Share

Another Chance

SINO ba naman ang hindi mamamangha sa isang kagaya ni Elainne? Hayun ang babae at walang pag-aalinlangang nakikipagsayawan sa mga pulubing ngayon lang nito nakausap at nakilala. Walang kapaki-pakialam ang dalaga kung may mga nagdaraan man sa lugar na iyon na natatawa dahil sa ginagawa nito. Napansin niyang marami ang kumukha ng video sa babae na halatang natutuwa rin dito. She was a beautiful scene to watch for. Tinatangay ng hangin ang buhok nito habang matamis ang ngiting nakikiindak sa mga bata. Buhay na buhay ang aura ng babae na hindi alintana kung mapagkamalan mang baliw at may sayad. While looking at her, Lucas can’t help himself but smile.

Bahagya siyang natigilan nang maisip na para siyang baliw na ngumingiting mag-isa. Kanina lang ay naiinis siya sa babae dahil sa masasakit na paratang nito sa kanya pero ngayon, dahil lang sa nakikita niyang masayang ngiti nito ay para bang handa na siyang patawarin ito. It’s really funny how she managed to make him feel

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status