Share

One Big Dinner-Disaster

KUNG NAKAKABULAG lang ang sobrang karangyaan, baka umuwi si Elainne ngayong gabi na walang paningin. Every corner of that mansion spells for power, wealth and extravagance. Pagpasok na pagpasok pa lamang niya pintuan ay bumalaga na sa kanya ang malawak na sala. Puti ang dominanteng kulay sa kabuuan ng bahay. Ang mga muwebles particular na ang baluster na nakapaligid sa ikalawang palapag niyon ay brown ang pintura.

Maningning ang ceiling dahil sa dami ng mga ilaw na naroroon. Pakiramdam niya ay nanliliit siya habang minamasdan ang naglalakihan at naggagandahang chandelier na nakasabit sa kisame na may mabusising design. Malalaki ang portraits na nakasabit sa pader. Mayroon ring mga halatang mamahaling paintings na matatanaw doon.

Ceramic pots are all around. Hinding-hindi siya didikit sa mga iyon dahil tiyak na kulang pa ang buhay niya bilang kabayaran kung mababasag niya ang mga iyon. Off-white ang kulay ng tiles. Sa gitna ng sala ay may malaking carpet. Bukod sa mga s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status