ito,” itinuon niya ang mga mata sa ginagawa. “Hindi ko naman lalakihan ang iguguhit ko. Sakto lang ‘to para turuan ng leksiyon ang ex mong walang hiy…”

“What are you doing to my car?!”

Napaigtad si Elainne nang marinig ang tinig na iyon. Sa isang iglap, pakiramdam niya ay tinakasan siya ng katapangan. Bigla ang panginginig ng kanyang buong katawan. Duda niya ay maiihi sa takot maging ang kaluluwa niya nang mga oras na iyon. Napalunok siya nang mabitawan ang galon ng pintura. Tumalsik ang nalalabing laman niyon sa kanya at sa kotse sa harapan niya.

“Holy shit!” malakas na sigaw ng kung sino mang lalaking iyon.

Holy wow! Nagpapanic na bulong niya sa sarili. Unti-unti siyang humarap sa kanyang likuran. Mukhang totoo nga ang kasabihang lahat ng kasalanan ay sinisingil ng langit dahil ang anghel na inutusan ni Lord para singilin siya sa kasalanan niya ay hayun na sa likuran niya. The angel looked so tall. Maamo ang mukha nito sa kabila ng kabiglaan. Malinis ang gupit ng lalaki na bagay na bagay sa lalaking-lalaking anyo nito. His eyes are so expressive. Matangos ang ilong nito na bagay na bagay sa napakapupulang mga labi. Dala ng pagkakatigagal ay nakikita niya ang pantay-pantay at mapuputing mga ngipin nito. Kung mag-o-audition ito para maging substitute ni Chris Evans ay madaling matatanggap ang lalaki. Because he is really looked like Chris Evans!

“Hey you, don’t just stand there and stared at me like you did nothing wrong!” galit na galit ang anghel na nagpapanggap na si Chris Evans. Lumapit ito sa kanya at napalunok siya nang masamyo niya ang amoy nito. He smells so divine! “Alam mo ba kung magkano ang sasakyang ‘yan na ginagawa mong canvas? It costs your life, damn it!”

Natauhan siya. Hindi yata at nagkakamali siya ng akala. May anghel bang nagmumura? At ano ang sinasabi ng baliw na ito na kasing-halaga ng sasakyan na iyon ang buhay niya? Ipinilig niya ang ulo niya para matauhan. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang gawin ‘yon lalo pa at pinabayaan na siya ng kanyang katawang-lupa. Ipinagkakanulo siya ng sariling mga mata dahil ano mang pagbawi ang gawin niya, paulit-ulit lang itong humahagod sa guwapong lalaking nakatayo sa harapan niya. “D-damn it? Damn you!  Akala mo ba ay maloloko mo ‘ko? This is not yours! This is my friend’s ex-boyfriend’s car. Come on, Elle, sabihin mo nga sa lalaking ito na…Elle?” nahindik siya ng makita ang kaibigan na kasama si JM at pasakay sa isang pulang sasakyan.

Kung hindi ito ang pulang sasakyan na pag-aari ng manlolokong JM na ‘yon, ang ibig sabihin lang niyon ay…unti-unting humarap si Elainne sa lalaking nasa likuran. Namumula ito sa galit. Kung makakapatay lang ang tingin, baka kanina pa siya death on arrival sa hospital. Ano ba ‘yung katangahang nagawa niya? Bukod ba hindi siya nag-isip at basta na lamang siyang nagpadala sa alimpuyo ng damdamin. “L-look, I d-didn’t m-mean t-to..”

“Give me one million pesos and I won’t sue you. And I meant it,” halatang-halata ang galit na pinipigilan nito sa bawat salitang binitiwan ng lalaki.

“O-one m-million?” napalunok siya. Ibig na niyang panawan ng ulirat. Saan siya kukuha ng ganoon kalaking halaga? Pambili nga ng bagong sandalyas ay wala siya pagkatapos ay hihingian pa siya nito ng isang milyong piso? “S-sir, a-ako ho ay i-isang simpleng m-mamayan ng P-Pilipinas. B-bagaman a-ako po ay bumoboto at nagsisimba tuwing linggo ay s-sadyang w-wala po a-akong i-is….aray sir!” napadaing siya ng bigla na lang siyang sinikmat ng lalaki. Pakiramdam niya kakainin siya nito ng buhay. Nagngangalit kasi ang mga bagang nito habang nakatingin sa kanya.

Tinangka niyang bawiin ang kamay niyang mariing hawak nito pero mas lalo lamang siyang hinila nito palapit dito, ang ending, sumubsob siya sa malapad at matatag na d****b nito. Akmang lalayo siya sa lalaki nang bigla na lang may magkislapang mga kamera mula sa kung saan. Sa isang iglap, natagpuan niya ang sariling nakasubsob pa rin sa diddib ng lalaki na pinipigilan pa ang kanyang ulo at lalong isinubsob sa d****b nito. Silaw na silaw siya sa nagkikislapang mga camera mula sa mga taong iyon na nakapaligid sa kanila. May hawak na camera at mic ang mga ito.

“Mr. Iperial, are you really gay? Kailan mo ‘yon unang naramdaman?”

“Who inspired you to get off of your shell?”

“Paano mo ipinaliwanag sa mga Imperial ang tunay mong kasarian?”

Naramdaman niyang nanigas ang lalaki at siya man ay ganoon din. Hindi niya alam kung naging slow na ba ang utak niya o talagang napakabilis lang ng mga pangyayari. Kanina lang ay gusto niyang ipaghiganti ang kaibigan. Nagkamali siya ng pintuntiryang sasakyan at nahuli ng may ari niyon. Ngayon ay narito siya sa harapan ng mga reporters at mariing hawak ng isang Imperial. Paano ba niyang paniniwalaan ang mga iyon? Napakaimposible namang mangyari ang tagpong iyon. Kung panaginip lang ang lahat ng iyon, sana ay mahulog siya sa higaan at nang matauhan siya.

“I’m not a gay,” sabi ng lalaki.

“Pero paano mong ipapaliwanag ang mga balita ngayon sa…”

Shock ang buong mundo lalong-lalo na si Elainne nang bigla na lang hawakan ng lalaki ang pisngi niya at angkinin ang mga labi niya.

Napakurap-kurap siya habang magkadikit ang mga labi nila ng lalaki at panay ang kislap ng mga camera. Bukod sa tunog ng mga nagkikislapang camera na iyon ay wala nang ibang marinig si Elainne kung hindi ang biglaang paglakas ng tibok ng d****b niya.

Sa mga mata niya ay bigla na lang bumagal ang ikot ng mundo. Nagsasalita ang mga reporters pero tila walang lumalabas na salita sa mga bibig nito. And her heart, it seemed that it lost its function. Parang nalulunod siya nang mga sandaling iyon. Nawala ang konsepto ng wastong pagtibok ng puso niya dahil sa isang sandali, mabagal ang tibok niyon tapos ay biglang raragasa sa bilis.

Humiwalay ang lalaki sa kanya. Pakiramdam niya ay kasama nitong humiwalay sa kanya ang katinuan niya. Dahil nanatili siyang nakatayo sa tabi nito at nakatitig sa lalaki. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay naging alipin siya nito.

“Who’s that girl, Lucas?” tanong ng isa sa mga reporters.

“She’s my fiancée, excuse us,” narinig niyang sabi ng lalaki na Lucas pala ang pangalan.

Fiancee?

In just a blink of an eye she became a fiancée of an Imperial. Sino pa ngayon ang makakapagpaniwala sa kanya na walang himala?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status